25 - Bye.

64 2 8
                                    

Sehun's POV

Nandito kami sa mall. Sinasamahan ko si Luhan dito sa Toby's, balak niya daw bumili ng bola na pang-basketball.

"Ano bang magandang tatak?" tanong niya sakin habang tuloy paring naniningin ng bola.

Flashback...

Nasa Toby's kami ni Chanyeol.

Naniningin ako ng mga sapatos samantalang siya ay nasa may basketball section.

"Sehun!" tawag niya sakin kaya agad naman akong lumapit sakanya.

"Dito ka lang samahan mo ko." cheesy man pero pinabayaan ko na, baka sabihin niya ang laking malisya sakin nung sinabi niya.

Tiningnan ko lang siya maningin, hawakan yung mga bola, idribble, at akmang ishoshoot. Kaylangan ba ganun kapag bibili ng basketball?

"Eto. Spalding nalang, tama lang yung bigat." sabi niya sakin, nakangiting nakangiti siya habang binabayaran yun.

End of flashback...

-

"Sehun!" tinapat niya yung bola sa mukha ko kaya natauhan na ko.

"H-ha?" tanong ko sakanya.

" Ano kamo ang magandang tatak?" tanong niya sakin.

"E-ewan. Ano bang malay ko dyan." dahilan ko.

Pagkatapos nun nakapili narin siya. Molten.

"Alam mo Sehun, gutom lang yan. Tara nga dun at magbubble tea nalang tayo." sumunod nalang ako sakanya, bubble tea daw eh.

Pagkatapos namin kumain, hindi ko alam kung saan balak ni Luhan pumunta, hinahayaan ko lang kasi wala pa kong balak umuwi. Wala naman ako magagawa dun eh, saka siguradong hindi mo rin makakausap yung mga tao dun.

"Pagod ka na maglakad ano?" tanong ni Luhan at lumingon sakin.

Hindi ako sumagot, seryoso lang siyang nakatingin sakin.

"Ano ba kasing nangyayari satin?" tanong ko, ano nga ba ang nagyayare samin? Saming magkakaibigan. Parang dati lang ang saya-saya naming lahat, yung tipong kahit may problema tinatawanan nalang namin. Parang tanga lang diba? Ang hirap pala nun, kahit gusto kong magalit hindi ko magawa. Dafuq, nahihirapan na ko.

"Wag kang mag-alala, pagsubok lang to. There are reasons." sabi niya sakin.

-

Alexis' POV

Nandito lang ako sa bahay nagchichill. Dito lang ako sa bahay ngayong sembreak kase wala naman kaming plano nina Mj na maggagala kami.

KUYA GURANG Calling...

I laughed, ano naman kaya ang kailangan ni kuya Xiumin?

'Hello!'

Sagot ko ng medyo natatawa-tawa pa.

'Tinatawa tawa mo? Maghanda ka na, I'll be there in 5 minutes.' sabi niya.

Hahahaha! Sorry, pasaway ang dongsaeng mo, oppa. ^____^

Lahat na ginawa ko, maliban sa maghanda. Hahaahaha!

Kumakain lang ako habang nagiipad with matching taas ng paa sa head board ng kama ko. Hahaahha, I told you I was chillin'

*ding dong*

Nakangiti akong nakakaloko habang pababa ng hagdan. Sigurado namang binuksan na ni yaya yung pinto.

Our StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon