Ate, nakatatakot ba ang bahay na iyan? Maraming nagsasabing may aswang daw dyan" . " Naniwala ka naman .? Naku , Obet huwag ka ngang magpaniwala, tayo na at bumalik na tayo sa bahay, naghihintay na ang inay at itay" Nagdumaling umalis ang magkapatid sa lugar na iyon.
Ang bahay na tinutukoy nila ay isang lumang bahay na tinitirhan ng isang matandang dalaga, luma na nga ang bahay na ito at minsan lang nilang nakikita si Frea , ang matandang dalaga na naglalagi sa bahay na iyon.
hindi nakatulog si obet nang gabing iyon. malalim ang iniisip at animo'y naglalaro sa kaniyang diwa ang isang balak...
" Tao po, tao po" kumatok nang kumatok si Obet sa bahay na sinasabi niyang katatakutan.Ngunit walang sumagot.sinilip ang maikling siwang ng bubong at nang walang makita ay nilibot ang likod-bahay. bumalik ulit at kumatok, ngunit wala pa ring nakitang tao kayat nagdesisyon na itong pumasok. Namangha siya sa nakita. di akalaing napakaganda sa loob at puno ng mga magagandang palamuti...naitanong niya kung bakit kinatatakutan ang bahay na ito ng mga tao . habang tinitingnan ang buong sala , napako ang kaniyang paniningin sa isang kahong malaginto. nang akma niya na itong hawakan, narinig niya ang isang tinig " bata, paano ka nakapasok sa aking bahay?" nagulat si Obet at humingi ito ng paumanhin. " Patawarin nyo po ako, gusto ko lamang pong malaman kung anong mayroon sa loob ng bahay ninyo upang sabihin sa mga tao na hindi po ito dapat katatakutan at gusto ko pong makilala kayo, sorry po talaga"
Halika, may ipapakita ako sa iyo, pumunta sila sa isang silid at ipinakita ni Frea ang isang malaking larawan." ito ang aking mga magulang, patay na sila, matagal na kaya't nag-iisa na lamang ako sa bahay na ito. Hindi ka ba natatakot sa akin? " bakit naman po? ang ganda-ganda ninyo at ang bait pa? tingnan mo sa salamin ang lahat ng ito? "Aaahhhhhh,ahhhhh" sigaw ng bata" Nanginginig na hindi ito nakagalaw. " Lahat ng nakikita mo ay isang ilusyon.. sa bahay ko pwede kang mangarap ng maganda ,makakita ng maganda ngunit pag nasa labas ako ng bahay, ganito kapangit ang itsura ko, para akong isang bruha kaya't natatakot sila.ang tingin nila sa bahay ko ay parang haunted house.
hindi lahat ay pwedeng makapasok sa aking bahay, kaya't maswerte ka dahil nakapasok ka. ibig sabihin maganda ang iyong kalooban. bilang bagong kaibigan, nais ko ilihim mo ang iyong natuklasan. maging sa iyong pamilya o malapit na kaibigan. " " Opo "
"saan ka ba galing Obet? hanap kami ng hanap sa iyo, nag-aalala na sina inay at itay" ang pagalit na sabi ni Jean. " Sa bundok po ate, naghahanap po ako ng kahoy na panggatong, ito nga po oh, marami akong dala , halos mapuno ang aking sako." " Naku, Obet, sa susunod huwag masyadong magtagal sa bundok ha? " Opo ate.
Nangarap si Obet na makatikim ng ginhawa ang kaniyang ate at mga magulang, gusto na niyang sabihin at dalhin sila sa bahay ni frea upang makaranas masasarap at magagandang bagay kahit sa imahinasyon lamang subalit nanatili siyang tapat sa kaniyang pangako na walang makakaalam.
makalipas ang isang linggo, bumalik ulit si Obet sa bahay ni Frea. habang papalapit siya sa bahay, narinig niya ang isang sigaw na nanggaling sa likod ng puno malapit sa bahay. Nagkubli siya at nakita niya ang isang pangit na babae na animo'y bruha . akma na itong susuntukin ng dalawang lalaki. sumutsut ang bata at tinirador and isang lalaki, sapul ito sa noo at ganoon din ang isa pa. hinanap siya ng dalawang lalaki at mabuti na lamang at nakatakbo ito at pumasok sa bahay ni Frea. Sa loob ng bahay, nakita niya si Frea sa loob, nagpasalamat ito sa kaniya sa pagligtas sa dalawang lalaking napadako sa gubat. Naalala ni obet na nag-iiba pala ang mukha ni Frea kapag sa labas ito. Bilang ganti, tinanong ni Frea kung may hiling ba si Obet na gusto niyang matupad. At sinabi nga niya kay Frea ang hiling na makapasok ang mga magulang niya sa bahay niya upang makatikim ng ginhawa at kagandahan ng bagay. Pumayag si Frea at nakasama niya ang pamilya ni Obet na takang-taka dahil sa loob ng bahay ni Frea ay wala silang problema sa pagkain, gamit at iba pa. Sa loob ng isang araw nakasama nila si Frea .
Lumipas ang ilang taon, lumaki na si Obet. patuloy pa rin niyang dinadalaw si frea isang beses sa isang linggo. Ngunit isang araw, nadatnan niya itong nanghihina na dahil sa katandaan. Ibinilin niya kay Obet ang bahay at ibinigay ang kahong ginto na mahiwaga. ayon kay Frea. hanggat nasa kanya ang kahon, ang tingin ng iba sa bahay nila ay katatakutan at luma. binuksan ni Obet ang kahon at namangha siya sa nakita.. isang maliit na papel ang lang nandoon at may nakasulat na mag-isip ng maganda/positibo/mangarap ng maganda at magkamit ng ginhawa kapag nagtataglay ka ng kabutihan sa puso.. manatiling nakasara ang pintuan ng kaligayahan at kaginhawaan kapag ang kalooban ay hindi dakila.
Mula nang mawala si Frea, naging maginhawa na ang buhay ng pamilya ni Obet ngunit sila lamang ang nakakaalam. sa mata ng iba sila ay mahirap pa rin.
BINABASA MO ANG
mahiwagang bahay ni Frea
Fantasynakilala ni obet ang mahiwagang babae na si Frea. ano ang lihim ng dalawa? Kakayanin kaya ni Obet ang pangako niya kay Frea?anong hiwaga mayroon sa bahay na ito? bawal kopyahin this is an original story from me..