Chapter 8
Nasa bahay si James ng kanyang kapatid upang bisitahin ito kasama ang kanyang kaibigan na si Ivan.
“Kumusta na ang pakiramdam mo, Kuya?” sabi nito sa Kuya niyang nakahiga sa higaan nito.
“Ok lang ako. May gusto akong ibigay sa iyo.” Wika nito.
“Ano ba yun,Kuya?” tanong ni James sa kanya. Bumangon ang kuya niya at binuksan ang mini-drawer na malapit sa higaan nito. Kinuha ang maliit na box at iniabot sa kanya. Kinuha ni James ang naturang box at binuksan. Napakunot ang noo niya ng makita niya ang laman. Isang lumang notebook ang laman ng box.
“Aanhin ko ba to Kuya?” nagtatakang tanong ni James
“Mula ngayon ikaw na ang magtatago niyan. Balang araw ibibigay mo din iyang bagay na yan sa tunay na may ari.” Paliwanag ng Kuya.
“James, alam kong bilang na ang araw ko kaya gusto kong ibilin sayo ang isang taong mahalaga sa akin. Sana alagaan mo siya at mahalin rin tulad ng pagmamahal ko sa kanya.” Malumanay na sabi ng Kuya niya.
“Huwag ka ngang magsalita ng ganyan. Hindi ka pa mamatay Kuya. Masamang damu ka kasi kaya hindi madaling mamatay.” Maluha-luha na sabi niya. Ngumiti lang sa kanya ang kuya.
“Mangako ka sa akin. Alam ko naman may espesyal ng babae sa buhay mo ngayon. Ano maasahan ba kita?” mahinang wika ng kuya niya. tumango lang si James sa kanyang Kuya.
Niyakap ni James ang kuya nito. Malapit si James sa Kuya nito labis siyang nalungkot ng malaman niyang may sakit ito at kahit anong oras ay mamatay to.
“Lalabas muna ako James. Mukhang OP ako sa moment niyo.” Naiiling na wika Ivan. Tumango lang si James at lumabas ng kwarto. Paglabas niya ay nakita niya sa may sala ang kaibigan din niyang si Ann Li agad na nilapitan ni Ivan si Ann.
“Hi Ann, musta ka na? lalo kang gumaganda ah.” Bati ni Ivan kay Ann.
“Ivan, narito ka rin pala. Ayos lang naman ako. Nandito ka rin ba para dumalaw?” tanong sa kanya ni Ann. Umupo silang dalawa sa sofa at nag-usap.
“Oo. Kasama ko nga si James eh. Nandun nga siya sa loob ng kwarto.” Nakangiting sambit ni
Ivan.
“Ganon ba.” Tipid na sabi nito.
“Narinig ko sa mama mo na mag-tatransfer ka sa school namin. Di bale magkikita na tayo palagi niyan.” Masiglang pahayag ni Ivan.
“Oo.Tama ka. Excited na nga akong mag-transfer sa school niyo.” Masayang sabi ni Ann.
“So, may pag-asa na ba ma dugtungan ang love story. Alam mo na?” nanunuksong wika ni Ivan hindi mapigilan ni Ann ang mamula.
“Tumigil ka nga diyan sa kalokohan mo, Ivan.” Natatawang reaksiyon ni Ann.
Natigil ang tawanan ng dalawa ng makita nila si James at Kuya niya lumabas ng kwarto.
“****, musta na po kayo?” sabay halik sa pisngi ng kuya ni James.
“Ayos lang ako Ann.” Nakangiting sagot nito.
“Kailan po kayo dumating mula Australia?” tanong ni Ann. Bakas sa mukha ni Ann ang sobrang kaligayahan na makita ang kuya nito. Samantalang si James ay hindi niya inaasahan ang pag dalaw ng first love nito. Tinititigan ni James si Ann. Malaki na ang pinagbago nito at malayo na itsura niya noong mga bata pa sila.
“Noong isang araw pa. So musta ang modeling career mo?” tanong ng kuya ni James.
“As usual nakakapagod na masaya. Sana nag-paabiso kana na darating kayo para ako susundo sa inyo sa airport.”
“Ok lang yun Ann.” Nakangiting sagot nito.
“James, musta pala ang singing career mo? Ibang-iba na talaga ang dating mo ngayon ah” puna sa kanya ni Ann.
“Ayos lang naman medyo komplikado nga lang.” sagot ni James kay Ann.
“Ang mabuti pa kumain na lang tayo habang nagkukwentuhan. Tayo na sa dining.” Aya ng kuya ni James. Agad nman sumang-ayon si Ivan at Ann. Tumungo sila sa dining para kumain.
BINABASA MO ANG
Invisible (On editing process)
FanficMatalik na magkaibigan si Zie at Rj simula sa pagkabata pero dahil sa mapaglarong manipula ng tadhana. May magbabago at may darating sa buhay nila na tila hindi nila inaasahan. Mapapanghahawakan kaya nila ang meron sila? O mawawala na lang parang bu...