Chapter 72

5.2K 122 48
                                    

Sa sobrang puyat ng nagdaang gabi , nakatulog si Sarah sa eroplano papunta ng Cebu. Nagising lang ito ng marahan siyang halikan sa noo ni Jason at sabihing nanduon na sila. Pagmulat nga ng mata ng dalaga ay nag-uumpisa ng magtayuan ang mga kapwa pasahero.

"Andito na tayo agad?"

"Yes my darling princess, grabe naman ang himbing ng tulog mo, ni hindi mo namalayan ang pagbaba ng eroplano."

"Sorry naman sweetheart , hindi ko talaga mapigilan pagpikit mata ko."

"Sabagay mas maganda na dito mo na ako tinulugan , ibig sabihin may energy ka na mamaya." Pilyong bulong ni Jason sa namumulang dalaga .

Kurot sa tagiliran ang sagot ni Sarah sa biro ng kasintahan.

"Ang sarap mong biruin. Tingnan mo ang pula pula na ng pisngi mo."

"Nakakainis ka kasi. Mamaya may makarinig saiyo."

" Siguradong ang tindi ng inggit nila sa atin." Ayaw pa ring tumigil sa panunukso si Jason.

"Sweetheart ha pag ako na headline at sinabing pinupuyat kita sa gabi , hindi na uli ako tatabi saiyo."

"Yan ang hindi pwedeng mangyari. Kaya tatahimik na ako!" Tumayo na ito at inalalayan si Sarah para makatayo na rin.

Naiiling na lang na sumunod ang dalaga sa binata na ng makatayo na siya ay pinauna na rin siyang maglakad palabas ng eroplano.

Ilang minuto pa matapos nilang makuha ang mga luggages nila ay natanaw na rin nila ang sasakyang susundo sa kanila.

"Hayun na ang sundo natin , let's go." Magkahawak kamay ng naglakad palabas ng airport ang dalawa, sa kabilang kamay naman ay hila hila ang mga maleta nila.

"Good evening Sir Jason, Maa'm Sarah." Magalang na bati ng driver.

"Gandang gabi din saiyo Ricky. Sweetheart, pinakikilala ko pinakamatagal ng empleyado ng Lena's Resort .

"Kumusta po?" Nakipagkamay si Sarah sa matanda na halatang naillang pa sa kanya.

"Ikinagagalak ko po kayong makilala. Excited na nga po ang mga staff na makilala kayo ng Mama ninyo."

“Nasa Tokyo po sila ngayon pero sigurado pong dadalaw din sila dito isang araw.”

Nagkatinginan ng palihim sina Mang Ricky at Jason. Tinanguan ni Jason ang mabait na driver at magkatulong na silang inilagay ang mga maleta sa trunk ng sasakyan. Pumasok naman na si Sarah sa loob ng sasakyan habang abala ang dalawa sa pag aayos ng mga maleta nila sa trunk.

Habang daan ay panay ang tanong ni Sarah tungkol sa beach resort. Sinabi naman ni Mang Ricky na hindi ito kalakihan pero kilalang kilala sa Cebu dahil sa serbisyo ng mga tauhan at sa natural na ganda ng resort bukod pa sa modernong  moderno ang mga gamit.

Nalibang ang dalaga sa pakikipag usap sa driver habang nakikinig lang si Jason na nakaakbay sa kanya. Masaya namang sinagot ni Mang Ricky ang mga tanong ng dalaga. Napansin na lang ng dalaga na nasa harap na sila ng isang gate kung saan may dalawang security guard na ng makita ang sasakyan nila ay dali daling binuksan ang pinto. Kumaway sa kanila na mga nakangiti. Kumaway din ang tatlo habang papasok sila sa mahaba haba ding driveway. Ihininto ni Mang Ricky ang sasakyan at hindi nagtagal ay may isang staff na nagbukas ng pintuan ng sasakyan at inalalayan si Sarah na makababa.

Pag-ibig, Noon at NgayonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon