Chapter 17

7K 93 84
                                    

Hindi pinayagan ni Lena na umalis pa sina Ana at Glen matapos ang masayang pagsasalo nila ng brunch. Naisip niyang mas maganda na anduon ang kaibigan, ayaw niyang mapag isa sila ni Neil. Hindi pa siya handa para harapin ang maraming emosyong nagtatalo sa kalooban niya. Kailangang mag isip siyang mabuti. Ayaw niyang padala sa emosyong nararamdaman. Natatakot siyang malaman ni Neil na mahal pa rin niya ito.

Nahalata naman yun ni Neil. Naiintindihan naman niya ang sitwasyon. Hindi niya mamadaliin si Lena, ang mahalaga, nasabi na niya ang nararamdaman. Walang nagbago, siya pa rin ang mahal niya. Kung kailangang manligaw uli siya mapaniwala lang niya ito na siya ang mahal niya. Ang magtiwala ito sa kakayahan niya na hindi na niya papayagan ang sino man na manakit sa damdmamin ng dalawang taong siyang pinakamahalaga sa buhay niya. Isang araw mabubuo din sila. Magiging isang masayang buong pamilya din sila ng mag ina niya.

Napilitan lang magpaalam si Neil ng maging sina Lena at Ana ay pinaalalahanan siya na oras na para pumunta ng airport.

Nangako si Neil kay Lena na babalik at babalik siya, sinabi niyang this time, hindi siya susuko at hindi siya titigil hanggang hindi niya napapaniwala si Lena na para sila sa isat isa.

Ngiti lang ang sagot ni Lena. "Ang mahalaga, nagkita kita na uli tayo. Ganoon na lang muna. Iniisip ko lang ang pagitan ng mga mundo natin, nanliliit na ako."

"Tatandaan mo lang , mahal kita. Yun lang ang mahalaga sa akin ngayon. Kayong dalawa ni Sarah. Matapos ang election, manalo o matalo ako, magbabakasyon tayong tatlo sa kahit saan ninyo gusto. Sa ngayon mas gusto ko ngang matalo ako para mas marami akong panahon na makasama kayong dalawa.

"Teka muna, anong bakasyon? Bakit sa tono ng salita mo , nagkabalikan na tayo?"

"Nakikita ko naman sa mga mata mo, may alinlangan ka pa pero sa mga mata mo, mahal mo pa rin ako at hindi mo isusuot yang kwintas na yan kung wala na talaga akong halaga saiyo."

Natawa si Lena. "Gagamitin ko ang madalas na marinig kong sabihin ni Sarah kay Miguel, "huwag masyadong asyumera!"

Natawa na rin si Neil. "May bilin ka ba sa anak mo? Balak kong kumbinsihin siyang sa akin na tumira habang nasa Maynila siya. 3 bedroom yung unit ko,madalas namang wala ako duon, mas madalas pang nasa out of town ako lately. Gusto ko din siyang ma spoiled gaya ng ginawa ng Tito Gary niya sa kanya nuong nabubuhay pa ito."

Nagpawala ng malalim na paghinga si Lena. Naalala nii si Gary. Alam niya matutuwa din ito sa nangyayayari sa kanila ni Sarah.

"Anuman ang mapag usapan ninyong dalawa, ok lang sa akin. Nasa tamang edad na si Sarah para magdesisyon para sarili. Isa lang ang hihilingin ko, huwag na huwag kong mabababalitaan na inaapi api siya ng pamilya mo."

"Makakaasa kang ni isang masamang salita , hindi ko papayagang sabihin nila sa prinsesa ko."

"Dapat lang, dahil kahit mahirap lang kami, lumaki yun ng punong puno sa pagmamahal ."

Samantala, nahalata ni Jason na panay ang tingin sa orasan ni Sarah. Mukhang may inaabanangan or may hininhitay ito. Gusto man niyang tanungin ang dalaga ay minabuti niyang tumahimik na muna. Oras na rin para pumunta siya sa appointment niya. May lunch meeting siya,kung siya lang ang masusunod, gusto niyang isama si Sarah pero baka naman maging sobrang obvious siya dahil hindi naman kailangan na nanduon ang personal assistant niya.

"Sir, paalala ko lang po, baka nalilibang kayo, may lunch meeting po kayo in 30 minutes, medyo malayo layo din po yung venue. Naghihintay na po si Mang Vic sa baba." Paalala ni Sarah.

"Thank you Princess, was just thinking about it. Actually was tempted to ask you to come."

"Sir?" Puzzled na tanong ni Sarah.

Pag-ibig, Noon at NgayonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon