Chapter 15

7K 88 43
                                    

Napablikwas ng gising si Sarah ng marinig ang phone niyang nag ri ring. Nagulat pa ito ng makitang maliwanag na, tinanghali siya ng gising. Nag panic itong tiningnan ang alarm clock sa night table niya , almost 7 am na.

 

“Goodness, bakit hindi ako nagising sa alarm, titingnan sana niya kung naka set ang alarm niya ng mag ring uli ang phone niya. Naiinis man ay sinagot na rin niya ito.

 

“Hello,” hindi maitago ang inis sa boses ng sagutin ang phone.

 

“Good morning Princess, hindi yata maganda ang gising mo? Kanina pa ako kumakatok , nakatulog ka yata ng mahimbing.”

 

“Sir?” Good morning, will be late a little, sorry, nakatulog ako but will be there  as soon as I can.” Natatarantang sagot ni Sarah.

 

“Mukhang wala ka pa sa sarili. Hindi mo naintindihan ang sinabi ko.”  Narinig ni Sarah ang mahinang tawa ni Jason.  “Sabi ko, andito na ako sa harap ng pintuan ng unit mo. Kanina pa ako kumakatok kaya lang mukhang hindi mo naririnig kaya tumawag na ako. Baka gusto mong buksan muna ang pinto, ang init ng kapeng hawak ko.”

 

Lalo ng nataranta ang dalaga. Nasa may pintuan niya si Jason? Nuon lang niya naalala na same building nga pala sila ng boss niya at sinabi nga pala nito na sabay na silang papasok mula sa araw na yun.

 

Napatakbo ito labas ng kwarto niya, binuksan ang pinto. “Sorry Sir,” dali daling paumanhin ng dalaga. Nakalimutan niyang kababangon lang niya at naka pajama pa siya na humarap sa binata kaya naman ang ngiti nito ng buksan niya ang pintuan at makita siya.

 

“Mas maganda ka pala pag bagong gising.” Nakangising bati nito sa parang wala pa rin sa sariling dalaga.

 

Duon lang napagtanto ni Sarah na nakapantulog pa siya  at gulong gulo pa ang buhok niya.

 

Napatakbo ito papasok uli, nakalimutan pang papasukin si Jason sa sobrang pagkabigla.

 


“Take your time Princess, no hurry today. Mamayang after lunch pa naman ang first meeting ko. We can have a lazy breakfast first.” Natatawang sabi ni Jason sa natatarantang dalaga.

 

“Darn, darn!!” Nasabi na lang ni Sarah habang papasok sa kwarto niya.

 

Nasa banyo na si Sarah ay hindi pa rin makapaniwala na humarap siya kay Jason na nakapantulog lang. Napatakip ito ng mukha ng makita ang itsura niya sa salamin. “What is wrong with you this morning?” Namumulang pinapagalitan ang sarili sa salamin.

 

After half an hour na nakalabas si Sarah. Nahihiya man ay humingi ito ng paumanhin kay Jason na relax na relax nanonood ng morning news sa living room habang umiinom ng kape.

 

“Sorry, hindi ko naman alam bakit hindi nag alarm yung clock ko o hindi ko lang talaga narinig.”

 

“Ok lang , at least nakita ko kung ano itsura mo pag bagong gising.” Nakangiting sagot ni Jason. Tumayo ito at kinuha ang kape sa microwave na ininit nito. Iniabot kay Sarah na hindi pa rin makatingin ng diretso kay Jason.

Pag-ibig, Noon at NgayonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon