Author's Note:
Dedicate ko pala ang chapter na to. Isa sa mga magagaling na manunulat sa wattpad. Walang iba kundi si Black Lily. Natapos ko ng basahin iyong sinulat niya na "How To Dethrone The Prince" at "Breaking the Gem" sa loob ng 24 hours. Nag-eenjoy ako sa kanyang gawang kwento. Try niyong basahin iyong mga kwento niya tiyak mag-eenjoy kayo.
Di bale 3 chapters na lang at magtatapos na ang kwento nina Fretzie at James. Magkakaroon kaya sila ng masayang wakas? Abangan...
Irish <3
Chapter 57
Hapon na nang magising si James ng araw na iyon. Dahan-dahan siyang bumangon at pinagmasdan ang paligid. Magdadalawang araw na siyang nawawala sa kanila sigurado siyang pinaghahanap na siya. Sinubukan din siyang kontakin sa kanyang cellphone ngunit pinatay niya iyon. Ayaw niya munang makita sila pansamantala hindi pa siya kasing handang harapin sila. Nanaig pa rin sa kanya ang pout at hinanakit sa puso niya.
Gusto niya munang mapag-isa para makapag-isip. Pwede ding sabihin na nagluluksa siya sa mga nangyayari. Sa sobrang bilis ng mga pangyayari ay hindi niya ito inaasahan. Kung mahina siya siguro ng loob baka tumalon na siya ka agad sa tulay ng araw na iyon o di kaya nagbigti. Aaminin niya muntik na niya talagang gawin ngunit may nagpipigil sa kanya na gawin iyon. Walang iba kundi ang Ate Jackie niya parang binalewala niya ang pagligtas nito sa kanya kapag ginawa niya iyon.
Sa tuwing naaalala niya ang nangyaring aksidente hindi niya maiwasan ang maging emosyonal. Masakit sa kanya ang nangyaring trahedya pakiramdam niya kahit buhay siya ngayon parang may parte ng pagkatao niya ay inilibing na rin sa hukay.
Kung pwede lang sana ibalik ang oras sana hindi iyon nangyari at sana kasama pa niya si Ate Jackie niya ngayon. Sana’y sabay din silang unting-unti inaabot ang kanilang pangarap. Pangarap ng Ate Jackie niya na makapagtayo ng sarili nitong cakeshop pareho sila ng kababata niyang si Fretzie na mahilig mag bake ngunit hindi na iyon mangyayari dahil namatay siya ng dahil sa kanya.
Kasalukuyang binabantayan ni Ann at Ivan si Fretzie na kanina pang walang malay habang si Tricia ay naghahanda ng sopas para kung sakaling magising si Fretzie ipapakain niya dito.
Hindi maiwasan ni Ann at Ivan pag-usapan ang nangyari kanina. Hindi naman kasi si Fretzie ang klase ng estudyante na basta na lamang lumiban sa klase ng walang dahilan.
“Ivan, kaya siguro wala si Fretzie kanina sa paaralan. Hindi kaya hinahanap niya si James? Mukhang pagod na pagod si Fretzie sa lagay niya ngayon.”
“Possible talaga. Sobrang nag-aalala nga yan noong naaksidente si James eh. Mas lalo na lang pagnawawala ang tao.” Sagot ni Ivan kay Ann.
“Teka Ann, wala ka bang alam na pwedeng puntahan ni James? Halos lang ng hotels at inns tinawagan ko na nagbabaka sakaling nag check in siya at pinuntahan ko na rin ang mga lugar na madalas niyang puntahan ngunit wala pa rin.” Dagdag na sabi ni Ivan.
Napaisip si Ann ng mga sandaling iyon kung saang maaaring naroroon si James. May isa siyang alam na lugar na pinupuntahan ni James kapag nalulungkot siya at gusto niyang mapag-isa. Kaya lang hindi naman siya sigurado kung nandoon siya.
“Ivan, may alam ako kaya lang hindi naman ako sigurado na nandoon si James. Subukan ko na rin hanapin si James. Alam kong nag-aalala na iyon sina Tito at Tita sa kay James.”
“Hindi pa ba nagigising si Fretzie?” tanong ni Tricia sa kanila.
“Hindi pa.” Sagot ni Ivan.
“Ivan, Trish, pwede bang maiwan ko muna kayo dito?”
“Bakit?” usisa ni Trish.
“Hahanapin ko muna si James baka sakaling makita ko siya. Alis na ako kayo muna bahala kay Fretzie” paalam ni Ann sa kanila sabay kuha ng gamit niya at umalis.
BINABASA MO ANG
Invisible (On editing process)
Fiksi PenggemarMatalik na magkaibigan si Zie at Rj simula sa pagkabata pero dahil sa mapaglarong manipula ng tadhana. May magbabago at may darating sa buhay nila na tila hindi nila inaasahan. Mapapanghahawakan kaya nila ang meron sila? O mawawala na lang parang bu...