17:DEAD2.2

10.7K 112 1
                                    

MICO's POV

"Madami ka palang bisita ngayon, Mico." Hala! Lagot na! Si Nick, nandito na. May mga bitbit na grocery bags?! Bumili ata ng mga pagkain?

"Ah.. eh.. Nick, pina-"

"Don't worry, Ramos. Paalis na naman kami ng pinsan ko." Sagot ni Jake. Nagkatinginan sila ng masama.

"Don't you hear me? Walang aalis sa bahay ko." Nakakatakot na yung aura ni Nick. Yung parang isang galaw mo lang, Masasakal ka.

"Ahh.. Nick. Uuwi na din naman sila eh." nanginginig na sagot ko. Tinignan lang ako ng masama ni Nick.

"Anong ginagawa nyo dito Isabel?" -Nick. Pero halatang takot na takot din si Isabel kaya di na nakapagsalita.

"Pinapunta ko sil---" sasagot sana ako ng biglang

"Shut up Brat! Si Isabel ang tinatanong ko!"Pinagtaasan na ako ng boses ni Nick. Napayuko nalang ako habang si Isabel ay takot na takot namang sumagot.

"Ayaw namin ng Gulo,Ramos. Kaya aalis na kami." Pero akmang hihilahin na ni Jake si Isabel palabas ng bahay.



"Kuya! I'm here!"



Halos namigas kami sa kinatatayuan namin ng makita namin ang nagsasalita.




Si Andree.

Ang kaisa isang kapatid ni Nick at sya ding dahilan kung bakit sya galit kay Jake.

Coz Jake ruined Andree's Life..






"Dree."




ANDREE's POV

Hay, Si Kuya talaga napaka makakalimutin. Naiwan ba naman sakin yung relo na ireregalo niya kay Mico. Gusto na nya daw kasing magkabati sila ni Mico kaya parang Peace offering nadin daw to. At dahil don, nagpasama sya sakin sa mall. Wala kasi syang alam sa taste ng mga babae.

Maihatid na nga lang to sa kanila. Nasa bahay na siguro yun kasi medyo hindi na din traffic eh.

I quickly grabbed my purse tsaka yung gift nya kay ate Mico. Puntahan ko nalang sa bahay nila.

After 15 mins nasa harapan na Ko ng bahay nila.

Bakit may guard? Ganto nya ba talaga pabantayan si Ate Mico?! Wagas ha. Inlove ata si Kuya? Ikulong ba naman si ate Mico sa Bahay nya at di makakalabas hanggang di Sila kinakasal?

Parang obssessed lang?! ttssss... Sa bagay, Ganyan talaga mainlove. Nakaka obsses.

Pero mas nagtaka ako, bakit andaming kotse dito sa labas ng Bahay? Isang kotse lang naman kilala ko dito. Yung Black ferrari ni Kuya na Regalo ni Daddy sa kanya last week.

Pinagbuksan naman agad ako ng Guard.

"Good evening po maam." Bati nya sakin.

"Good evening kuya. Bakit po andaming kotse dito sa labas? Sinong tao?" Di ko naiwasang itanong sa guard.

"Ah ehh, Kaibigan ata ng Kuya mo tsaka ni Maam Mico, Miss Andree." Tumango nalang ako sa guard tsaka umusad.

Sina Miguel, Carl at Kenny siguro. Kukulitin na naman ako ng Carl na yun. Di bale, aalis din naman ako agad eh.

Nang pababa na ako ay may narinig akong dalawang boses ng lalaki. Mga kaibigan siguro ni Kuya.

Makapasok nga.



"Kuya! I'm here!" sigaw ko pero mas nabingi ako ng makita ko siya.




Yung lalaking sinira ang buhay ko.



Ang lalaking minahal ko pero sinaktan ako.



Si Jake..


Halos malaglag yung mga dala ko. Nakita ko namang gulat na gulat silang lahat.


"Dree.." Tawag sakin ni Kuya pero di ko napansin sa sobrang titig ko kay Jake.


Masakit pa din ang mga ginawa nya kahit dalawang taon na ang nakakalipas. Kaulad ng pagkikita namin sa mall.

Halos mapako kaming lahat sa kinatatayuan namin ng magsalita si Jake.

"Nick, aalis na kami." Nakayukong sabi nito. Hinila nya si Isabel palabas at nilampasan lang ako.


Ang sakit.


Ang sakit na kahit sa panahong lumipas, di ko padin maitatagong mahal na mahal ko padin sya.


Ang lalaking sumira sa buhay ko ay syang lalaki paring nagpapatibok ng puso ko na namatay dalawang taon na ang nakakalipas.


NICK's POV

Damn!! Nakita kong nasasaktan padin si Dree dahil sa lalaking yun.

Ganoon nya ba talaga minahal ang lalaking yun?!

Ang sarap bugbugin ni Jake.

Pagka alis na pagka alis nina Jake tsaka Isabel ay agad nading nagpa alam si Andree. Binigay nya lang pala yung relong naiwan ko sa kanya.

Ang tanga ko! eh kung di ko sana to naiwan sa kanya, di sana masasaktan ang kapatid ko.

Alam kong umuwi si Andree ng mabigat ang puso. Kitang kita sa mata nya.

Kilala ko ang kapatid ko. Kahit Brat yun pero alam ko ang kahinaan non.

Si Jake..

Biglang napukaw ang diwa ko ng may narinig akong ingay sa Kwarto ni Mico.

Ano na naman ba ginawa ng babaeng yun?! Sya yung may kasalanan kung bakit pumunta dito si Jake eh.

Mas umingay pa kaya tumakbo na ko papuntang kwarto nya.

Damn! Lock! Kinakabahan nako dahil rinig na rinig sa labas ng pintuan ang iyak ni Mico.

Agad akong natarantang pumunta sa kwarto para kunin ang spare key ng kwarto nya.

Agad ko itong binuksan pero wala sya dito.




Booog!!



Narinig kong parang may nabasag sa loob ng cr.


Mico! Ano na naman ang ginawa mo?!

At agad na kong tumakbo papasok sa banyo nya,

Seeing her naked at hawak hawak ang isang pirasong bubog galing sa basag na salamin sa cr nya.

She's pointing it in her wrist while Crying..

"I'm sorry Nick." then she cut off her own veins...

_________________________________________________________________________

A not-so-special Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon