Ano ba ang kailangan ng nanay mo kay Liwanay?Bakit niya hinahanap ito?
"Masyado ka namang interesado Bryan. "
"Obet na lang ang itawag mo sa akin, mas komportable akong tawaging Obet."
" Ano ba ang itsura ni Liwanay?Ano ba ang tunay niyang pangalan?
"Ano ka ba, di ko pa nga nasagot ang una mong tanong dami mo nang kasunod na tanong."hehehe nakakaaliw ka talaga.
"Ano bang nakakatawa doon? interesado akong malaman ang kwento nilang magkapatid .Malay mo baka pwede kong magawan ng kwento."
O sige, ganito iyan. ang nanay ko ay anak ng tatay ni tita Liwanay sa labas.. Hindi raw sila gaanong magkakilala ni Tita Liwanay dahil minsan lang sila nagkita . aksidente daw na nagkita sila noong 15 years old si mama at si Tita Liwanay . Ewan ko ba , hindi ko rin maintindihan iyong kuwento nila. pati ako nalito parang hindi makatotohanan ang kwento ni mama . "
"Ano ba ang itsura ng tita mo?maganda ba? pangit ba?"
"ano ka ba? hindi ko naitanong kasi maganda ang nanay ko, natural maganda rin si tita. " teka mayroon bang ganoon, maganda tapos pangit? tatanungin ko si mama mamaya.
"bakit niya raw hinahanap ang tita mo?"
"Hindi naman sinabi pero parang may gusto siyang alamin na katotohanan. uh uh.....huwag ka nang magtanong diyan .uunahan na kita.hindi ko rin alam kong anong katotohanan iyon..
Sa totoo lang Obet parang pati ako ay curious sa gustong malaman ng mama ko. Baka gusto niyang malaman kung totoo bang magkapatid nga sila sa ama."
"Baka bukas i-update mo ako tungkol sa tita mo Chinky.magtanong ka sa mama mo tungkol sa background ng tita mo at alamin mo bakit gusto niyang makita ito."
Huwag mong sabihin na ako ang nag-utos sa iyo ha?
Maiba naman ako, pwede bang pumunta sa bahay ninyo sa sunod na mga araw?
HA? Bakit naman? Aakyat ka ng ligaw?
" HA?" nagulat rin na sagot ni Obet . Hindi niya akalain na ang babaing ito na dati ay akala niya ay mahinhin at tahimik ay palabiro , palatawa at prangka pala."
"Bakit, hindi ba pwede?"
" Hihihihi....nakakatawa ka naman. akala mo totoo ang tanong ko? binibiro lang kita. pero kung gusto mong totohanin e di pwede...."
"HA?" nagulat ulit si Obet sa sagot ng dalaga at napanganga ito.
"Hoy, ano ka ba? magseryoso nga tayo." Bakit ba gusto mong pumunta sa bahay?
AHEEMMM ....AHEEMMM"
sabay napalingon ang dalawa. Nasa likod na pala nila sina Bret at Trina.
"Anong narinig ko? dadalaw ka sa bahay ni Chinky? " Excuse me ha, Chinky, pero si Byran ay akin.akin lamang. I deserve an explanation Bryan, is it true na .....oh, my Gosh, it hurts!!!."sabay himas sa dibdib na animoy hindi makahinga.
"Hahahahaa" ikaw talaga Trina. syempre pupunta tayo doon na magkakaibigan,tayong lahat."
"Ha? kayong lahat?"
"Ah, pare, kamusta naman ang pag-uusap ninyong dalawa, malayo na ba ang narating ninyo? tanong ni Bret na pinalakihan ang boses upang hindi rin mahalatang siya'y nagselos..
"Anong malayo" " Malayo na sana kaya lang dumating kayo!"- Obet
'O ano na Chinky, payag ka na na bumisita kami sa inyo .kaming magkabarkada."
"Tatawagin natin ang ating samahan na BBCT" mungkahi ni Bret.
Mula sa pangalan kong Bret, kay Bryan, chinky at Trina"
bakit ba mga pangalan ng barkada yang sinisingit mo ? tutol ni Trina "Teka, mas maganda ang CTBB. ' mungkahi nito.
Kayo talagang dalawa, ang lalabo niniyo! O, ano na Chinky, payag ka ba?
"sandali lang, tatanungin ko muna kay mama kung pwede"
"Tara na malapit na ang time"
Umalis na ang grupo . Si Trina naman ay nakakapit na kay Bryan. parang ayaw pakawalan.
Si Chinky naman ay nakatingin lang sa kanila. Nakangiti at parang may iniisip..
BINABASA MO ANG
mahiwagang bahay ni Frea
Fantasynakilala ni obet ang mahiwagang babae na si Frea. ano ang lihim ng dalawa? Kakayanin kaya ni Obet ang pangako niya kay Frea?anong hiwaga mayroon sa bahay na ito? bawal kopyahin this is an original story from me..