Chapter 18 - Selos Much?
BRENT's POV
Ang tagal naman dumating nila KC at Serg. Uh wait? They're here! Spell T-S-K ? Bakit ganon? They look good together. Sana kami na lang ni KC. :/
Hindi nga pala naka-nerd si Serg. Uuwi siguro to? Wahaha. Good Serg! Ma-sosolo ko rin si KC may pakinabang ka rin pala bilang bestfriend eh.
KC's POV
" Butler K, sasama ka talaga sa party? " Tanong ko sa kanya.
Kung kanina hindi ako mapakali sa presence niya, ngayon hindi na masyado. Haha ang taba talaga kasi ng utak ko eh.
" No " tipid nitong sagot
Aba! Kanina lang pogi ka ngayun naman bumabalik ka sa sunget mode mo!
" Sunget!" At nag cross arms ako. Sign na naiirita ako. Bakit hindi siya sasama? Bayun! Sayang naman ang pogi ng kasama ko tapos hanggang hatid lang? Pede bang sulitin ko na?
Uy Butler K! Binigay ka sa akin ni Kuya Mico! Akin ka! Huwaat? Ah basta!
" Bakit ka naka-simangot? Diba no outsiders allowed sa party niyo? " Ay oo nga no? Anyare ba sa utak ko? Porket may kasamang pogi sakin na agad?
Oh KC na-activate yata ang kalandian mo.
" Hindi yun. Sungit sungit mo kase " palusot ko.
" Don't mind me.. Anyways you're beautiful so don't frown "
You're beautiful ..
You're beautiful ..
You're beautiful..
Pak! Beautiful daw! Tameme naman ako dun. Bakit kasi anlakas ng impact sakin ngayong gabi ni Butler K?
" Were here" huh? Ang bilis naman?
Pinagbuksan niya ako ng pinto at inilahad niya yung kamay niya
" Ms. KC let's go?" Tinanggap ko naman yun at inalalayan niya akong lumabas sa kotse
3rd Person's POV
Ini-abot na ni KC ang kanyang kamay sa nakalahad na palad ng kanyang Butler. Makakalabas na siya ng maayos ngunit dahil sa nakasuot ito ng napakataas na takong ay nawalan siya ng balanse at tuluyan ng nadulas.
Madali naman siyang naalalayan ni Serg. Hawak nito ang magkabilaang braso ng dalaga. Sa di ma-ipaliwanag na dahilan nakadama sila ng "slow-motion" sa paligid nilang dalawa. Nanatili sila sa ganong pwesto at hindi nila mai-alis ang tingin sa bawat isa.
Nang matauhan ay unang umiwas ng tingin ang dalaga at ito ang unang kumalas sa kanilang posisyon
" Uh. S-salamat " yun lamang ang nasambit ng dalaga at yumuko ito
" Sige alis na ako. Enjoy Ms. KC." Tanging sagot ng binata upang matago ang kaba na nadarama
BINABASA MO ANG
My Nerdy Butler
Teen FictionA handsome guy turns into a nerd slash butler to achieve his dream to become a Star Knight.