Laking gulat ni Obet nang makita ang ina ni Chinky .Hindi siya makapaniwala sapagkat kopyang kopya niya ang mukha ni Frea. "Paano nangyari ito? Kambal ba sila? Ang bulong ni Obet sa sarili. "Tuloy po kayo ,tuloy po kayo."Pumasok ang mag-ina sa loob subalit naiwan ang iba pa nilang kaklase sa labas dahil nga maliit lang ang bahay nila. Tiningnan ni Obet ang mukha ng ina ni Chinky sa salamin na nakapalibot sa mga dingding at nagtaka siya bakit walang nagbago ? bakit parehas lamang? Parang himatayin na si Obet sa hiwagang kaniyang nasaksihan. Tiningnan niya nang mabuti ang babae , talagang para silang pinagbiyak na bunga.
" Ang nanay ko po ma'am, " " ah, Tita Farra na lamang ang itawag mo sa akin Obet" ikinukuwento ka ni Chinky palagi sa akin. "Ang nanay ko po" kinamayan ni Aling Lita si Farra at ngumiti naman ito. Aanyayahan sana ni Obet ang kaniyang ina na mag-usap sila sa labas ng bahay ngunit hindi pa man sila nakalabas ay nagyaya na ang ina ni Chinky na sa labas na lamang sila manatili kasama ang iba pang kasamahan. " Aba , opo, pwede po na doon na lamang tayo dahil nandoon po ang pagkain..pasensya na po kayo mam , maliit lang po kasi ang bahay namin.
Halos hindi mapakali sa kaiisip si Obet bakit magkamukha sila ni Frea . Tiningnan niya ulit ito hahabng kausap ang ina at sinasaluhan ng pagkain.
" Aling Lita , matagal na po ba kayong nanirahan dito?" tanong ni Farra. Napatulala si Aling Lita dahil sa katitig din sa kausap. Nagagandahan siya rito, maputi, mapungay ang mga mata, matangkad, mahinhing kumilos at kapag tinititigan ay mas lalong gumaganda. Sa palagay niya ay mga nasa tatlumpo pa lamang ang edad nito ngunit ang mukha ay parang 2 3 taong gulang pa lamang. " Ano kamo , Farra?" paulit na tanong nito. "Ang sabi ko po ay kung matagal na kayong nakatira dito."
"Ahhhh...." hindi pa man nakaumpisang sumagot ay biglang sumabad si Chinky " mama, " kumain na po kayo". " Tita, kain na po" sabi rin ni Obet. Natakot siya kung ano ang mapaguusapan ng kaniyang ina at ni Farra kaya't minabuti niyang ibahin ang usapan. hanggang sa dumating na ang oras ng pamamaalam.
" Pwede bang bumalik ulit dito s bahay ninyo Obet?" " O...opo.....opo tita " kailan po, ah ..ang ibig ko pong sabihin , kahit anong oras po na gustuhin ninyo, you're very welcome po.
BINABASA MO ANG
mahiwagang bahay ni Frea
Fantasynakilala ni obet ang mahiwagang babae na si Frea. ano ang lihim ng dalawa? Kakayanin kaya ni Obet ang pangako niya kay Frea?anong hiwaga mayroon sa bahay na ito? bawal kopyahin this is an original story from me..