27:BOMB

11K 100 5
                                    

2 weeks Later...

NICK'S POV

Nandito ako ngayon sa isang chinese restaurant, hinihintay si Mico. Mag di-dinner kami. Ilang araw na din kasi kaming hindi nakakalabas. Busy kasi ako sa opisina dahil nagka problema sa investors. Si Mico sa bahay lang.

"Hi!" At nang tumaas ako ng tingin, I saw my wife. Ang ganda parin nya. Walang kupas. Tumayo ako then I kissed her on her cheek.

"You're so beautiful, my Wife." I whispered.

"Stop teasing me." At ginaya ko na sya paupo. Tapos lumapit yung waiter para ibigay yung menu.

"What do you wanna eat, hon?" Nakita ko namang sinuri nya yung menu.

"Uhm, I want Gong Bao Chicken, Dumplings and Chowmien."

"Ako naman Ma po Tofu and Wanton."

"Any drinks maam,sir?" -waiter

" Dalawang red tea nalang." At umalis na din yung waiter.


"Nick, you look very tired." I just smile. Kaya ko mahal na mahal yung asawa ko e, kahit konti lang yung time ko para sa kanya hindi parin sya nagbabago sakin.

"I'm okay hon, medyo pagod lang." then i smiled.



MICO'S POV

Nakakainis na si Nick. Parang wala na syang time sakin. Parang gusto ko na tuloy magtampo sa kanya. Palagi nalang syang busy sa trabaho simula ng pagkatapos naming mag honeymoon.

Pauwi na kami ngayon galing sa dinner namin. Wala kaming imikan habang nasa kotse. Halatang pagod sya. Naaawa din ako sa asawa ko, kaya may part din saking wag magtampo kasi alam kong para sa company naman yung ginagawa ni Nick.

Pagdating namin sa bahay pumasok nako sa kwarto tsaka nagbihis ng pantulog. Nakita ko naman si Nick na dumeretso sa CR, mag sha-shower siguro.

Nahiga na ko sa kama. Dinampot ko yung phone ko sa table. Makapag facebook nga muna. Nagso-scroll lang ako ng newsfeed ng nakita kong nagstatus si Jun.

"I'll be home next month." Wow! good ha. Uuwi sya.

Tapos lumabas na ng CR yung asawa ko kaya binalik ko na yung phone ko sa table.

"Nick, you okay?" Nag aalalang tanong ko. Pero tumango lang sya at nahiga sa tabi ko. Tapos ilang saglit naramdaman ko nang nakatulog na si Nick.

Namimiss ko na yung dati kong asawa. :(



**

"Ano ba Anne! Bakit hindi mo sinabing may meeting ako kay Mr. Chua ngayong umaga?!" Nagising ako dahil sa narinig ko. Ang init na naman ng ulo ni Nick. Tinignan ko yung wallclock, 6:30 am pa lang.


"..."

"Anong oras ba yung meeting?!"

"..."

"What?! 8:00 AM?! Kita mo na! Bakit ba kasi ngayon mo lang sinabe?"

"..."

" Ok. I-ready na yung mga papeles. I'll be there at 7:30." then he hung up.

Nakita ako ni Nick na gising.

" Goodmorning hon." bati ko pero tumango lang sya.

"Gusto mo bang ipagluto kita ng breakfast?" Tanong ko sa kanya.

" Wag na, I'm going to be late in my meeting. Maliligo muna ako." Tsaka na sya pumasok ng banyo.

Aba! Walang pakialamanan? Wala lang asawa?! Fine!

Umupo nalang ako ng kama.


Bahala nga sya! Hmmp!

**

Dalawang araw pa ang lumipas tapos ganito kami lagi ni Nick. Ni hindi na nga kami nagkakausap e. Uuwi lang sya ng bahay tapos matutulog. Pag umaga naman pagising ko wala na sya o paalis na sya. Nakakalungkot na. Sobrang miss ko na yung asawa ko.

Hindi na din kami nag ka-cuddle bago matulog.

"Mico, baka busy lang talaga si Nick. Intindihin mo nalang." Nga pala, nandito ako kela Isabel ngayon. Ang boring din kasi sa bahay. Tapos palaging gabe pa kung umuwi si Nick.

" E bakit sya, di rin naman nya ko iniintindi a!" Pagtatampo ko.

" Mico naman, mahal ka nun. Busy lang talaga. Alam ko na! Puntahan mo nalang kaya sya ngayon sa office nya. Dalhan mo ng favorite food nya."

Napaisip ako sa sinabi ni Isabel. Try ko nga kaya?

**


On my way nako papunta sa opisina ni Nick ngayon. Nagluto nga pala ako ng Chicken tinola, favorite kasi ni Nick yun.

Pagpasok ko ng building, andaming bumabati sa akin. Nag sa-smile nalang ako.

Nasa labas na ko ngayon ng office ng asawa ko. Nakita ko si Anne, yung assistant ni Nick.

" Goodnoon po Mrs. Ramos."

"Goodnoon din, nandito ba ang asawa ko?"

" Yes po Maam. Pero may kausap po sya but hindi po tungkol sa business. Baka po kaibigan ni Sir." Baka sina Kenny nga. Papasok nalang ako. Di naman tungkol sa business e.

"Thanks Anne. Papasok nako." Tumango naman yung babae.

Pero pagbukas ko ng pinto, hindi yung mga kaibigan ni Nick yung nakita ko.


Kundi si





Janna.


And her tummy is slightly big. Bigla akong nanghina sa nakita ko.

Bigla kong naalala ang pagtataksil sa akin ni Nick. Naalala kong magkaka anak na pala sila ng higad na si Janna.

Nagulat naman si Nick ng makita ako sa pinto.


"Hon." I heared him call me.

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

A not-so-special Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon