Chapter 58

5.6K 96 68
                                    

Samantala , dinala si Sarah sa isang kwarto ng dalawang babaeng kumidnap sa kanya. Alam niya ang bahay na tinuluyan nila ay malayo sa pinaka bayan o siyudad dahil kahit nakapikit siya, naramdaman niya ang bako bakong daan o kaya parang hinde sementado ang dinadaanan nila.

Malinis at maayos naman ang kwartong pinagdalhan sa kanya. Meron ding maayos na kama at sa tingin niya ay may sarili ding banyo. Inilbot niya ang paningin, may sarili ding tv, tumingin si Sarah sa night table, nagbabakasakaling may telepono.

Napansin siya ng babaeng nag aalis ng tali niya sa kamay. Inalis na ang tali niya sa paa bago pa sila bumaba ng sasakyan.

"Bilin sa amin, ituring kang isang bisita. Isa lang ang wala sa kwartong to, telepono o kahit anong gadget na makakatulong saiyo para humingi ng tulong. Huwag kang magtatangkang tumakas, masasayang lang pagod mo." Sabi ng isang babae.

"Mamaya, lang may magdadala ng pagkain mo at bukas ng umaga may kukuha ng picture mo hawak ang bagong dyaryo para malaman ng pamilya mong buhay ka pa at gaya ng pinangako ng boss namin , turing bisita ka dito." Dagdag na sabi naman ng isa ."Maswerte ka pa rin, ikaw lang yata ang tinuring na ganito ka espesyal ni Boss. Sabagay, pwedeng pamalit kay Maa'm Georgina." Nadulas na sabi nito.

Nanlaki ang mata ni Sarah . "May kinalaman ba si Georgina sa pag kidnap ninyo sa akin? Sino ang Boss ninyo?" Sunod sunod na tanong ni Sarah.

"Tumahimik ka na lang, at wala kang narinig kung ayaw mong masaktan ." Mabilis na sagot ng babaeng nadulas ang dila.

Dali dali ng lumabas ang dalawa matapos maalis ang tali sa mga kamay ng dalaga. Narinig pa ni Sarah na pinapagalitan nung isang babae ang kasamang bumanggit ng pangalan ni Georgina.

Nagpapasalamat na rin si Sarah na hindi siya sinaktan o ikinulong sa madilim na lugar. Mas makakapag isip siya at makakapagpahinga lalo na kung tutuong bibigyan din siya ng maayos na pagkain. Kailangang ihanda niya ang sarili sa kung anumang mangyayari sa mga susunod na oras o araw.

Hindi nga nagtagal at muling bumukas ang pinto. Pumasok ang isa sa mga babae , may dala dalang tray ng pagkain. "Pasalamat ka sa Boss namin, mahigpit niyang ipinagbilin na alagaan kang parang espesyal na bisita, kung kami lang masusunod, duon ka sa madilim na bodega matutulog para maranasan mo naman paanong matulog mahihirap na gaya namin." Sabi ng babae na akmang lalabas na ng pigilan siya ni Sarah.

"Sandali lang, pwede bang malaman kung sino ang Boss ninyo?" Nagbabakasakaling tanong ni Sarah.

"Gusto mong pati ako patayin ni Boss. Tama ng malaman mo na ang boss namin ay isang taong masamang magalit, masamang kalabanin ,maraming koneksyon , higit sa lahat mautak. Mabilis at malinis magtrabaho." Nakangising sagot nito kay Sarah. Ginagamit niya ang utak niya kaya kahit na kanina pa ako nanggigigil saiyo, kailangang magtimpi ako. Tama si Boss, kung gusto naming mas maging tahimik ang buhay namin sa mga susunod na buwan, kailangang huwag sagarin ang galit ng isang Neil Emerson Co Jr. Ang kailangan lang naman naming makuha ay ang ransom mo. Siguro naman kung makita ng tatay mo na inalagaan ka naman namin, tatahimik na siya pag nakauwi ka ng walang galos."

Hindi makapaniwala si Sarah sa naririnig. Kaswal na kaswal kung magsalita ang ka harap , parang yung ginawang pag kidnap sa kanya ay bale wala lang. "Sa pananalita nyo, parang normal na lang sainyo ang pagkidnap ng mga tao. Pang-ilan na ba akong biktima ng kasamaan nyo?" Pigil na pigil ang galit na tanong ni Sarah.

"Masasabi ko lang, ikaw pinaka maswerte. Huwag ka ng maraming tanong tanong pa, kumain ka na." Matigas na sabi nito at tuluyan ng lumabas.

Dahil na rin siguro sa pagod at gutom, naubos ni Sarah ang dinalang pagkain para sa kanya. Pagka kain ay pinag aralan ang kabuuan ng kwarto. Tiningnan ang mga bintana kung pwede niyang gamitin para makatakas. Naiiling na lang si Sarah ng makitang kahit na basagin pa niya ang salamin ng bintana, hindi pa rin siya makakalabas dahil sa mga bakal na rehas nito. Hindi siya kakasya sa pagitan ng mga ito. Nagpunta siya ng washroom, nagbabakasakaling may makita siyang paraan doon pero mas maliit pa ang na iisang bintana ng banyo at mas masinsin ang pagitan ng mga rehas na bakal. Naghanap siya sa banyo kung may magagamit siyang armas kung saka sakali para ipangtanggol ang sarili, wala din siyang nakita. Ang nandoon lang ay mga tuwalya, shampoo, bagong toothbrush, toothpaste at lotion. Talagang pinaghandaan nila ang pagdating niya sa kwartong yun. Lahat ng kailangan ng isang babae sa banyo ay nandoon. Disappointed na bumalik si Sarah sa kwarto. Naupo sa gilid ng kama, nag iisip. Hindi siya dapat panghinaan ng loob. Alam niya, hindi siya pababayaan ng mga mahal sa buhay niya. Alam niyang ginagawa lahat ng mga ito ang paraan para mailigtas siya. Walang duda yun, para ngang nakikita na niya mga itong, ihinahanda na kung magkano man ang hinihinging pera ng mga kidnapper niya. Hindi sila dapat magtagumpay . Kailangan matapos na ang kasamaan ng mga taong sangkot sa pagdukot sa kanya. Sigurado siyang hindi siya ang unang biktima ng mga ito. Sisiguraduhin niyang siya na ang huling biktima ng mga ito.

Pag-ibig, Noon at NgayonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon