Chapter 31
“Ano ba ang inilagay mo sa noo ko?” untag nito. Nagtataka si James sa inaasal ni Fretzie. Kukunin na niya sana ang note sa kanyang noo kaso naunahan siya ni Fretzie.
“Trish, lagot ka talaga sa akin mamaya sa akin.” Naiinis na sabi ni Fretzie sa isip niya.
Sinulatan ni Trish nakaraang araw ang sticky note pad niya hindi naman niya akalain na yun ang isinulat nito.
“Ano ba ang inilagay mo sa note at ayaw mong ipakita sa akin?”tanong sa kanya ni James
“Wala yun. Maling note ang dinikit ko sa noo mo.” Pagdadahilan niya.
“Patingin nga ng note.” Kulit sa kanya ni James.
“Ayoko ko nga sabi eh.” Naiiritang sabi nito ng biglang kinuha sa kanya ang note. Buti na lang ay naagaw niya ito at kumaripas ng takbo.
“Fretzie, bumalik ka dito.” Sigaw sa kanya ni James. Sa sobrang katatakbo niya ay nahulog siya sa pool agad na tumakbo papunta doon si James sa kanya.
“Ok ka lang ba?” tanong nito sa kanya.
Nag-aalalang tanong sa kanya ni James.
“Obvious namang hindi, di ba?” nagkukunwaring naiiritang sabi ni Fretzie.
“Charming Zie, sorry na oh.” Humingi ng pasensiya si James sa kanya sabay lahad ng kanyang kamay para maiahon siya sa tubig.Nang humawak si Fretzie sa kamay niya ay bigla siyang hinila pababa kaya siya ay nabasa na rin.
“Ang astig din naman ng trip mo din, ano?” seryosong wika sa kanya ni James.
“Ikaw kasi kung hindi mo ko kinukulit kanina ay hindi to sana nangyari sa atin.” Sinabuyan si Fretzie ng tubig ni James at tuwang-tuwa ito sa ginagawa niya.
“Ano ba! Tigilan mo nga yan.” Saway niya kay James habang patuloy pa rin siya sinabuyan nito.
“Gusto mo ba talaga ng away ha? Sige, pagbibigyan kita sa gusto mo.” Matapang na tugon nito at sinabuyan niya ng tubig si James.
Nakipagkulitan silang dalawa sa pool enjoy na enjoy sila sa kanilang ginagawa hindi nila namamalayan na andiyan na sa harapan nila si Trish.
Kunwaring umubo si Trish para makuha niya ang atensyon nilang dalawa pero wala pa rin. Mukhang hindi siya narinig ng dalawa.
“Oh my goodness!!! Anong ginagawa niyo diyang dalawa?” bulalas ng P.E teacher nila na si Mrs. Zarragosa.
Nabigla sina James at Fretzie ng makita nila si Mrs. Zarragosa sa harapan nila. Nakikita sa mukha nito pagka di gusto sa ginagawa nila. Agad tumahimik ang dalawa at nakatingin lang kay Mrs. Zarragosa.
“Sinasabi ko na nga ba eh. Lagot talaga silang dalawa pagnahuli sila ng Instructor ko.” Wika nito sa sarili ni Trish habang nakatingin ito sa kanila.
“Kung gusto niyong maligo sa pool sa susunod mag-dala kayo ng swimming attire niyo. Ang mabuti pa umahon na kayo diyan at umuwi para magpalit ng damit.” Sabi ni Mrs. Zarragosa sa kanila.
“Hindi na po mauulit Mrs. Zarragosa.” Sabay nilang sagot.
“Sige umalis na kayo at magpalit papalampasin ko lang ginawa niyo ngayong araw na to.” Tugon nito sa kanilang dalawa at napangiti silang pareho.
“Salamat po.”
BINABASA MO ANG
Invisible (On editing process)
FanficMatalik na magkaibigan si Zie at Rj simula sa pagkabata pero dahil sa mapaglarong manipula ng tadhana. May magbabago at may darating sa buhay nila na tila hindi nila inaasahan. Mapapanghahawakan kaya nila ang meron sila? O mawawala na lang parang bu...