23:WEDDING DAY

10.2K 111 0
                                    

MICO's POV

Well, i guess this is it. The day that i will be going to use Nick's family name. Masaya dapat tong araw na to e, pero sa isang iglap nasira lahat.

My mind went back to reality when i heard some knock.

At nang bumukas yung pinto, i saw mommy smiling at me.

"Hey!Goodmorning baby! Di ka ba nakatulog ng maayos?" tanong ni Mama habang palapit sakin.

"Uhm. May iniisip lang po ako Ma."

"Ow, kinakabahan ka no? Nako anak! wag kang kabahan! Normal yan pag ikakasal ka. And i can't believe na mawawala ka na sa poder namin ng Daddy mo. It makes me so sad." Napayakap din Mama sakin. Actually walang kaalam alam ang pamilya ko na nagkakalabuan kami ni Nick at may anak sya sa ibang babae. Ayokong madamay pati pamilya namin.

Niyakap ko din si Mama.

"I will miss you Ma' kahit lagi tayong nag aaway." Di ko na napigilang umiyak. Simula sa araw na to, magbabago na ang buhay ko. Ang buhay na pinangarap ko dati pero parang masamang panaginip na ngayon.

"I will miss you too, baby. And alam mo namang pinapagalitan ka lang namin ng Dad mo para ka ikakabuti mo. Tandaan mo yan anak, You'll always be our baby." Naramdaman kong medyo naiiyak na din si Mama. Hindi nalang ako nag salita.

"Oh siya Anak, maligo kana at ilang minuto nalang dadating na yung mag aayos sayo. Wag masyadong kabahan ha!" tsaka kumalas si Mamasa pagkakayakap sakin tsaka naglakat papuntang pinto pero bago sya lumabas ay ngumiti muna sya.

**

*clap*clap*"Ayan!!! Keribels na!!! Ang ganda mo Mico!! Siguradong lusaw brief ng mapapangasawa mo nito sa ganda mo!" Chichi, yung nag aayos sakin.

I looked at my own reflection in a rectangular mirror in front of me. I'm wearing my wedding gown right now.

yeah- inaamin kong bagay sakin yung gown ko, pero kahit magandang tignan parang hindi bagay sa aking suutin to. Yung pakiramdam na ikakasal ka pero my kasamang sakit?

"Wow! You look perfect, my princess." then i saw Papa standing at the door.

"Papa!" I immediately run and hug him.

"Hey! Dahan-dahan! Masira yung make up mo."

"Papa naman eh! *pout"

"Haha. Just kidding."

**

I can hear the wedding song that's playing inside the church. Kitang kita ko din yung mga press at mga camera man na nag aabang sa labas ng simbahan.

Syempre ikakasal ba naman yung dalawang anak ng mga pinaka makapangyarihang tao sa mundo ng business at showbiz.

"Maam, labas kana daw po ng bridal car at magsisimula na yung wedding nyu." Marinig kong sabi ng driver.

I released a big sigh.

"This is it, there's no turning back." i said to my self. Nakita ko namang nakaabang si Papa sa labas ng sasakyan.

"Relax, Anak."Pagpapakalma sakin ni Papa.

"Yes Pa."

Habang naglalakad kami ay lahat ng tao ay nakatingin sa amin ni Papa. I fake a smile, andami kasing kumukuha ng litraro namin.

Nawala yung ngiti ko when I saw Nick waiting for me in the End of the aisle.

Nag hug ako ky Mama at Papa bago nila ako ipinaubaya ky Nick.

"You're so beautiful, my bride."

*Lubdub* *lubdub*

Biglang bumilis yung tibok ng puso ko pero di ko na pinansin.

**

"You may now kiss the bride." rinig kong sabi ng pari. Nagkatitigan kami ni Nick.

And then he kissed me,

.

.

.

.

.

.

.

.

on the cheek.

Narinig ko namang nagpalakpakan yung mga tao.

**

Medyo gabi na din ng matapos ang reception. Nakakapagod makipag plastican sa mga tao.

Hayy.


NICK's POV

Hay, ang hirap naman ng ganito! Oo nga't kasal kami pero parang wala naman syang pakialam.

Ano pa nga bang inaasahan ko, malamang galit yan dahil sa ginawa kong katangan. -_-

Nga pala, nasa private plane kami ngayon ni Mico. Papunta kaming Iloilo, Syempre honeymoon namin pero di sa iloilo ha. sa Guimaras kami talaga mag hohoneymoon. Yung kabilang isla malapit sa iloilo. Wala kasing airport sa Guimaras e, kasi maliit lang na island yun.

Tinignan ko si Mico, nakaupo sya habang kinakalikot yung phone nya. Pano ba to? Ano kayang mangyayari sa honeymoon namin? eh hindi nya nga ako pinapansin.

Tsss.. -_-

MICO's POV

Waaaaaahh!!!! Finally, nasa iloilo na kami. Agad ko nang kinuha yung gamit ko tsaka bumaba ng eroplano. Bahala si Nick pag naiwan sya no. >_

"Mico! Ako na magdadala ng mga gamit mo." muntik nakong mapatalon ng hawakan ni Nick yung balikat ko.

*lubdub* *lubdub*

Ayan na naman yung puso ko e, my tumatambol na naman.

"Ako nalang, kaya ko naman." Cold na sabi ko at nagpatuloy na sa paglakad.

"Ako na kasi Mico, alam ko pagod ka." hinawakan nya ko sa braso. Agad namang nagreact yung utak ko.

"Walanjo naman Nick, ano ba tingin mo sakin? paralisado?! Oh ayan bitbitin mo!" padabog kong binaba yung maleta ko at agad syang tinalikuran.

Nakita ko namng nanlumo sya sa sinabi ko.

Pake ko ba?!

NICK's POV

OUCH! si Mico ba talaga tong kasama ko? :'(

parang ang laki ng pinagbago nya.

Pinagmasdan ko nalang sya habang naunang naglakad papuntang van kesa sakin. Magbabyahe pa kasi kami papuntang guimaras.

hayy. Bahala na.

MICO's POV

"Wow! Ang ganda! Di ko napigilang sabihin yan pagbaba namin ng bangka.

Nasa guimaras na kami.

Ang ganda! parang nasa paradise kami!! ^0^

Nakita ko namang bumaba na din ng bangka si Nick.

"Maganda ba?" tanong nya.

"Yung view? Oo. Pero yung kausap ko,ewan." tsaka na ko naunang naglakad papuntang Cottage.

Pagpasok ko ng Cottage sinuri ko agad yung paligid. Maganda naman, my Aircon, malinis yung CR, my kitchen, dining table at my king-size bed. Para na din syang hotel pero parang mas cozy lang sa pakiramdam.

Narinig kong bumukas yung pinto.

"Okay na ba sayo to?" Nick.

"Malamang, may choice pa ba ko?" mataray kong sagot sa kanya.

Dumiretso nalang ako sa CR, magsha-shower nalang ako, pampawala ng init ng ulo. tsss...

** After kong nagshower ay nagbihis nako ng pantulog. Pagod ako sa byahe kaya kailangan ko nang pahinga. Nakita ko si Nick na nasa veranda ng cottage habang tinutungga yung beer-in-can na hawak nya.

Bahala nga sya, matutulog na lang ako.

A not-so-special Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon