Chapter 41 – Her past... I’m stuck
*Chian’s POV
Okay... Ang awkward parin ng scene ngayon... Nagdradrive ako ngayon habang si Kath... Tinititigan ako... Oh, please... Don’t stare at me -_- ....
.
.
.
.
*sigh* Finally! Inalis niya rin yung tingin niya sa akin... -_-
“Kalimutan mo na lang lahat ng mga sinabi ko sa’yo... ‘cause I’ll break my promise kahit may parusa... I just want you and Desiree to have a happy Relationship...” ~ Kath
Woah... What’s This? Bakit parang gustong pigilan ng isang side ko si Kath... Parang gusto lang nitong ipagpatuloy na gustuhin ako?..
Pero, kaya naman naming ni Desiree na magkaroon ng happy relationship kahit may gusto siya sa akin eh...
“Kath, Kahit...” ~ Ako
Tulog na pala... Pssssshhhhhhh! -_-
(After 10 minutes)
Nandito na kami sa bahay nila Kath, pero, hindi ko pa siya ginigising ngayon... Hindi ko alam kung bakit...
Parang may gusto akong sabihin kay Kath pero, hindi pa lumalabas...
*tok* *tok* *tok*
“Kuya!”
Si shock pala, kumakatok sa kotse... Di pa kasi kami bumababa eh... -_-
Bumaba na ako at pinagbuksan ko si Kath pero, tulog parin eh...
“Uyyy, Kath, nandito na tayo sa bahay niyo... Bumaba ka na...” ~ Ako
Tinignan niya lang ako ng ilang segundo...
“AYAW!” ~ Kath
=_= ... Nuuu ba naman! Tinalikuran ba naman ako?
“Halika na nga...” ~ Ako
Hinila-hila ko siya pero, ayaw parin eh...
Makalipas ang isang segundo, bumangon na siya pero hindi parin siya bumababa kay Raffy... Oh, ano nanaman ‘yan Kath? Di natin PE ah... Naka-arms forward kasi -_-
“Buhatin mo ‘ko” ~ Kath
O.O W-What?! Have you lost your mind Kath?!. Magpapabuhat pa siya?!
“W-what? Are you serious? Hoy, Kateleen Dizon, hindi ka na bata ah...” ~ Ako
Kath ----------------------------à (-_-)
Binaba niya yung kamay niya at humiga ulit...
“Kath, what the?” ~ Ako
Ang kulit talaga ni Kath... Sa susunod nga bawal na siyang uminom ‘pag kasama ako...
“Hindi ako bababa kay Raffy kung hindi mo ako bubuhatin...” ~ Kath
-_- Wala na akong magagawa...
I offered my back...
“Sumakay ka na pala ah!” ~ Ako
“Yey!” ~ Kath
*sigh* Sinasabihan niya akong isip-bata, sino kayang isip-bata sa amin ngayon?
Affffuuuu!.. Ang bigat niya... At grabe... Inaamoy niya yung likod ko -_-
“Ang bango ng likod mo!” ~ Kath
Nakikiliti ako Kath... ‘wag mo nang amuyin yung likod ko...
BINABASA MO ANG
A Fated Love
Teen FictionKateleen Dizon, a genius, kind, and talented girl, studied at Precious Child Academy, where there was also a boy named Chian Hontiveros that had the same characteristics of Kateleen. He is a new student of Precious Child Academy and a classmate of K...