47:BABY SHOWER

5.1K 123 50
                                        

3 months later ...

MICO's POV

"Girrrrllll! Asan kana baaaa?! Jusko naman anong oras naaa!"  Nasa kabilang linya ngayon si Jun. Baby shower ko kasi. At sila nina Kate at Isabel yung nag prepare.

"On the way na! Pag ako nabangga lagot ka."

Nasa isang hotel sila ngayon. Hindi ko nga alam kung sino sinong mga nandun e.

"Ay ako pa sinisi! Oh sya, bilisan mo na dyan at kanina pa kami dito naghihintaaaaay!"

"Haha! Oo na, malapit na po. Andyan na ba si Nick?"

"Wala pa girl, baka papunta na den."

"Ah, siguro. Sige na ibababa ko na to. Byeeee."

Nasan na kaya si Nick? E sabi nya half day lang sya sa office at pupunta sya? Pero 3:30 na a.

Biglang pumasok sa isip ko,

Baka sinamahan nya si Janna?

Oo, alam kong nagkikita sila minsan. At hindi ko na pinapagalitan ang asawa ko. Alam ko namang responsibilidad ni Nick yon. 3 months na din yung nakalipas lang huli naming pinag awayan to, at nagkaintindihan na kami ni Nick tungkol dito. Kabuwanan ngayon ni Janna at mas naiintindihan ko kung bakit medyo madalas silang magkita ni Nick nitong mga nakaraang araw.

Papasok na ko ngayon sa hotel kung saan gaganapin ang baby shower ko. Sa pool area ang venue. By the way, 7 months na rin tong tyan ko, in 2 months time makikita na namin si baby.

Pagdating ko sa pool area, una kong nakita si Jun na parang inip na inip na sa kahihintay sakin.

" Ay sa wakas nakarating din."

Inirapan ko lang sya. Hahaha

Pumasok na kami ng tuluyan.

Nakita ko si Papa at si Mama. Niyakap ako ni Mama.

"Anak, kamusta kayo ng baby mo?"-Mama

"7 months na po sya, ma." Ngumiti ako. Nakita ko namang biglang na excite si Mama at Papa.

"That's good. You look very happy anak." -Papa.

"I am, Pa. Thanks to you." Niyakap ko din si papa.

Nagstart na yung baby shower. Madaming pagkain. Konti lang naman yung dulamo.

Sina Mama, Papa, Jun, Kate, Isabel, Dree at Jake.

At ganun padin, parang ang awkward parin ng hangin pagdating kay Dree at Jake.

Nagbibigay na sila ng regalo.

Isa isa kong binuksan yon.

"Mico, here's my gift." -Kate.

At nung binuksan ko, aby mattress yung laman.

"Thank you Kate." Nagyakapan kami.

"Jun, ikaw nalang yung hindi nakakbigay."-Jake.

"Ay ako na ba?"- Jun. Tsaka nya inabot sakin yung parang maliit na card na nakabalot ng brown na papel.

"Eto bakla, wala na kasi akong maisip na ibigay sayo." Parang nahihiya pa si Jun.

At nung binuksan ko, gift certificate yung laman.

Aba madaming pera tong baklang to.

"Waaaaa! Salamat girl." Tsaka ko sya niyakap.

Pagkatapos nun, kumain na kami. Yung iba naligo sa pool.

Ako naman hindi mapakali.

Nick, nasan kana ba?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling na-update: Nov 24, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

A not-so-special Love StoryMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon