Chapter 38

7.2K 110 26
                                    

Kinabukasan, excited na maagang nag jogging si Jason. Inspirado ito, nakatulog siya ng mahimbing matapos ang Ilang palitan nila ng text messages ni Sarah. Sa pagkakaintindi niya,binibigyan siya ng pag asa ng dalaga pero hindi pa siya nito sinasagot. Masaya na siyang malaman na willing ang dalaga bigyan siya ng pagkakataong makilala at mapalapit dito. Marami siyang pagkakataong mapalapit at makilalang mabuti ng dalaga at kung ibaba base sa pagtugon sa halik niya kagabi, huwag lang siyang magkakamali, malaki ang pag-asa  niya. 

May nadaanan siyang flower shop ng pabalik na siya, nakita niya ang mga white tulips. Huminto ito at Ilang sandali pa ay lumabas siyang may hawak hawak na siyang bouquet ng white tulips. Dumaan muna siya sa unit ni Sarah at inilagay sa labas ng pinto nito. Ayaw niyang magising ang dalaga sakaling tulog pa ito. Pagkatapos niya sa gym , saka siya mag te text sa dalaga para malaman nito ang tungkol sa inwan niyang mga bulaklak. 

Sina Neil at Lena ang unang nakakita sa mga bulaklak na iniwan ni Jason. Napagkasunduan ng dalawa na sila naman ang mag alaga sa anak nila, libre naman si Neil buong maghapon. Family day nila. 

Maingat na binuksan ni Neil ang pintuan, ayaw nilang magising ang dalaga kung tulog pa ito. Inaamoy amoy naman ni Lena ang mga bulaklak. Binati tuloy siya ni Neil. 

"May amoy ba ang tulips? Akala ko wala." 

"Yung ibang varieties meron pero ito wala." 

"Bakit inaamoy mo?" Natatawang tanong ni Neil. 

"Kaya nga inaamoy para malaman kung meron saka alam mo na nakaugalian, basta bulaklak,  aamuyin mo pag nahawakan mo." 

"Nakalagay ba kung kanino galing?" 

"Mukhang sa inaanak mo. Nakita ang nakaipit na card, nakita lang niya ang letrang J sa baba ng message. 

Hindi kumibo si Neil hanggang sa makapasok sila sa loob. Tahimik na tahimik pa kaya naisip nilang tulog pa ang dalaga. 

Dahan dahang sinilip ni Lena ang anak sa kwarto. Tulog na tulog pa nga ito. 

"Tulog pa ba ang prinsesa?" Tanong ni Neil na inaayos ang mga dalang ingredients para sa gustong iluto ni Lena sa kusina. 

"Oo, tamang tama para paggising niya ay nakaluto na tayo. Bakit hindi mo tawagan si Jason, baka gusto niyang dito na rin mag almusal. Sinabi ko kay Aling Remy na mula ngayon, hindi na niya kailangang pumasok ng Linggo at Sabado, pahinga naman siya pwera na lang kung may party." 

"Kung yan ang gusto mo, masarap magluto si Aling Remy pero iba syempre yung luto mo, may special touch pero ayaw ko din naman na mapapagod ka." 

"Magluluto ako pero tutulong ka din. Ikaw ang magliligpit at tagahiwa at taga tikim." 

"Pwede bang taga tikim na lang?" Masuyong inakbayan ni Neil si Lena. Pinapanood na inaayos ang mga bulaklak sa isang vase na nakita sa isa sa mga cabinet. 

"Tawagan or text mo na si Jason kung gusto niyang dito mag brunch para alam ko kung gaano karami ihahanda ko." 

"Yes my lady, tatawagan na po." Nakangiting inilabas ang phone, tinawagan si Jason. 

Nakausap naman agad ni Neil si Jason na umuo agad. Halatang Tuwang tuwa ito. "Salamat Ninong,sa wakas matitikman ko na rin luto ni Tita Lena." 

"Huwag ka sa akin magpasalamat, Tita Lena mo may idea na dito ka na rin mag almusal.Sa kanya ka magpasalamat." 

"I will, just finishing here at the gym, will be right there as soon as I can." 

"No rush, Sarah is still asleep, Lena just want to know if you want to come so she'll know how much to cook." 

Pag-ibig, Noon at NgayonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon