Chapter 16

7.1K 92 50
                                    

Nagulat si Sarah ng mag ring ang phone sa desk niya. Nag angat din ng ulo si Jason. Ilang oras na rin silang parehong naging abala sa trabaho. Si Jason laging nasa telepono. Kung sa labas ng opisiina ay makulit at palangiti ang binata, pagdating naman sa trabaho ay seryoso ito. Si Sarah naman ay naging abala din, madalas ay silang dalawa ni Laarni ang magkatrabaho, tinutulungan ni Laarni si Sarah na mapag aralan ang mga gamit na softwares na gamit sa office ni Jason. Hindi naman mahirap kay Sarah yung iba dahil dati naman na niyang ginagamit yun sa dating trabaho niya.

 

“Jason Opsima’s office, good morning.” Bati ni Sarah.

 

“Good morning iha, ang sarap namang pakinggan ng boses mo. Baka mamaya yung ibang mga executives ng mga kumpanya , tatawag diyan sa office ni Jason para lang marinig ang boses mo ha.”

 

Kumunot ang noo ni Jason sa nakitang pagkislap at saya ng mukha ni Sarah ng marinig kung sino ang tumatawag. Nakita niya itong pigil ang kilig pero abot tenga pa rin ang ngiti ng magsalita uli.

 

“Papa naman, nambobola pa. Kumusta po biyahe ninyo?”

 

“Mabuti naman anak, marami namang pumunta, masaya naman. Gusto sana kitang tawagan kagabi kaya lang naimbita ako sa dinner kina Mayor Sy, may isang binata duon na pag daw ikinasal kayo eh kukunin pa yata akong ninong. Mukhang siguradong sigurado na siya saiyo iha ha.”

 

“Si Migs po? Ganoon lang po yun, kahit naman po kanino yun ang sinasabi niya pero sa tutuo lang po, ang daming girlfriend nun, kaya hindi ako naniniwala sa kanya. Bukang bibig lang po niya yun kasi boto sa akin ang parents niya.”

 

Hindi naman makapag concentrate si Jason sa ginagawa, hindi maiwasang tumingin sa kinaroroonan ni Sarah na mahinang nakikipag usap sa Papa niya.

 

Nag iinit ang ulong tumayo,ngani ngani niyang hablutin ang telepono dahil sa nakikitang pakikipag usap ng dalaga. Nasa isip niyang si Will ang kausap ng dalaga. Lumabas ito. Salubong ang kilay na tinanong si Laarni kung sino ba ang kausap ni Sarah.

 

“Yung huling tumawag Sir?”  

 

“Oo yung kausap pa rin niya hanggang ngayon? Si Will Henares ba?”

 

“Sir? Hindi , si Sir  Nei Jr. po. Nagtaka nga po ako bakit si Sarah ang gustong makausap, sinabi ko naman po na nandito kayo.”

 

“Si Ninong ang kausap niya?” Siniguradong tanong ni Jason.

 

“Opo Sir.” Sigurado ding sagot ni Laarni.

 

Umaliwalas na uli ang mukha ni Jason. Pumasok na uli ito sa office niya

 

Narinig pa niya ang huling sinabi ni Sarah ,”sige Pa, good luck saiyo.”  , then tumingin kay Jason, “Sir transfer ko sainyo ang call, gusto daw po kayong makausap ni Papa.”

 

“Ninong, ano anong oras ang balik mo dito?”

 

Pag-ibig, Noon at NgayonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon