Inay, kailangan natin ulit na maghanda dahil pupunta rito ang mga kaibigan ko pati na ang mama ni Chinky.kailangan ulit nating maglagay ng salamin sa mga dinding.
Obet, bakit hindi na lang natin hayaang makita nila ang anumang dapat nilang makita sa loob? Minsan naisip ko, para rin natin silang niloloko.iba ang sa labas , iba naman ang nasa loob.
Pero inay, magiging kumplikado ho ang lahat. ayaw ko pong maging magulo ang buhay natin kapag may magka interest po sa bahay ni Frea.
Pero hanggang kailan tayo maging ganito? para tayong takot sa mga taong gustong bumisita sa atin. kapag may mga kamag-anak tayo na bumisita sa bahay , nasa labas lang tayo , sa ilalim ng malaking kahoy . pati marahil sila ay nagtataka na kung bakit hindi sila pinapasok sa bahay . O Baka nagtatampo sila sa atin . kahit gaano pa kaliit at kapangit ang bahay natin bilang dahilan natin sa kanila , pero hindi sapat na dahilan iyon upang maging madamot tayo sa pagtanggap sa kanila sa bahay. Anak, iwanan na natin ang bahay na ito. bumukod na tayo. magpatayo na tayo kahit barong barong lamang sa ibang lupain. Nagpapasalamat kami ng mga kapatid mo dahil natamasa namin ang masaganang buhay sa loob ng bahay . Okay na iyon anak... sanay na tayo sa hirap kaya't madali nating matanggap ang bagay na nakasanayan na natin.
matagal na nag-isip si Obet, tinititigan lamang ang ina habang patuloy itong nakikiusap sa kaniya. nadama niya ang sensiridad sa mga salitang binitiwan .
Inay, alam ko po ang gusto niyong mangyari...pero sana po ay pahalagahan po natin ang ipinamana ni Frea sa atin. hayaan po ninyo pag totoong sina Chinky ay kamag-anak ni Frea at ito ang habol nila, maluwag po sa loob ko na ibibigay ko po sa kanila.
gusto ko na ring makilala ang mama ni chinky .baka sakaling totoo nga na kapatid nya si Frea at gusto niya ang bahay na ito , kailangang maipasa na natin sa kanila nang sa ganoon ay matahimik na rin tayo. patawarin mo ako anak sa mga sinabi ko , ang inaalala ko lamang ay kayo.
Niyakap ni Obet ang ina at pinayapa ang loob.
Naghahanda na rin sila sa paglalagay ulit ng mga salamin.
BINABASA MO ANG
mahiwagang bahay ni Frea
Fantasinakilala ni obet ang mahiwagang babae na si Frea. ano ang lihim ng dalawa? Kakayanin kaya ni Obet ang pangako niya kay Frea?anong hiwaga mayroon sa bahay na ito? bawal kopyahin this is an original story from me..