Chapter 56
Kasalukuyang nasa gazebo sina Tricia, Ivan, Ann at Rj. Tinawag sila ni Tricia dahil kailangan niya daw ng tulong nila tungkol ito sa proposed Project niya.
“Bakit mo kami pinapunta dito? Ano ang tungkol sa proposed Project mo? di ba individual work iyon?” sunod- sunod na tanong sa kanya ni Ann. Alam ni Tricia nagtataka ang mga ito sa biglang pagpapatawag niya.
“Ann, ipapaliwanag ko sa inyo ang lahat-lahat. Ganito kasi iyon alam niyo naman ang sitwasyon ni James at Fretzie, di ba? Gusto kasi sila tulungan kahit papaano.”
“Eh, anong kinalaman nina James at Fretzie sa proposed project mo?” usisa ni Ivan sa kanya.
“Ivan, makinig ka muna sasabihin ko? Pwede?” naiinis nitong sagot. Tumahimik si Ivan at tinignan lang siya nito.
“Ito kasi iyon ang proposed project ko kasi photo exhibit. Ipapakita ko sa school ang mga priceless shots ko tapos dalawang rooms ang I occupy ko. Sa isang room doon ko ilalagay ang lahat ng kuha ko nina James at Fretzie. At kailangan ko ang tulong niyo na maikulong silang sa kwarto na iyon.”
“Rj, nandiyan pa ba sayo ang mga larawan nila noong bata pa sila? Kailangan ko din iyon.”
Napakunot ang noo ni Rj sa sinabi ni Tricia.
“Alam ko na ang lahat. Ano ba dapat itawag ko sayo Rj o Jj? Kaya kung gusto mo makabawi sa kanila. Tulungan mo ako na magkaayos sila.” Nakangising wika ni Tricia kay Rj.
“Trish, ano pala maitutulong namin ni Ivan? Bakit di tayo mag set up na rin ng candlelit dinner sa kanilang dalawa. Alam mo may naisip akong magandang lugar kung saan pwede mong I exhibit ang mga shots mo.” interesadong sagot sa kanya ni Ann.
“Siguraduhin lang ninyo ni Ivan na hindi mawawala sa araw ng school si Fretzie at James. Talaga? Gusto kung makita.” Excited na wika ni Tricia kay Ann.
“Di ba may bagong kakagawa na building sa may gilid ng auditorium. It supposed to be a recreation area. Meron dong dalawang connecting rooms na pwede gamitin sa mga seminar at meetings. Ang maganda pa ay merong maliit na garden at fountain sa kabilang side. Kitang-kita siya dahil glass walls kasi iyong kabilang room.” Paliwanag ni Ann.
“Ann, baka may gagamit ng connecting rooms na sinasabi mo mag school fair.” Nag-aalangan na sagot ni Tricia.
“Trish, don’t worry. Nakahingi na ako ng permiso na gamitin iyong silid para sa collection ko dahil kailangan mo ng magandang location para sa photo exhibit. Ipapagamit ko na lang sayo tutal double purpose din naman ang rason sa paggamit ng silid.” Napayakap si Tricia sa sobrang saya at agad din naman siyang kumalas sa pagkakayakap.
“Ann, maraming salamat.” Masayang sambit nito.
“Trish, hindi mo naman kailangan magpasalamat. Kailangan na talaga ni Fretzie at James tulong natin. Hindi pwede na wala tayong gagawin para magkaayos ang dalawa.” Sagot ni Ann kay Trish.
“Tama si Ann kahit papaano gusto ko rin makabawi sa kakambal ko kasi ako ang may kasalanan kung bakit nagkaganito sila.” Pagsang-ayun na wika ni Rj.
“Huwag ka ngang masyadong malungkot diyan. Maayos din sa inyo ni James kailangan niya lang ng panahon makapag-isip.” Nakangiting wika ni Ann sa kay Rj.
“Tama na nga iyan! Hindi tayo nandito para maging malungkot. Nandito tayo para solusyonan natin ang problema.” Saway sa kanila ni Ivan.
“Hello Sir Kobi, natanggap ko na ang mensahe mo sa akin. Salamat sa ginawa mo. Sige paalam.” Tapos ng tawag ni Sir Kobi ay inilagay niya sa mesa ang cellphone..
BINABASA MO ANG
Invisible (On editing process)
FanfictionMatalik na magkaibigan si Zie at Rj simula sa pagkabata pero dahil sa mapaglarong manipula ng tadhana. May magbabago at may darating sa buhay nila na tila hindi nila inaasahan. Mapapanghahawakan kaya nila ang meron sila? O mawawala na lang parang bu...