Chapter 7

7.3K 79 34
                                    

 

Parang binuhusan ng malamig na tubig si JR. Nahawakan niya ang dalawang kamay ni Sarah na nakapatong sa mesa. "Your mother is Lena Tua ?"  Nagbabara ang lalamunang tanong ni JR.

 

"Yes Sir, kilala nyo po ang Mama ko?" Sumigla ang mukha ng dalaga.

 

Hindi na nakapagpigil si JR at tumayo ito. Itinayo ang dalaga at mahigpit na niyakap.

 

Yun ang inabutan ni Jason. Nakita niyang mahigpit na yakap ni JR ang dalaga na nakapikit. Nakayakap din ito ng mahigpit.

 

Tama ba ang nakikita niyang parehong tumutulo ang luha ng dalawa.

 

Maya maya pa nakita niyang hinawakan ng Ninong niya ang mukha ng dalaga. Pinagmasdang maige , then hinalikan sa noo. Niyakap uli ng mahigpit, umiyak  na  ng tuluyan.

 

Napatingin tuloy sa kanila ang ibang mga taong kumakain din sa restaurant na yun. Pati ang waiter na may dala dala sa order nilang pagkain ay napahinto. Nag aalangang lumapit sa table nila.

 

Dali daling lumapit si Jason sa table nila. Nag aalalang may makakuha ng letrato ng dalawa at maapektuhan pa ang candidacy nito pag kumalat na may kayakap itong babaeng halos anak na lang niya sa isang napaka public na lugar.

 

"Sandali lang akong nawala, mukhang ginawa mo na lahat ng magagawa mo para mapapayag mo siyang sumama saiyo ha Ninong." Pabiro pero may pait na sabi ni Jason.  

 

Pasimpleng pinunasan ni JR ang pisngi nito, tiningnan si Jason, tiningnan uli ang mukha ni Sarah. Pinunasan ng daliri ang luhang tumutulo pa rin sa pisngi ng dalaga. Hinalikan uli ang noo nito. Binulungan. "Tahan na anak."

 

Hindi yun nakawala sa pandinig   ni Jason. Napatingin sa waiter na nag aalangang lumapit sa table nila. Mukha namang hindi nito narinig ang sinabi ni JR.  Sinenyasan niyang ilapag na ang order nila.

 

Inalalayan naman ni JR na makaupo ang anak. Hinila ang upuan at tinabihan na itong umupo. Nakita ni Jason na hinawakan nito ang kamay ng dalaga.

 

Hinintay ni Jason na makaalis ang waiter  bago ito nagtanong. "Care to explain what is going on Ninong? This is the second time I saw you crying in public."

 

"These are  tears of joy iho,  remember yung pinag usapan natin the other day bago ako pumunta ng Batangas?" Looking at his newfound daughter  with tears in his  eyes.

 

"Lena?", tiningnan si Sarah.  

 

"Unang tingin ko pa lang sa kanya, parang nakita ko na si Lena na nakatayo sa harap ko kaya siguro sabi mo para akong nakakita ng multo. Pero ng banggitin mo ang  pangalan niya , inisip ko baka kamukha lang. Pagkaalis mo kanina, hindi ko naiwasang tanungin  kung anog pangalan ng mother niya . Pagkasabi pa lang niya , alam ko ng siya ang anak ko. Hindi maipagkakaila ang lukso ng dugo. Lalo ng tumindi ang hinala ko ng yakapin ko siya at yumakap siya sa akin. Alam ko na kahit na hindi pa niya sabihin sa akin. Siya ang anak ko kay Lena.” Masayang masayang sabi ni JR kay Jason.

Hindi makapaniwala si Jason sa narinig. Napatingin ito kay Sarah na hindi pa rin mapigilan ang  umiyak. “You knew from the  very beginning that he is your dad?”

 

“Just few days ago, that is why I was trying to beg off when you said, he is the one we are meeting for lunch.’ Sarah was trying not  to sob when she answered Jason.

 

“Wow! I can’t believe this!” Naiiling na sabi ni Jason. Natutuwa siya para sa Ninong niya higit sa lahat para siyang nabunutan ng tinik sa lalamunan dahil maling mali pala ang akala niyang baka na first at love sight ang ninong niya sa babaeng hindi pa rin niya maipaliwanag kung bakit naaapektuhan siya ng ganoon. Mabuti na lang pala at umalis siya, nagkasarilinan ang dalawa at nangyari ang dapat mangyari.

“Neither do I but I would say the happiest day of my life for a long long time. Thank you Lord for this unbelievable day. He hugged Sarah again, cup her face in his hands, kissed her forehead.  “This is a new day for both us anak, pangako ko saiyo, babawi ako ng todo todo.”

 

“Tama na po yung hindi kayo nagduda na anak ninyo ako. Sapat na po yun sa akin.” Mahinang sabi ni Sarah.

 

“Hindi anak, ngayong nakita na kita, hayaan mo namang maranasan mong maging isang Co.” Natigilan ito ng maalala ang apelyido ng anak.

 

“Geronimo?”  Tanong nito.

 

“My step dad’s, he adopted me when he married Mama.”  Kitang kita ni Sarah kung paano  lumungkot ang mukha ng ama sa narinig na sinabi niya.

 

Naramdaman din yun ni Jason. Alam niya na kung gaano kahalaga sa ninong niya si Lena. Alam niya, iisa lang ang babaeng minamahal ng ninong niya hanggang ngayon.  

 

“Kumain muna tayo bago lumamig tong mga inorder natin. Ninng mukhang tensyonado na mga  aides mo oh, tinuro ang grupo ni JR na tapos ng kumain sa hindi kalayuang mesa. Mukhang you have to go soon so won’t miss your flight going to Isabela.” Paalala ni Jason para maiba ang topic.

 

“Pwede bang sumama ka sa akin anak? Ang dami kong gustong malaman, itanong.” Nagmamakaawa ang mata ni JR na tinanong si Sarah.

 

“Pwede po bang huwag na lang muna. Hindi ko naman po binalak na magpakilala na anak ninyo. Ayaw ko pong mangyari sa akin ang ginawa ng pamilya ninyo sa Mama ko. Kung pwede po sana, huwag na lang ninyong ipaalam. Mas gusto ko po ang buhay namin, hindi nga po kami mayaman pero tahimik naman at masaya. Pagkatapos po ng training ko, mas gusto ko pong bumalik sa probinsya kasama ng pamilya ko

 

Nahinto sa pagkain sa JR. Tinitigan ang anak. Hindi niya ito masisisi. Naalala ang sinabi ng ina sa kanya.

 

Maging si Jason ay napatingin sa dalaga. Wala siyang planong mag stay sa Manila? Ginawa niya itong personal assistang, bibigyan ng tamang sahod na pinapangarap ng karamihan, mas gugustuhin pa rin niyang bumalik sa probinsya? Bakit? Ano ang meron duon? Meron ba siyang hindi maiwan duon bukod sa Mama niya?

“Sige anak, hindi na muna kita pipiliting ngayon. Alam ko maraming pagbabago ang mangyayari sa buhay mo ngayong nagkita na tayo. Isa lang ang gusto kong malaman mo, ilang araw ko palang nalaman ang ginawa ng mga magulang ko at ang posibilida tungkol saiyo. May kinakausap na akong mga tao para hanapin kayo ng Mama mo. Nagpapasalamat ako na nakilala na kita agad pero anak , hindi ko maipapangako saiyo na kaya kong ilihim na may anak ako.” Halatang pinipigil pa rin  nito ang  matinding emosyon sa hindi inaasahang pagkikita nilang mag ama.


“Kumain na po kayo. Magkikita pa naman po siguro tayo pagbalik ninyo.” Nginitian ni Sarah ang ama. Pigil din ang emosyong nararamdaman. Nahihiya siyang mag iiyak ng sobra  sa nakikitang reaction ng ama sa pagkakaalam na anak siya nito.

Pag-ibig, Noon at NgayonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon