Chapter 34

344 1 0
                                    

Chapter 34

“Oo mahal ko si Rj, James ngunit hindi ko masabi ang tunay kong nararamdaman ko sa kanya dahil mahal niya si Fretzie. Alam kong kahit anong gawin ko ay si Fretzie ang nasa puso niya.” tumutulo na ang luha sa mga mata ni Ann.

“Ann,I really love you. I’ll do everything to make you happy.Ano ba ang dapat kung gawin para mahalin mo rin ako?” tugon ni James habang nakatingin ito sa mga mata ni Ann.

“James, you don’t need to do everything to please me because no matter what you do. I would never have the heart to love you. Stop loving me, James.” Pahayag ni Ann kay James at binigyan diin ang huling kataga na sinabi nito.

Sa pagkakataong yun ay hindi nito mapigilan ang maiyak sa harapan ni Ann. Ang manggaling sa taong mahal niya ang katagang yun ay parang ang sakit-sakit tanggapin. Hindi niya alam kung anong isasagot niya dito kaya pinahid niya na lang ang kanyang luha at diretsong pumasok sa loob ng ospital na parang walang nangyari. Habang si Ann ay naiwan sa labas.

“I’m sorry, James. I need to do this to make you realize. I’m not the right girl for you. Someday you’ll meet someone who really deserves your love.” Wika ni Ann habang papalayo na si James at pumasok sa kanyang sasakyan at umalis.

Palapit ng palapit ang school ball nila ay kinakabahan si Fretzie dahil nalalapit na ang performance nila ni James ngunit ilang araw na hindi pumapasok si James. Kung ano man ang dahilan ay hindi niya alam. Papunta siya ng library kasama si Trish nang makasalubong nila si Ann na humihingal sa katatakbo.

“Ann,anong nangyari sayo? may problema ba?” tanong ni Fretzie.

“Fretzie, tulungan mo ko .” tanging sagot nito habang nakahawak ito sa kamay ni Fretzie. Ramdam ni Fretzie ang pangiginig ng kamay nito.

“Bakit ano ba ang nangyari?” tanong sa kanya ni Ann habang si Trish tinutulungan na pakalmahin si Ann.

“Si James simula noong nag-usap kami noong nakaraang araw ay hindi na umuwi sa kanilang bahay. Nag-aalala na sina Tita at Tito at lalong-lalo na si Rj dahil nila ma contact si James.” Paliwanag sa kanya ni Ann.

“Baka may sinabi ka kay James na labis niyang dinamdam. Hindi naman siguro aalis yun ng walang dahilan.” Sabad na wika ni Trish. Biglang natahimik si Ann at yumuko ito.

“Medyo hindi kami nagkakaintindihan noong nakaraang araw. Hindi ko naman kasi inaasahan na damdamin ni James lahat ng sinabi ko. Nang sinabukan ko siyang kausapin ayaw niya kong harapin” paliwanag sa kanya nila ni Ann.

“Fretzie, kausapin mo naman siya oh. Alam kong makikinig yun sayo eh.” Pakiusap sa kanya ni Ann.

“Sige susubukan ko.” Tipid nitong sagot.

Invisible (On editing process)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon