Chapter 21

352 3 0
                                    

Chapter 21

Nang matikman ni James ang luto na adobo ni Fretzie ay bumilib ito sa kanya. Hindi niya inaasahan na magaling din to magluto ng putahe. Paborito na rin ni James ang bine-bake ni Fretzie na cookies. Simula noong natikman niya iyong cookies ni Fretzie. Palagi niya na itong kinukulit na dalhan siya nito.

“Masarap ba ang luto ko?” tanong sa kanya ni Fretzie habang kumakain na rin to.

“Oo ang sarap. Ang suwerte naman ng Kuya Rj ko pag ikaw magiging girlfriend niya. kung pwede lang kitang agawin sa kanya.” biro wika nito. Kinilig naman si Trish ng sinabi yun ni James sa kaibigan at si Fretzie ay ngumiti na lang.

“Sana totohanin mo na lang. Ang sinabi mo.” Mahinang wika nito

“Fretz, may sinabi ka ba?” tanong sa kanya ni Trish. Nabigla siya na nasabi niya yun.

“Ano ba ang nangyayari sa akin? Nahuhulog na ba ang loob ko kay James? Hindi pwede mangyari yun. Paano si Rj?” wika nito sa sarili.

“Trish, wala yun.” Nakangiting sabi nito. pinagpatuloy nila ang pagkain.

Katatapos nilang kumain ng pumunta si James sa may verandah ng bahay ni Trish. Nilapitan siya ni Fretzie at  niyakap sa likod. Nabigla siya ng ginawa yun ni Fretzie ngunit gumaan-gaan ang pakiramdam niya nang ginawa niya yun. Pakiramdam niya parang kino comfort siya ni Fretzie.

“Fretzie, all my life I’ve been secretly in love with her. I’d done everything to make her happy only to find out that she’s in love with someone else.” Mga sandaling yun ay hindi makapag salita ni Fretzie. Nalungkot din siya ng sandaling yun at hindi niya maintindihan bakit nasasaktan din siya ng malaman niyang may gustong iba si James.

“Nasabi mo na ba sa kanya ang totoong mong nararamdaman?” tanong nito kay James.

“Hindi pa eh. Wala akong lakas ng loob na sabihin sa kanya ang tunay kong nararamdaman sa kanya. Para ano pa na sabihan ko sa kanya.” Sagot nito. nakita nito ang mga luha sa mata ni James. Pinunasan ni Fretzie ang luha sa mga mata nito at nagtitigan sila.

“Alam mo kasi James, kailangan mo ding sa kanya sabihin ang totoong nararamdaman mo sa kanya eh. Kahit papaano ay alam niya ang nararamdaman mo at kung hindi niya matanggap yun siguro kailangan mo ng mag move on.” Paliwanag nito.

“Kung ikaw Fretzie, ang tatanungin magkakagusto ka ba kay James Reid?” seryosong tanong nito sa kanya ni James. Biglang na tameme si Fretzie sa tanong ni James ng bonggang-bongga. Hindi siya ka agad maka sagot ng diretso.

“Oo naman. Boyfriend material ka naman eh at isa pa ka ikaw ang taong hindi mahirap mahalin.”kalmanteng sagot ni Fretzie.

“Ang mabuti pa kaysa magdramahan tayo dito. Ipapatikim ko sayo iyong gawa kong black forest cake.” Pag-iiba ng usapan ni Fretzie. Pumasok si Fretzie sa loob ng bahay para kumuha ng cake. Ilang minuto ang lumipas ay bumalik nga si Fretzie dala ang cake na sinasabi niya.

“Oh ito kainin mo to. Para maibsan man lang naghihingalong puso mo.” Nakangising wika ni Fretzie habang tumabi ito kay James. Tinikman ni James ang cake na ginawa ni Fretzie napangiti si James. Masaya si Fretzie na kahit papano ay napapangiti niya si James.

“Thank you for being a good friend to me that you even have time to listen to my sentiments.” Sabi sa kanya ni James.

“You’re always welcome. Ikaw pa malakas ka sa akin eh.” Birong wika sa kanya ni Fretzie agad siyang nakipagkulitan kay Fretzie. Naramdaman ni James kapag kasama niya si Fretzie ay masaya siya at hindi niya maikaila na masarap itong kasama at kausap.

Nabigla si Fretzie nang ipatong ni James ang ulo nito sa balikat niya. Hinayaan niya lang ito habang siya nawili kakatingin ng mga bituin sa langit. Nang lingunin niya uli si James nakatulog na ito sa kanyang balikat. Tinititigan niya ang natutulog na si James.

“Akala ko ang nararamdaman ko lang para sa iyo ay hanggang kaibigan lang. Ngayon ko lang na realize I’m starting to fall in love with you.” sabi ni Fretzie sa loob nito. Hindi mapigilan ang haplusin niya ang mukha ni James at malungkot rin dahil alam niyang walang pagtingin si James sa kanya.

Invisible (On editing process)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon