pagkagulat

510 18 6
                                    

Abalang-abala sa paghahanda ang pamilya ni Obet dahil sa mga ilang oras na lang ay darating na ang inaasahang bisita nila.  

  Inay, kinakabahan po ako, excited na po akong makita ang mama ni chinky.

  Ako naman ay nagdadasal na sana ay maganda lang ang kalooban ng babaing iyon.

  "Bryan ........."  malayo pa'y maririnig na ang sigaw ni Trina.

    Narito na sila anak. kamusta ang tinolang manok luto na ba? 

   opo inay.

 pahangos na dumating sina Trina " hah! nakakapagod maglakad. Magandang umaga po inay , ay este tita pala." 

 Magandang umaga po bati ni Bret ang iba pang kaibigan.

 " tita , pwde po bang pa-kiss sa gwapong ninyong anak..hehhehe pa birthday greetings lang po."

  Ikaw talaga Trina, napaka-kalog mo.

  Saka naman ang paglabas ni Obet sa bahay na dala-dala ang mga nilutong ulam.

   sinalubong siya ng kanta na happy Birthday na pinangunahan ni Trina. 

  salamat, hindi ko pa naman birthday ah.

 "pa-kiss friend . lumapit si Trina at niyakap nang mahigpit ang kaibigan sabay halik sa pisngi nito.

 Lumapit din si chinky at binati si Obet. hinalikan din ito sa pisngi . napaismid si  Trina.

Hmmp... mas magaling iyong sa akin may kasama pang yakap no? bulong nito sa sarili.

Siniko siya ni Bret nang makita nito ang reaksyon ni Trina.

      sumunod na rin na nagkamayan ang mga kaklase habang binabati siya. sa tantiya ni obet mahigit sampu ang dumating  subalit wala ang kanyang inaasahan.

        Pagkatapos ay naupo na ang lahat habang patuloy na naghahanda ang pamilya ni Obet sa mga pagkain na ilalagay sa ibabaw ng mesa na nasa labas ng bahay. may mga mahahabang upuan din na yari sa kahoy at mga mesa. ang ibang kaklase ay nagpaalam na pupunta sa unahan dahil may nakita silang mga puno ng mga prutas.

 Chinky, ang mama mo? Bakit wala?

     a... sabi niya susunod na lamang siya. Binigyan na siya ni Trina nang deskripsyon ng lugar ninyo. hahaha nakakatawa nga eh. madali lang naman palang tuntunin ang bahay ninyo. sabi ni trina, sabihin lamang daw ang munting dampa sa ilalim ng malaking punong kahoy at iyon na ang sa inyo. nag-iisa lamang pala kayo na may ganitong bahay na nasa ilalim  ng malaking punong kahoy. kasya ba kayong lahat diyan sa loob? ang liit tingnan eh. pwde bang pumasok?

    Ha? sige halika? 

  hey,hey,, saan kayo pupunta?

  sa loob ng bahay Trina. sama ka?

  ah, sige kayo na lang.

 Ngunit bago pa sila papasok biglang may dumating.

" Chinky"

 ' mama?" obet narito na si mama.

  napalingon si Obet at napadilat ang kaniyang mga mata sa sobrang pagkagulat sa nakita.

Ano ang nakita ni Obet ? bakit siya nagulat? abangan.....

  

"

mahiwagang bahay ni FreaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon