Ang bagong kakilala ni Obet

1.3K 40 6
                                    

  Matapos ang ilang sandali ay lumapit sina Obet at ang babaing kausap niya.

 "Bret , Trina , si Chinky, nasa ikaapat na taon na rin siya , seksyon Gumamela." pakilala ni Obet sa dalawa.

"Hello , kumusta"  pakilala ni Chinky , sabay abot ng kamay nya kay Trina.

"Hi" sinadyang hinigpitan ni Trina ang pagkakahawak ng kamay niya. parang nayayamot ito.

"Hi Chinky, welcome to our group"  sabad naman ni Bret.

hindi nagtagal ay nagpaalam na si Chinky at naiwan ang tatlo .

" Hoy! Natulala?Hay naku , talagang basted na ako sa iyo Bryan. Talaga bang mas gusto mo ang babaing iyon kaysa sa akin? nagmamaktol na sabi ni Trina

Trina, bakit ka ba nagseselos, mahal na mahal kita- Obet

Talaga? Teka Bret, hawakan mo ako at baka himatayin ako. -Trina

Lumapit si Obet sa kaniya at ngumiti. "Bakit di mo ba alam iyan? Matagal na kitang mahal bilang malapit na kaibigan.  - Obet

Malapit na kaibigan? at hinimatay na nga si Trina

Nataranta si Obet at tumakbo ito sa klinika.

"Pak! " Hampas ni Bret kay Trina ng pamaypay. " Hoy, charot, bumangon ka nga! OA ka talaga. Bangon! sabay hatak paitaas kay Trina.

Bilisan mo baka dumating na si Bryan na may kasamang nurse, lagot ka- Bret

Huhuhuhu, langyang lalaking iyon, bestfriend, ayoko ng bestfriend lang.gusto ko GIRLFRIEND!- Trina

Ilang ulit ko nang sinabi sa iyo girl na la na tayong pag-asa diyan sa babaing iyan kaya't tanggapin na lamang natin no? - Bret

"Ayoko, ayoko ayo....."inayos ang buhok at biglang naging pormal nang papalapit na si Obet at ang Nars. -

"Trina, kamusta na. Okay ka na?" _Obet

Nalipasan ka ba ng gutom iha? gusto mo bang dalhin ka sa clinic upang makapagpahinga?_Nars

" Okay na po ako, salamat po mam -Trina

Maya-maya ay tumunog na ang bell para sa susunod na klase.

Sa bahay....

Inay, may nakilala po akong babae sa eskwelahan.parang pamilyar sa akin ang mukha.pangako po inay , kahit maging nobya ko pa siya , hindi ko pababayaan ang aking pag-aaral.-Obet

"Anak, kilalanin mo muna nang maige ang mga bago mong kakilala. Huwag masyadong magtiwala ha? paalala ng ina

Gusto ko pong magimagine na nasa isang malaking hotel tayo inay. Maraming pagkain ulit.

At nangyari ang iniisip ni Obet. parating ganito ang kaniyang ginagawa kapag nasa loob ng bahay. 

Parating ganito ang ginagawa nila araw-araw..walang katapusang kasaganaan sa loob ngunit ang hindi lamang nila magagawa ay ang mailabas sa labas ng bahay ang anumang iniisip nila na nagkatotoo sa loob.

Sa eskwelahan

Bret, Trina, sandali lang muna ha? Pupuntahan ko muna si Chinky sa kantina, may usapan kami ngayon eh.-" at bigla na lang itong tumakbo papalayo

" Kita mo na , besh, iniwan na tayo, talagang wala na...balewala na tayo sa kaniya. _ Trina

"OO nga."- Bret

Chinky, pwede bang doon tayo sa bench mag-usap?maganda kasi ang tanawin sa harap, maaliwalas na hangin , magagandang bulaklak at may malinis na fishpond. _ Obet

Naupo sila sa may harap ng fishpond at nag-umpisa nang mag-uusisa si Obet

Parang pamilyar sa akin ang mukha mo Chinky, pwede bang malaman kung saan ka nakatira? sana huwag mong sasamain. -Obet

Taga Baranggay Liwanay  ako. Ikaw,

Ganoon ba? taga Liwanay din ako. Saan banda? sa bayan ?

Oo sa bayan.Ikaw?

Ah....medyo malayo , sa may bukirin. 

Ah ganoon ba. sana balang -araw makapamasyal ako sa inyo. Na mimiss ko na rin ang pumunta sa bukirin.

HA? 

Bakit?

Ah,,,wala. balang araw. matagal na ba kayong taga Liwanay?

Bago pa lamang kaming lumipat. May hinahanap kasi ang aking inay sa lugar na iyon. Hinahanap niya ang kaniyang kapatid na babae.

Ano ba ang pangalan? 

Liwanay din. Sabi ng nanay ko kaya daw ipinangalan si Tita Liwanay na Liwanay dahil sa lugar na iyon.

Namutla si Obet sa narinig.Isa lang ang kilala niyang Liwanay, ang kaibigang niyang nagmamay-ari sa mahiwagang bahay? Si Liwanay ba at ang babaing hinahanap ni Chinky ay iisa? papaano niya sasabihin ito? kaya niya bang isakripisyo ang maginhawang buhay na naranasan nila sakaling babawiin ito ng nanay ni Chinky ang bahay? Si liwanay ay si Frea. Liwanay ang pangalan niya sa labas ng bahay ngunit kapag nasa loob Frea ang pangalang nakilala ni Obet sa kaniya.

mahiwagang bahay ni FreaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon