panibagong problema ni Obet

607 19 1
                                    

"Chinky, kamusta ang klase mo? pambungad ni Obet nang magkita sila .

"Hay naku, eto medyo badtrip. akalain mo ba naman napagtripan ako ng guro namin habang binabasa ko ang akda. NAng ang linya ay " mahaba ang buhok ng babaeng nakita sa likod ng punongkahoy" biglang tumitig ang guro sa akin at tinanong ako kung ako ba ang aswang o diwata sa kwento at nang nagtawanan ang mga kaklase ko. sabi ng titser JOKE JOKE JOKE lang iyon Chinky" 

HAHAHAHAHA! napatawa na rin si Obet.

" Bakit? natuwa ka sa sinabi ng guro sa akin? ang sama mo Ha?- Chinky

Hindi! sorry.... natawa ako nang mai-magine ko ang itsura ng titser mo habang nakatitig sa iyo. siguro ay napanganga siya.hahahaha.- Obet

Teka, bakit wala sina Trina at Bret? 

May pinuntahan sila. O ano na, pumayag na ba ang mama mo na mamasyal kami sa inyo? may naikwento na ba siya tungko kay Tita Liwanay mo? May larawan ka ba niya?

"grabe naman eto kung makapagtanong,walang preno. 

Hindi ko nakausap ang mama nang dumating ako kagabi..kasi may pinuntahan siya sa kabilang bayan kasi may narinig daw siya na may nakikilala daw kay Tita Liwanay. 

May nakakilala? 

Oo, kaya nga dali-dali siyang pumunta doon.

Ano ba ang gustong malaman ng nanay mo sa kaniya.sana may larawan ka kasi baka matulungan ko ang nanay mo . baka may alam ang mga magulang ko.alam mo naman, matagal na rin silang naninirahan sa aming lugar.

Wala talaga eh. hayaan mo babalitaan kita pag makauwi na mamaya ang mama.

Nalungkot si Obet dahil sa wala na naman siyang dagdag na impormasyon. kailangan niyang mag-ingat sa pagkukuwento .naalala niya ang sinabi niya sa kaniyang magulang na paano kung ibang Liwanay ang hinahanap nila baka manganib na matuklasan ang kanilang lihim.

Obet, pwede bang pumunta rin ako sa bahay ninyo? 

Ha?

Bakit naman parang nagulat ka pa? kwento kasi ni Bret, nakapunta na raw sila sa inyo at nag-enjoy daw sila sa magandang pakikitungo ng pamilya mo at syempre sa mga pagkaing inihanda. pwede ko bang isama ang mama? baka kasi makatulong ang mama mo sa pagahanap kay tita. di ba sabi mo baka makatulong ang mga magulang mo?

Ha...ah eh.... sigurado ka? kailan?

Tatanungin ko muna si mama. naikwento din kita sa kaniya pati na rin si Bret at Trina at gusto niya kayong makilala.

magpapaalam din muna ako sa mga magulang ko,

tara na Chinky

habang naglalakad malalim na naman ang iniisip ni Obet .Pano naman ang paghahandang gagawin nila para hindi matuklasan ang lihim ng bahay nila? bakit kaya ineresado ang nanay niya na bisitahin sila sa bahay nila? 

Kinabukasan,nagkita ulit ang magkaibigan.

Obet, nagkausap na kami ng mama .halika doon tayo mag-usap .itinuro niya ang isang upuan sa ilalim ng punongkahoy.

Kinabahan si Obet, ano kaya ang matutuklasan niya sa araw na ito

mahiwagang bahay ni FreaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon