ibinahagi ni Obet sa kaniyang pamilya ang sinabi ni Chinky sa kanya.
Inay, itay, ate, ano po ba ang ating gagawin? Sasabihin ba natin ang totoo kay Chinky ? Handa na ba tayo na bumalik sa dati? Saan na tayo titira? -sunod sunod na tanong ni Obet sa pamilya. Mula nang lumipat sila sa bahay ni Frea ay iniwan na rin nila ang kapirasong lupa na pinatirhan sa kanila.
Anak, nararapat lang na ibalik natin sa kanila ang kung ano ang pagmamay-ari nila. Magpasalamat na lamang tayo at nakatikim tayo ng ginhawa at ang kita ng tatay mo sa palengke at ang kita ko sa paglalabada sa bayan ay naipon naman namin.Kung ano ang sobra sa inyong pambayad sa eskwelahan ay may natira pa. Malaking bagay na libre tayo ng pagkain at mga gamit na gusto nating hilingin sa bahay na ito. Siguro ay magmakaawa na lamang tayo sa pamilya nila na kahit isang buwan ay bigyan muna tayo ng sapat na panahon upang makapagpatayo ng bahay kubo kahit sa tabi lang ng bahay ni Frea.
Inay, papaano kung hindi pala si Frea ang Liwanay na hinahanap nila? Baka mabisto ang lihim ng bahay na ito.
ate, kakaibiganin ko siya at kilalaning mabuti nang sa ganoon ay makasiguro tayo.
Basta anak, kami ng nanay mo ay magpapayo sa iyo na maging tapat ka sa kapwa mo .Anuman ang nararapat , iyon ang gagawin mo. Huwag kang mamroblema sa bahay natin, kaya namin yan ng nanay mo na magpagawa ng kubo.. sanay tayo sa hirap at kung babalik man tayo sa nakasanayan natin , hindi naman siguro mahirap para sa atin lahat iyon di ba?
Tama po kayo itay. Hayaan ninyo maging tapat po ako lagi.
Nakatulog din ng mahimbing si Obet nang gabing iyon. nakapagdesisyon na siya na kung si Frea man ang hinahanap ng pamilya ni chinky ay ibabalik nila ang bahay nito.
kinabukasan sa paaralan ,pumunta si Obet sa kantina upang hanapin si Chinky ngunit nabigo siya.
Bryan, nandito ka lang pala!- tinapik siya ni Trina sa balikat.
Nagulat si Obet dahil hindi niya napansin ang magkaibigan na hinahanap siya.
SI Chinky ba ang hinahanap mo? Naku, ang aga aga pa Trina para magselos . Trina,,,,Trina, kalmahain mo ang sarili mo....... Bryan, bakit naman si Chinky, nandito pa naman ako.
sanay na si Obet sa ganitong biro ni Trina. kaya't ngiti na lamang ang iginanti nito sa kanila. palingon-lingon pa rin siya at nagbabakasakaling makita si Chinky.
Bret, nice talking to the wind ako. Hangin na ba ako? Bakit parang di ako nakita ni Bryan? Ewwwwwwww.... Hello.... Bryan , nandito ako. hmmmpppp.. - Trina
Tralala ka talaga Trina! Tumigil ka nga! sabay tapik nito sa balikat.
Halos mapasubsob si Trina sa pagtapik ni Bret.
Ayyyyyyyyyy ......ayyyyyy... langya ka Bret! Ang sakit ha? muntikan na ako doon ah? Gumanti rin ito at nilakasan ang pagtapik kay Bret.
Si Bret ngayon ang napasubsob. Hindi napigilan ni Obet ang tumawa at narinig niya na may nakitawa na rin. Nang nilingon niya si Chinky pala.
Iniwan niya ang dalawang kaibigan na naghahambalusan at lumapit ito kay Chinky.
Chinky, kamusta?
Okay naman.. Ah...may klase ka pa ba? pwede bang mag-aral muna tayo sa silid-aklatan?
Ha aba sige. Sandali lang ha, magpaalam muna ako sa mga kaibigan ko.
Trina, Bret, may pupuntahan muna kami ni Chinky. Magkita na lamang tayo sa susunod na asignatura.- pasigaw na bilin ni Obet sa mga kaibigan.
Nagpunta ang dalawa sa silid-aklatan at kunyari ay nag-aaral. pabulong silang nag-uusap.
Chinky, bakit ba hinahanap ng nanay mo si Liwanay may kailangan ba kayo sa kaniya?
abangan
BINABASA MO ANG
mahiwagang bahay ni Frea
Fantasynakilala ni obet ang mahiwagang babae na si Frea. ano ang lihim ng dalawa? Kakayanin kaya ni Obet ang pangako niya kay Frea?anong hiwaga mayroon sa bahay na ito? bawal kopyahin this is an original story from me..