Chapter 40

336 2 0
                                    

Chapter 40

Pagpasok nila ng boutique ay namangha si Fretzie sa kanyang nakita puro nag gagandahang gowns nakasabit sa mga walk in closet. Meron ding mga magagandang accessories at sapatos. Hindi maialis sa kanyang mata ang light blue na gown na suot ng mannequin. Sobrang nagandahan siya sa gown. Bagay kaya sa kanya ang gown na yun?

“Hija, yan ang gown naipapa try ko sayo. Mukhang pareho pala tayo ng taste pagdating sa damit. I try mo tong sukatin kung kasya siya sayo.” Pahayag ng Tita ni Trish. Kinuha ni Tita Belle ang gown sa may mannequin at ibinigay sa kanya ang gown. Pumunta si Fretzie sa fitting room upang isukat ang gown. Pagsuot niya ng gown tamang-tama lang sa kanya ang tabas.

“Fretz, nasuot mo na ba ang gown? Kung tapos ka na. lumabas ka na agad.”

Paglabas niya ay nabungaran niya si Trish nakatingin sa kanya.

“Wow, Fretzie bagay na bagay sayo ang gown para kang isang prinsesa sa fairytale. Sigurado akong pagnakita ka ni James sa araw ng school tiyak tutulo ang laway nun.” Nakangiting wika ni Trish sa kanya habang masayang siyang pinagmamasdan nito. Hindi mapigilan ni Fretzie ang malungkot hanggang ngayon ay hindi pa sila nagkakabati ni James.

“Fretzie, may problema ba?” puna ni Trish sa kanya.

“Pasensiya ka na, Trish. Ha? Medyo hindi kami nagkakaintindihan ni James noong nakaraang araw . Sinusubukan niya akong kausapin kanina kaya lang hindi ko pa siya kayang harapin” paglalahad nit okay Trish.

  “Bakit? Anong pinag-awayan niyo? Paano na duet niyong dalawa ni James?” tanong sa kanya ni Trish. Hindi rin maipinta mukha ni Trish. Sobrang nadismaya ito. Si Trish pa naman ang sobrang excited sa duet nila.

“I’m sorry, Trish. Sobrang na disappoint kita. Alam ko naman na sobrang excited ka sa duet namin tapos ganito lang mangyayari.” Malungkot na wika nito.

“Bakit ka humihingi ng tawad? Wala ka namang kasalanan. It’s okay.”

“Meron ka na bang isusuot na gown?” pag-iiba ni Fretzie ng usapan. Tumango si Trish sa kanya at ipinakita sa kanya ang hawak nitong gown.

“Ang ganda naman ng gown mo. I’m sure bagay yan sayo.” Nakangiting pahayag nito.

“Oo naman. Sige, isusukat ko muna itong gown.” Pumasok na sa loob ng fitting room si Trish habang siya ay nagpalit ng kanyang damit sa kabila.

Kinabukasan, Hindi mapakali si James. Medyo kinakabahan siya sa muling pagkikita nila ni Fretzie bilang si Rj. Paano kung mabuking siya ni Fretzie na siya si James. Baka ano ang gawin sa kanya ni Fretzie pag nagkataon. Naantala ang kanyang pag-iisip nang dumating ang kanyang kakambal niyang si Rj.

“Oh, anong ginagawa mo pa dito? Huwag mong pag-intayin dun si Zie sa park. Umalis ka na ngayon mismo.” May awtoridad na wika nito.

“Yes, Boss. Aalis na po ako ngayon din.” Seryosong tugon nito kay Rj. At tuluyan na siyang umalis ng bahay.

Pagkalipas ng ilang minuto ay nandiyan na siya sa park. Buti na lang ay maaga siyang dumating kung hindi ay lagot siya kay Kuya Rj niya habang tumitingin sa paligid. Hindi niya maiwasan maalala ang first kiss nila ni Fretzie dito mismo sa kinatatayuan niya. Napangiti si James ng maalala niya yun ngunit bakit kaya?

“Rj, anong nginingiti mo diyan? Parang kang baliw sa malayo.” nakangising pahayag ni Fretzie.

“Ah. Wala may naalala lang ako. Kanina ka pa ba dumating? Hindi kita kasi napansin.” Paliwanag ni James.

“Yup. Medyo kanina pa. ano mag-simula na tayo?” tugon nito sa kanya ni Fretzie. Hindi niya mapigilang humanga kay Fretzie sa suot nitong na white dress para itong isang anghel na bumaba sa langit.

“She’s a charming angel. Kung isa siyang anghel.” Sabi ni James sa sarili niya.

Ito ang link ng dress…

http://fashionoa.files.wordpress.com/2008/06/miso_white01.jpg

Pumunta silang dalawa sa bench malapit sa may maliit na sapa at nag- simula silang mag-ensayo. Sobrang nag-enjoy silang dalawa sa kanilang ensayo. Hindi mawala ang biruan at kulitan sa pagitan nila.

“Rj, may itatanong ako sayo.” Sabi ni Fretzie.

“Ano ba yun?” tanong ni James kay Fretzie habang nakatingin ito sa kanya

“ Kung papipiliin ka, would you chose the person you really love even there’s a big possibility she won’t reciprocate your feeling for her or someone who loves you truly but you don’t have any feelings for her?” tanong sa kanya ni Fretzie. Medyo nagulat siya sa tanong nito. Bakit niya kaya naisipang itanong kay Rj? Napaisip siya sa tanong nito.

“ Bakit mo naman na natanong? Kung ako papipiliin, I would take the risk to fall in love with the girl I love even there’s a tiniest possibility. She won’t love me back. It’s just a merit if she loves me back. Kung ikaw Fretzie, ano pipiliin mo?” tinanong ni Rj sa kanya ang tanong nito. Hindi mapigilan ni Fretzie ang malungkot ngunit sinagot niya ang tanong.

“Dati siguro pipiliin ko ang taong mahal ko kaso ngayon na realize ko na mahirap din palang magmahal ng taong. Alam mo din na hindi ka niya kayang mahalin.” Kitang-kita sa mukha ni Fretzie pait at lumbay. Nagtataka si James, ano ba ang nangyayari sa kay Fretzie? Ang buong akala niya ay nagkakamabutihan na si Fretzie at ang kuya Rj niya. Mukhang may ibang mahal si Fretzie at hindi si Rj ang lalaking yun. Sino naman ang lalaking yun? Napakalaking hangal ng lalaking yun para hindi niya mapansin ang gaya ni Fretzie.

“Pasensiya ka na Rj. Kung napasok na naman siya sa usapan. Ang hindi ko lang kasi maintindihan bakit sa dinami-rami ng tao diyan. Bakit siya pa? Alam ko naman noong una pa lang na iba ang pinipintig ng puso niya.” nakatingin lang si James kay Fretzie habang nagsasalita ito. Hindi alam ni James kung anong sasabihin niya dito kaya niyakap niya na lang ito.

Pakiramdam ni Fretzie nang niyakap siya ni Rj ay pinapawi nito ang lungkot at sakit nararamdaman niya. Parang pinapawala niya nito ang sakit nararamdaman niya kahit papano ay gumaan ang pakiramdam niya.

“Nagagalit ako sa sarili ko. Bakit hindi ko mapigilan ang mahulog ang loob ko sa kanya?” dagdag na sabi nito. Tumulo ang mga luha sa mga mata ni Fretzie.

“Zie, tumahan ka na oh. Baka mamaya niyan ay bumaha dito ng luha at hindi na tayo makakauwi. Sige ka.” Biro na sabi ni James agad na pinahiran ni Fretzie ang kanyang luha at ngumiti ito sa kanya.

Invisible (On editing process)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon