Chapter 7
“Hello.” Sagot ni Fretzie.
“Zie, si Rj to. Kumusta ka na? pasensiya ka na kung hindi nakita hinintay na dumating sa bahay niyo. May pinuntahan pa kasi ako.” wika ni Rj.
Hindi lubos maisip na tatawag ang kababata niyang si Rj sa sobrang saya hindi niya alam kung ano ang sasabihin.
“Zie?”
“Ok lang ako Rj. Bat ngayon ka lang tumawag? Alam mo ba magtatampo na ko sana sayo kung hindi ka tumawag. Ikaw kasi bakit mo ko pinahihintay ng matagal alam mo bang nakakabagot ang maghintay sayo. Sige ka, pagkita mo sa akin ay baka may iba na akong mahal.” Nakangising wika ni Fretzie habang sa kabilang linya na si Rj ay natawa sa sinabi nito.
“Zie, alam kong hindi yun mangyayari eh. Natatandaan mo ba ang sinabi mo noong umalis ako? Ang sabi mo pa nga “Rj, maghihintay ako sa muling pagbabalik mo. Pangako ko rin sayo ikaw lang taong mamahalin ko.” Sabi ni Rj. Hindi inaasahan ni Fretzie na narinig ni Rj ang lahat ng sinabi niya noon.. In fairness kinikilig siya habang kausap si Rj at hindi mapigilan ang mag-blush.
“Rj, narinig mo pala lahat ng yun?” kinikilig na sabi nito.
“Oo narinig ko lahat. Alam mo naman pagdating sayo hindi bingi ang puso at isipan ko.” Seryosong sabi ni Rj.
“Ikaw ha? Kailan ka pa natutong mangbola? Sus ang corny mo naman.” Patawa na sagot ni Fretzie. Habang tumatawa lang si Rj.
“Pwede ba tayong magkita,Rj? Na mimiss na kasi kita eh.” pag-iiba ni Fretzie ng usapan.
“Na mimiss na rin kita, Zie. Sige ba? Pwede ka ba sa sunod na sabado?” masiglang wika ni Rj.
“Oo. Gusto ko sanang pumunta sa park na lagi nating pinapasyalan noong mga bata pa tayo.” Excited na sagot ni Fretzie. Matagal na niyang gustong makasama si Rj sobrang saya niya ngayon.
“So it’s a date. Magkita na lang tayo sa next Saturday. I love you so much zieeeee…..”
“I love you toooo Rj.” Sagot ni Fretzie. Ganito sila mag goodbye sa telepono kahit noong mga bata pa sila trademark talaga nila itong ng kanyang kababata.
Nababakas sa mukha ni Fretzie ang sobrang saya nadarama niya ng tumawag ang kababata niyang si Rj. Kahit na may nangyari ng hindi maganda sa araw na to ay masaya sa mga nangyari kung baga blessings in disguise ang araw na to.
“Frezie,para ka talagang may sariling mundo pagkausap mo si Rj. Nakalimutan mo ata nanarito ako.” Nagtatampong wika ni Trish.
“Pasensiya ka na Trish. Sobrang saya ko lang talaga ngayon.”
“Obvious naman abot langit kasi ang ngiti mo at sobrang sweet niyo ni Rj kulang na lang ay langgamin kayong dalawa.” Seryosong wika ni Trish.
“Trish, huwag ka ng magtampo sa akin oh.” Pag-aalo ni Fretzie kay na may halong na pagpapacute.
“Oh siya…alam mo namang hindi kita matitiis kapag umaakto ka ng ganyan.” Ngumiti na rin sa wakas si Trish.
“Alis na tayo. Tapos na kasi ang break natin.”
“Sige.”
BINABASA MO ANG
Invisible (On editing process)
FanficMatalik na magkaibigan si Zie at Rj simula sa pagkabata pero dahil sa mapaglarong manipula ng tadhana. May magbabago at may darating sa buhay nila na tila hindi nila inaasahan. Mapapanghahawakan kaya nila ang meron sila? O mawawala na lang parang bu...