18:SUICIDE

10.9K 137 11
                                    

GWEN's POV

Kaliwa....

Kanan....

Kaliwa...

Kanan...

"Damn! Nick maupo ka nga! Nahihilo ako sayo eh!" sigaw ni Miguel. Kanina pa kasi si Nick palakadlakad na parang natataranta. Nasa St.Luke's Hospital kami ngayun. Nagpakamatay kasi si Mico at nasa ER sya ngayon ng Hospital.

Nakita ko namang napatingin samin si Nick. Kitang kita ang pag aalala nya sa mukha nya. Takot na takot din yung mata nya.

Napabuntong hininga nalang sya tsaka umupo.

Mayamaya ay nakita naming patakbo ang parents ni Mico papunta samin.

Agad namang tumayo si Nick pero sinalubong nya ang kamao ni Tito Virgil. Natumba si Nick sa sahig.

"Walang hiya ka Nick! What did you do to my daughter?!" galit na galit si Tito Virgil. Pinipigilan naman ni Tita Regina, ang asawa nya.

Pinatayo ni Miguel si Nick habang ako ay nakatingin lang sa kanila. Kitang kita kay Nick ang pagsisisi nya.

"Tito, I'm sorry." halos di na marinig na sabi ni Nick.

"Gago ka!" Akmang susuntukin na naman ni Tito Virgil si Nick ng pinigilan sya ni Tita Regina.

"Enough, Virgil. Di makakabuti kung mag aaway pa kayo." -Tita Regina. Medyo kumalma naman si Tito at napaupo.

"Basta't pag may nangyari kay Mico, walang kasal na magaganap."

Hindi na naka sagot si Nick at biglang yumakap sakin.

Naramdaman kong sobrang higpit ng yakap nya sakin.

"Pinabayaan ko sya, Gwen." nanginginig ang boses ni Nick. Hinimas himas ko naman ang likod nya at napabuntong hininga.

"No, pinsan. Magiging ok din si Mico." Pag cocomfort ko sa kanya.

"Sana nga." At naramdaman kong medyo nabasa yung balikat ko.

Wee??

Is Nick Ramos Crying? Dahil sa isang babae?

I guess I'm right.

He's falling for Mico.

NICK's POV

Halos dalawang oras din kaming naghihintay dito sa labas ng ER ng may biglang lumabas na Doctor mula sa room. At dahil doon ay mas kinabahan pa ako.

Sana ok ka lang Mico.

Sana walang may nangyaring masama sayo.

Dahil sa oras na maging ok kana, Di na kita papabayaan pa.

"Sino ang mga kamag anak ng pasyente?" Agad kaming lahat napatayo. Kasama ng mga magulang ni Mico.

"Is she ok Doc? ok lang ba ang Pasyente? May nangyari ba sa kanya? Please say She'll be fine." sabi ko while holding my breathe. Parang naiihi ako sa pwedeng isagot ng Doktor.

Bigla naman akong tinapik ni Miguel sa balikat.

"Relax, Bro." At napabuntong hininga ako.

Napatingin ulit kami sa Doktor.

"Ok na ang Pasyente, Dont worry. Ililipat na sya namin sa private room nya after some time.Please excuse me." At naglakad na palayo ang Dokror. Di ko alam kung anong magiging reaksyon ko. Parang gusto kong umiyak na tumawa. Di ko maintindihan. Basta alam ko, Ayoko syang mawala.

Bigla ko namang naalala ang sinabe sakin ni Gwen sa bahay nila.

"You're falling for that brat."

Napabuntong hininga na naman ako.

Kung totoo man yun, Wala nakong magagawa.

Basta ngayon, aalagaan at poprotektahan ko sya sa abot ng makakaya ko.

MICO's POV

Asan ako? Am I in Heaven?? Patay na ba ako? Pero bakit may naririnig akong ingay na paulit ulit? Medyo malabo din yung paningin ko tapos puro puti. Nang medyo klaro na ang paningin ko ay doon ko napagtanto na nasa isang kwarto ako.Di pa pala ako patay.

At ang mas ikinagulat ko ay nang pagtingin ko sa gilid ng bed ko ay nakita ko ang isang taong di ko inaasahang makikita ko.

si Nick..

Nakahawak sya sa kamay ko habang naka subsob ang mukha nya sa isang unan sa gilid ko pero halata paring hindi sya komportable sa posisyon nya. At doon ko narealize na nasa Hospital ako ngayon.

At si Nick ang nagbabantay sa akin?

"Mico..."Rinig kong tawag nya sa akin kahit tulog parin sya. Nananaginip ba sya?

"Mico... Wag mo kong iiwan." Nagulat ako sa narinig ko. Medyo tumagilid din ang mukha nya at doon ko nakitang may mga luha sa kanyang mga mata habang tulog sya.

"Nick..." Gising ko sa kanya at akmang itatayo ko ang katawan ko ay nakita kong nakabendahe ang ang pulso ko. At doon ko naalala ang lahat.

I committed suicide nga pala..

Bigla namang umangat ang ulo ni Nick. Gising na sya. Bigla akong naawa sa sitwasyon nya. Halatang wala syang tulog at pagod na pagod.

"Mico! Gising ka na!" bigla nya kong niyakap. At nagulat ako doon. Ginantihan ko naman sya. Matagal tagal din bago sya kumalas sa yakapan namin.

"Gusto mo ba ng tubig? Prutas? Anong gusto mo? May binili akong mga pagkain dito.Kung gusto mo." Nakatayo sya habang hinahalungkat ang laman ng ref.

"Nick, I'm ok." Tsaka ko sya nginitian. Halatang natataranta sya. Narinig ko ang buntong hininga nya. Lumapit sya sa akin at hinaplos ang pisngi ko.

"Mico, Please don't do it again.Pinag alala mo ko ng husto. Promise me that you'll never do it again." Nakita ko ang sinseridad sa muka ni Nick.Parang may humaplos naman sa puso ko dahil sa mga narinig ko.

"I will never, Nick. I promise." tsaka nya ko niyakap ulit ng sobrang higpit.

__________________________________________________________________________

This chapter is dedicated to @HyacinthFayeMendez thanks po sa suporta! :)

Vote and comment! :)

Be a fan!

-MagicStarDust

A not-so-special Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon