Chapter 17. 1 - A Night to Remeber
Kc's POV
Yiie! Kasado na ang Party! Hong-gondo-gondo ng pinaghirapan namin nila Serg, Brent and Friends! . Pera ni Brent, ang Bunganga ko, strength ni Serg at ang Creativity nila Friends! Oha! That's what we call TEAMWORK!
Parang nasa Heaven ka tuloy. Kasi gumamit ng fog machine, clouds daw. Buti nga't hindi kami masyadong nahirapan sa stage. Sinabuyan lang namin ng silver glitters yung wall. Haha. Yung ibang mga artist ng section namin tumulong na rin sa cut-outs and designs dun sa Stage.
Naglagay din kami ng blue curtains sa bawat edges ng Congregate area then sa gitna nun yung disco ball. ( Naiimagine niyo ba?) . Sinabuyan din namin ng glitters yung bawat part ng Congregate Area para glittery all over the place ang drama! Haha syempre hindi mawawala yung Red Carpet with rose petals na nakakalat.
Yung tables naman, per year ang groupings ng tables. Every year may 4 long tables. 4 section kasi ang meron per year. Sa kabuuan mayroong 16 tables habang nandun sa harap ng stage yung isa pang long table para sa mga faculty.. Nilagyan din ng candles. Take note. Scented candles. Sinamahan pa ng flowers Sosyal! Haha.
Sa foods. Yung ise-serve na meal is limited lang. Pero yung desserts such as Cookies, marshmallow, brownies, chocolate fountain, ice cream and other stuffs is unlimited.
Sa technicals. Sila kuya Lance daw ay mag aala-DJ. Pede daw mag request or magpa-dedicate ng song sa kanya after the ceremony.
Lastly. Yung photo booth, yan ang hindi pedeng mawala sa occassion na to. Nakalimutan ko bang sabihin na bawal ang camera dito? Ewan ko kung bakit bawal. Basta bawal. Policy yun ng school eh.
Nagbayad din yung mga students ng 200 peso para sa occassion na to. Unbelievable diba? 200 pesos lang. Kung tutuusin lugi si PB sa bayad. Pero sabi niya nga.. "THIS IS A NIGHT TO REMEMBER, they don't need to pay for how much the occasion cost. as long as they are enjoying themselves, feel ko bayad na ako" bait ni PB no?
Masyado kasing malawak ang imagination ni President and Bb. Athena ee. Ang gastos naman. Ang kaso hindi naman sila yung gumastos. Wawa si PB -__- . Gastos niya lahat to.
It's already 4:30pm . The ceremony will start at exactly 6:00pm later. At excited na ako kasi magka-date kami ni Boyfiee. I'm so kilig kilig >//< sige na! Tama na ang dakdak kelangan ko pa magpaganda ee. Haha.
Calling Boyfiee..
" Hello "
( Hi Ny, hindi kita masusundo )
" Huh? Bakit may problem ba?"
( Ah-eh. Oo e sorry ny )
" Hmm.. Ok. Sige bye I love you"
(Geh bye)
Toot-toot-toot
Walang I love you too? Bayun. Waaa. I'm gonna cry na T__T. Wait wait wait! This is a NIGHT TO REMEMBER - a night to remember for being heartboken. Ayy erase that! This night should be fun! Ang utak mo KC wag nega! Tsk. Magpapaganda na nga ako. Take note boyfiee. Magsisi-si ka sa di mo pagsundo sa akin *evil laugh* - ay gumaganun? Bitter-bitteran ang peg?
Dahil wala namang magsusundo sa akin hindi na ako nagmadaling magbihis. Ano pang sense nun diba? Nagmamadali ka for nothing. Pagkatapos ng 30 minutes na pagliligo ko, sinuot ko na yung blue cocktail dress na hanggang tuhod ( conservative po kasi si Kuya Mico)pinartneran ko pa ng silver stilletos. Sinuot ko na rin yung kwintas ko na may Sapphire stone. Yung buhok ko? Pinaplantsa ko lang. And yung make up, medyo light lang. Hindi na ako naglagay ng ibang kaartehan sa katawan
BINABASA MO ANG
My Nerdy Butler
Fiksi RemajaA handsome guy turns into a nerd slash butler to achieve his dream to become a Star Knight.