Chapter 36

7.2K 95 38
                                    

Nakalabas na si Jason ay hindi pa rin makapaniwala si Sarah sa bilis ng pangyayari. Nahalikan siya sa labi ni Jason. "Thank you, sa mga sinabi mo para mo na ring sinabing mahal mo din ako. Nahihirapan ka pa lang aminin sa sarili mo." Nakangiting sabi nito sa kanya matapos ang mabilis na pagdampi ng labi nito sa labi niya. Sandaling sandali lang yun sabay tayo nito at inilabas na ang pinagkainan niya

Naiwan si Sarah na napahawak pa sa labi niya. Ganoon nga ba yun? Inamin ko na nga bang mahal ko din siya? Mahal ko na nga ba siya? Pwede bang magmahal na agad agad, ilang araw pa lang kaming magkakilala.

Bumaba ng bed niya ang dalaga at pumunta ng banyo. Tiningnan ang sarili sa salamin. Nagpapasalamat na wala na sa kwarto niya ang binata dahil pakiramdam niya kung hindi agad umalis ito at hinalikan siya uli , alam niya hindi na niya maitatago ang nararamdaman at tuluyan na siyang bibigay sa nararamdaman sa binata. Tama naman si Jason, sa mga sinabi niya bago siya hinalikan nito, inamin na rin niyang may nararamdaman siya para sa binata. Di nga ba at ganoon din ang sinabi sa kanya ng Mama niya. Iba yung pagmamahal na nararamdamannn niya para kay Miguel. Malayong malayo. Tinititigan lang siya ni Jason, parang hindi na siya makahinga, nanlalambot mga tuhod niya,. Hindi pa niya naramdaman kahit na kelan yung nararamdaman niya para kay Jason. Yung mga tingin nito na parang hinuhubaran siya. Napabilis ang pagpunta ni Sarah sa shower dahil sa nararamdamang pag iinit na naman ng mukha nito. Pilit na inaalis ang naiisip na pakiramdam kung sakal sakali ngang hinalikan uli siya ng binata.

Nangingiti pa rin si Jason habang nakikipag usap kay Aling Remy. Kinukumusta ng buthihing housekeeper ang pakiramdam ni Sarah. Natigil ito sa pagsasalita ng mapansing malayo ang isipan ng kausap lalong lalo na ng mapansin ang kakaibang ngiti nito. Naiiling na lang ito.

"Ang buhay nga naman, sino ang mag-aakalang ang pinakapihikang binatang nakilala ko ay mukhang sa isang napaka simpleng babae masisiraan ng bait."

"Huh? Anong sinasabi nyo?" Naguguluhang tanong ni Jason . "Sino nasisiraan ng bait?"

"Yung taong tinatanong ko pero hindi ako sinasagot at parang may sariling mundong nag iimagine ng kung ano." Naiiling na sagot ni Aling Remy. "Pupunta muna ako sa unit ng Ninong mo, aalis daw sila , tingnan ko kung kailangang ipaghanda ko din sila ng lunch bago umalis. Aalis ka din ba?"

"Hindi po, dito lang ako para may kasama si Sarah. Napapakamot sa ulong sagot ni Jason. "Pasensya na po kung hindi ko naintindihan yung unang sinasabi ninyo." Paumanhin ng binata.

"Ganyan talaga mga taong umiibig, nawawala sa sarili."

"Palagay po ninyo may pag asa ako kay Sarah? Sabi po kasi niya natatakot siyang pumasok sa relasyon lalong lalo na sa isang katulad ko. Iniisip ko kahit na paano, may pag asa ako di ba? Bakit siya matatakot kung wala?"

"Kung sa pag asa meron, ang matindi mong kalaban ang reputasyon mo. Alalahanin mo matinong babae si Sarah, mataas ang moralidad at kita mo naman ang Mama niya, mahirap lang pero may dignidad. Simple lang ang buhay nila pero masaya. Maligaya. Sigurado ako , ang pangarap lang din niyan ay simpleng buhay pero maligaya gaya ng nakagisnan niya. Natatakot siyang pumasok sa isang relasyon sa isang gaya mo dahil aminin mo man o hindi, ang reputasyon ng mga gaya mo ay playboy, iba ibang babae ang laging kasama. Hindi nakukuntento sa isang babae lang.

"Wala naman akong nilokong babae. Kaya nga naging constant date ko si Georgina para wala ng ibang babae pa ang maugnay sa akin."

"Ingatan mo na ba baka sa halip na aminin niyang mahal ka rin niya, dahil sa takot niyang masasaktan lang siya saiyo, pilitin niyang ibaling sa iba ang nararamdaman para saiyo."

Natigilan si Jason. Matagal ng nakalabas si Aling Remy ay iniisip pa rin niya ang sinabi nito. Posible bang mangyari yun? Kaya ba ganoon ang sabi niya? Takot siyang pumasok sa isang relasyon lalong na lalo na sa isang katulad ko. Nakaramdam ng matinding pagkabahala ang binata ng maisip na paano nga kung sa halip na aminin nga ni Sarah na mahal din siya nito ay lalo pa siyang iwasan at iba ang pag aralang mahalin? Yun ang hindi pwedeng mangyari. Ang tagal niyang hinintay ang maramdaman ang ganoong pagpapahalaga sa isang babae, ngayong natagpuan na niya, hindi pwedeng iba pa ang mahalin niya. She is mine. Napalakas ang boses na sabi ni Jason.

Pag-ibig, Noon at NgayonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon