Chapter 29 – They’re Together now </3
*Sigh* 7:10am na ako nakarating sa school... 20 minutes pa before the flag cem. Maglakad lakad nalang muna ako... Ito naman ang lagi kong ginagawa... Ang maglakad lakad ng isang daang kilometro... KEMEH!
“Ate!”
Sino kaya yung tumatawag sa akin? Baka naman iba ang tinatawag... Pabayaan na nga lang... Let’s walk!
“Ate Kateleen!”
Ako nga yun... Sino kaya yung mga yun???... Ah... Sila Peaches at Amy... Magaganda kong mga ading sa school...
“Oh, Bakit?” ~ Me
“Ate, hinahanap ka ni kuya Chian kanina sa amin...” ~ Peaches
Chian? Weh?.. Late yun lagi ah... Baka kakambal niya lang yung nakita niyo mga ading? Hehehe... Joke!.. IkoCongratulate ko nga yun dahil maaga siya ngayon... Pero, saan siya?
“Ading, alam mo ba kung saan siya pumunta?” ~ Me
“Parang dumiretso tapos kumaliwa siya ate” ~ Amy
“Ah... Ok... Thank you mga pretty kong ading” ~ Me
“Walang problema ate... AYIEE!” ~ Peaches
Loko-loko talaga ‘tong mga batang ‘to... Hahaha... Hanapin ko na nga si Chian...
Sabi nga ng mga magagandang babaeng nakausap ko kanina na dumiretso daw si Chian at kumaliwa...
Saan na ba ako?.. 15 steps na lang bago ako kumaliwa...
15... 14... 13... 12... 11... Sandali lang, parang papunta ‘to sa matandang puno ah... Well, Let’s see... 10... 9... 8... 7... 6...
Signal light... Turning Left... Turning Left... 5... 4... 3... 2... 1...
Turning Left...
Nakita ko si Chian... Pero kasama niya si Desiree... Magtago na ako, baka Makita ako ni Chian at masira yung moment nila... Pfffftttt... Ano kaya yung pinag-uusapan nila at gulat na gulat si Chian?
“H-ha?” ~ Chian
Anong pinag-uusapan ng mga ito? Di ko sila gets...
“Kung ayaw mo, di wag!” ~ Desiree
Oh, bakit nagalit si Desiree? At may walk – out pa siyang nalalaman ah... Anong nangyayari? Bakit hinabol ni Chi---
(O.O) Niyakap niya naman na si Desiree... A-ano ‘to? Kinakabahan na ako sa nangyayari... Parang unti – unti akong nasasaktan...
“Desiree, will you be my girlfriend?” ~ Chian
Loading...
(O.O)
Loading...
(O.O)
Loading...
(O.O)
A-ano nanaman ang narinig ko? G-girlfriend?.. L ...
Naramdaman kong parang Slow Motion na nahuhulog yung puso ko... Yung nagkakaroon na ng Slow motion sa lahat... Ang naririnig ko na lang yung mabilis na pagtibok ng puso kong nasaktan sa kanyang nakikita...
Nakita ko ang mga kumikinang na mata ni Desiree na sobrang saya sa sinabi ni Chian habang ang kawawa kong mga mata ay gumagawa nanaman ng mga luha para lumabo na ang paningin ko at para rin mabawasan ang sakit na nararamdaman ng aking puso... Nakita ko rin ang matatamis na ngiti ni Desiree kay Chian... Habang ako... ito... Nanginginig ang aking bibig sa sobrang kaba sa magiging sagot ni Desiree kahit inaasahan kong “Oo” ito... At, eto na... Slow Motion parin ang pagkarinig ko sa kanyang sagot na...
“Yes!” ~ Desiree
*Brag!*
Ayan na, nabasag na ang... Puso ko...
Nang marinig ko yung sagot galing kay Desiree, Nagsimula nang lumuha ang mga mata ko at nanginginig na ang buong katawan ko...
K-kailangan ko nang umalis dito... :’(
Di ko na nakakayanan pa ang nangyayari dito ngayon... :’(
Ang sakit – sakit talaga eh... Para talagang nabasag yung puso ko... Pero, bakit mas nasaktan ako sa ginawa ni Chian kaysa sa ginawa ni Christian sa akin?
Kay Christian, boyfriend ko siya na may mahal na iba... Habang si Chian, Close friend ko lang naman siya na may mahal na iba... Diba, mas grabe ang ginawa ni Christian sa akin? Sa totoo lang, wala naman talagang kasalanan si Chian sa akin kasi Close friend ko lang naman siya na nagmahal... Pero...
.
.
.
.
.
.
Ang sakit sakit parin eh... :’(
Siguro mas minahal ko si Chian kaysa kay Christian kaya mas nasaktan ako kay Chian... Hay, nababaliw na ako... Kailangan ko munang umuwi ngayon... Di ko pa kayang humarap kay Chian... Baka umiyak lang ako... Kailangan ko munang magpaalam sa mga teachers ko... Sabihin ko na lang na may sakit ang ading ko at walang mag – aalaga sa kanya... Punta na akong faculty room para magpaalam...
*Sa Faculty Room*
“Sir, Ma’am, Prof, hindi po ako makakapag – attend ng klase ngayon kasi may sakit po yung ading ko, wala pong mag – aalaga sa kanya” ~ Me
“Paano ‘yan? Magpapa – assignment ako... By partner pa yun” ~ Ma’am
“Magpapaquiz ako” ~ Prof
“May practicum kayo sa akin” ~ Sir
*Sigh* Talaga ‘tong mga teachers ko... Parang di naman magagawan ng paraan yung problema nila... Ngayon lang ako mag – aabsent eh...
“ma’am, ibigay niyo na lang po sa akin yung assignment... Ako na lang po ang gagawa, pero dapat may grade parin po yung partner ko ha?.. Prof iexcuse niyo na lang po ako, magtetake na lang po ako ng special quiz bukas kahit ibahin niyo po yung mga tanong... Sir, bukas pa po ang practicum naming, Arts po naming ngayon, bukas po ang P.E namin” ~ Me
Lahat naman sila sumang – ayon sa akin kaya umuwi na ako...
Pagdating ko sa bahay, nagsimula na akong ilabas lahat ng sama ng loob ko... :’(
“Ate!”
(O.O) Bakit nandito si Shock... Huminto ka muna sa pag – iiyak mo Kateleen baka mahalata ka ni Shock... Punasan mo na ‘yang mga luha mo...
“*sniff* Oh! Shock, bakit ka nandito? Diba may pasok ka?” ~ Me
“Wala din namang ginagawa dun teh... Bakit ka po umiiyak ate?” ~ Shock
Sorry, hindi ko napigilan ang pag – iyak ko sa sobrang sakit eh...
“Sino ate?” ~ Shock
Hindi ko na lang pinansin si Shock at pumasok na ako sa kwarto ko para maglabas ng sama ng loob... Ngayon lang kasi ako nasaktan ng ganito... :’(
THEY”RE TOGETHER NOW... What should I do? I have no choice... But to let go and to move on... AGAIN... Kailangan kong pigilan ang sarili kong mahalin pa si Chian... Inaabuso ko lang ang puso ko kung mamahalin ko pa siya... This is the right thing to do...
BINABASA MO ANG
A Fated Love
Teen FictionKateleen Dizon, a genius, kind, and talented girl, studied at Precious Child Academy, where there was also a boy named Chian Hontiveros that had the same characteristics of Kateleen. He is a new student of Precious Child Academy and a classmate of K...