Chapter 16 - Cinderella--- KC-Rella

62 5 0
                                    

Chapter 16 - Cinderella--- KC-Rella

Para to sa mga KENT ( KC and Brent loveteam) !! Enjoyy :*

BRENT's POV

This coming saturday na pala yung CCU Annual Welcome Party. Haru. Dudumugin nanaman ako ng mga transferee at first year para makapag-pakilala, naalala ko tuloy yung nangyari nung last year. The first part of that night was the worst nightmare of my life. But it turns out to be a blessing in disguise.

Katatapos ko lang magpakilala sa stage noon. Pagkababa ko ng stage may lumapit sa akin na babae, first year yata.

" Hi kuya, ano po ulit name niyo? " Tanong niya with matching beautiful eyes pa

Parang ang sama ko naman kung sasabihin ko na ' Unli lang? Katatapos ko lang magpakilala kanina'. So ayun sinagot ko naman siya

" Brent Villafuerte " maikli kong sagot

" Kuya ang pogi mo naman " sabay kapit sa braso ko.

Nako ke-bata bata pa lang ang landi na.

Inalis ko yung pagkakakapit niya sakin " salamat " akma na sana akong aalis pero sumigaw yung bata kanina

" Girls!! Close na kami ni kuya BRENT! Ay! Kiligmats! "

Nagsitakbuhan naman palapit sa amin yung mga girls and gays. At ayun tili sila ng tili at kung san-san parte na ng katawan ko dumadapo yung mga kamay nila. Nung time na yun gusto ko sumigaw ng Rape! Rape! . Haruu! Yung tuxedo ko punit-punit na ToT the worst part is... Nakita nila ang pinaka-tatago kong abs! At. - at - at pinipicturan nila. Waah. Help!

" Hoy! Quiet! This is a formal party, hindi ito yung mga parties na pinupuntahan niyo sa bar! Get it? Cellphones with cameras are not allowed in here, we have an official photographer. Those will be confiscated. Makukuha niyo lang to unless you bring your parents to the principal's office." Kinuha niya lahat ng cellphones at nagsitakbuhan sa takot yung mga girls at gays kanina.

Matapos niya makuha, napatingin naman siya sa akin. Ganto oh o_o . Gulat na gulat siya at bumaba yung tingin niya sa nakabalandra kong abs. Na-estatwa naman siya pero nakabalik din sa composure niya.

" Uy ikaw si Brent Villafuerte diba? " Akala ko naman tutulad siya dun sa mga babae kanina kaya umatras ako ng konti. Wag po ate! Bata pa ako ToT

" Oy ba't ka umaatras? Natatakot ka sakin, wala naman sa itsura ko yung nangangain ng tao ah? " Naka-pout siya habang papalapit sa akin

" Tara na nga. Kung di siguro ako dumating, na-rape ka na for sure nung mga bakla dun. Tara dun tayo sa clinic " hinigit niya yung kamay ko.

Huh? Clinic daw? Kaming dalawa lang?

" Hu-hoy! Bakit mo ko dadalhin dun? " Tinakpan ko naman ng isang kamay ko yung abs ko. Nako!

" Baliw! Wag ka ngang green diyan! Pupunta tayo dun para makapagpalit ka. Buti na lang at may dalang extra si Kuya Mico".

" Ah ok. " Sorry naman. Pahiya konti " pahiram muna ako ng mga cellphone nila, buburahin ko lang yung mga pictures"

Agad naman niyang binigay yung mga phone, sakto rin na nakarating na kami sa clinic

" Oh ayan!" Inabot niya sa akin yung damit

My Nerdy ButlerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon