part 11- Panibagong Lihim

1.6K 47 0
                                    

  Nasa ikaapat na taon na ng Hayskul si Obet at nagkaroon na rin siya ng maraming mga kaibigan. Isa sa mga malapit niyang kaibigan ay sina Trina at Bret.

   Bryan, pwede bang mamasyal naman tayo sa bahay niyo? - tanong ni Bret na ginamit pa ang totoong pangalan ni Obet.

  HA? pero baka pagtawanan ninyo ang bahay namin. maliit, isang dampa lamang. - Obet

 HAy naku friend, ano ka ba naman , madampa, malaki, walang laman o mayroon , may pagkain o wala, ang importante maka bonding tayo doon.- Trina

  "sama naman kami " pahabol naman ng iba pang klasmeyt

  Sa Sabado ha Bryan. punta kami sa inyo. ikaw na lang ata ang kaklase namin na hindi pa namin napasyalan. Marami bang punong-kahoy sa inyo? -  sabad pa ng isang kaklase.

Sa bandang huli, napahiinuhod na rin si Obet sa kanilang gusto.

    kung gaano kalayo na ang mga kaklase ni Obet , ganoon din kalayo ang kaniyang iniisip. Papaano makapasok ang kaniyang mga kaklase? Paano kapag natuklasan nila ang lihim ng bahay nila? Matagal siyang nag-isip .....

     Abalang-abala ang pamilya ni Obet sa paglalagay  ng salamin sa loob ng maliit na dinding.Dahil maliit ang totoong bahay kayat hindi nahirapan sa pagbili ng ilang salamin na magkakasya sa lahat ng dinding. Ipinasadya ni Obet ang saktong laki nito. Sa wakas napanatag na rin ang loob niya sakaling darating man ang kaniyang mga kaibigan.

   Sabado....dumating na nga ang mga kaibigan niya at ang ibang kasama nila ay palihim na natatawa sa itsura ng bahay nila. Nag-iisip tuloy ang iba na sa labas na lamang sila dahil parang hindi naman sila magkasya lahat sa loob.  Sina Trina at Bret lamang ang pumasok sa loob.

   "Naman  Bryan, hindi mo sinabi sa amin na maganda rin pala sa loob ah. puro salamin. mahilig ka bang manalamin?Hahahaha - Bret

   Teka, ano ba ang mayroon sa mga dinding?- papalapit na si Trina sa dinding upang silipin nang bigla siyang tinawag ni Obet.

    "Halina kayo dito, Tulungan na lang natin si inay na maghanda ng mga pagkain. Mabuti at may bunga na ang aming mga prutas sa hardin. tsaka kawawa rin ang ilang alaga ko na manok .Kinatay lahat . Dalhin na lamang natin sa labas dahil mas gusto doon ng kaklase natin sa ilalim ng puno."  nakahinga ng maluwag si Obet nang makitang lumayo na si Trina at papalapit na ang dalawa sa kanila..

     Naku, friend , ang daming pagkain. talaga bang sa mga alaga niyo lahat ito? tsaka parang ang sarap  sarap.  Aling Lita ang galing niyong magluto ah. Hindi ko pa natikman pero nalasahan ko na ang sarap.  - pasigaw na sabi ni Trina sa naghahandang ina

 Masayang nairaos ni obet ang araw na iyon. Pagkaalis ng mga kaklase ay kinuha na nila ang mga salamin .Naranasan nila ulit ang magkaroon ng masaganang buhay sa loob ng bahay. 

  Balik eskwela ulit ang mga magkaklase .

    Bryan, ang guwapo mo talaga, bakit naman hindi ka pa nag ka girlfriend? Siguro kung liligawan mo ako sasagutin kita. Joke …..biro lang….excuse me..” –Trina

   Ano ka ba  Trina, masyado kang flirt.!O di ba, kasasabi lang ni Bryan na mas uunahin niya pa ang pag-aaral niya kaysa love love na iyan”- Bret

  O sige, sige. Pero ito ang tandaan mo Obet, my Bryan, hindi ako susuko sa iyo! Nandidilat ang matang sinabi ni Trina

Nagtawanan ang tatlo.

Recess….

    Bret, kilala mob a ang babaing iyon sa may likuran na mesa?- Obet

   HA? Bakit pare, nagkagusto ka na sa isang babe?- Bret

  Ano? Ano? Hoy sinong bruha iyan ha at  susugurin ko?-  Trina

  Matagal ko na kasing  nakikita ang babaing iyan na  nag-iisa kapag pumupunta rito sa kantina? Tsaka parang pasulyap-sulyap sa akin. - Obet

 Gusto mo bang lapitan natin pare at makipagkilala? _Bret

  Ano? Aba? selos na selos na ako niyan ha?-nagmamaktol na sinabi ni Trina.

Ikaw talaga Trina ang ingay mo ! Masyadong kang OA. Samahan mo na nga kami.- Bret

 Nang papalapit na sila sa dulong mesa  saka naman tumayo ang babae at umalis.

 " Sayang pare , nahuli tayo."- Bret

 HAy, salamat. Bakit kasi naghahanap pa ng iba eh nandito naman ako . Hi, Bryan, ako si Trina, maganda, sexy, mabait matalino rin at patay na patay sa iyo! Hello, heloo!  Hoy Bryan bakit ka ba natulala diyan, pansinin mo naman ako." 

 Trina pwede ba, puro ka biro. pinagtitinginan tayo ng mga tao. akalain nila totoo yang drama mo. Pigil ni Obet habang hinawakan ang pisngi ni Trina at inilapit ang mukha nito.

 NAkapikit si Trina na ninamnam ang kilig habang hinahawakan ni Obet ang pisngi nito. 

 Tinapik siya ni Bret. "Hoy, ilusyunada, halika na. Time na.

 Kinagabihan naalala ni Obet ang babae sa kanitina. Hindi gaanong maganda ang babae sa malayo ngunit kapag lalo niya itong tinititigan lalo itong gumaganda. Hindi niya maintindihan kung bakit naalala niya parati ang mukha ng babae.parang pamilyar sa kaniya.

 Recess....

    NAgmamadaling pumunta ng kantina si Obet habang hinahabol siya ng mga kaibigan niyang si Trina at Bret.  Wala ka na talagang pag-asa kay Bryan  Trina.." Ako lang ba? Hoy? Bret, kundi ko pa alam , Beki ka rin at may gusto ka rin kay Bryan ano?

Psst.... Trina huwag kang maingay, baka marinig ka ni Bryan. Sikreto nating dalawa yan. Papaano yan, eh ni isa sa atin wala , talo sa babaing iyon. ininguso ni Bret ang direksyon ng babae na lalapitan na ni Obet. Nakatingin na lamang ang dalawa na halos mangiyak-ngiyak.

 Ano kaya ang pinag-uusapan na ng dalawa..huhuhuuhu...broken hearted agad tayo.-- Trina

Tumahimik ka nga. hintayin na lamang natin si Bryan saka natin tanungin kung ano ang pinag-uusapan nila. 

  

mahiwagang bahay ni FreaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon