Chapter 28 -

57 1 7
                                    

Chanyeol's POV

Nagkaklase kami ngayon at marami samin ang natutulog. At dahil nga wala akong kaclose dito dahil sadya ata akong ibinukod sakanila ay wala akong makausap maliban nalang sa mga babaeng pilit akong dinadaldal kahit alam nilang hindi ako interesado.

Nagquiz kami, great. Ang dami na agad pinagagawa samin kahit katatapos lang ng sembreak. =___=

*tok tok*

Lahat kami napalingon sa may pintuan.

Si Baekhyun.

"Park, you're excused." sabi ni ma'am at nagsimula na ulit magsulat sa board.

Tumayo ako at lumapit kay Baekhyun, ano naman kaya ang kaylangan neto at kailangan pa akong iexcuse.

"Mukhang importante ah." sabi ko pagkalapit ko sakanya.

"Tara sa room!" sabi niya at hinigit na ko papunta sa room nilang lahat.

Pagdating ko dun nag-iiyakan sila. I saw Mj crying.

Biglang sumikip yung dibdib ko, aaminin ko mahal ko parin si MJ kaya lang hindi ko alam kung kailangan ko pang maramdaman yun. Lagi ko nalang siyang nasasaktan, lagi ko nalang siyang iniiwan lagi ko nalang siyang pinagmumukhang tanga dahil sa mga kagagawan ko.

At ngayon nakikita ko siyang umiiyak na naman, but thanks God tears of joy ngayon ang nilalabas niya.

"Nag-alala kaya kami sayo!" sigaw ni Alexis kay Belle.

Napatungo naman si Belle.

"Sorry..." mahinang sabi niya.

"Aish!" hindi natiis ni Alexis at niyakap niya si Belle.

"Tss, sorry din. Basta wag mo ng uulitin yun ha!" sabi ni Alexis habang nakayakap parin kay Belle.

"Pasali naman kami!!" sabi nina Mj at Julia.

Nagyakapan sila, pati sina Kris kasama. Kami lang dalawa ni Baekhyun ang hindi.

Biglang lumingon samin si Belle. She smiled at us.

"Hindi ba kayo sasama?" tanong samin ni Belle.

Ngumiti ako at lumakad palapit sakanila.

Miss ko na to... Yung group hug na lagi naming ginagawa pag masaya kami, pag may ginagawa kaming kabaliwan, kapag kinocomfort namin ang isa't isa. Yung group hug na matagal naming hindi nagawa ay nagawa na ulit namin.

"I'll forgive today, and sana someday... I forget naman." sabi ni Belle.

She looked at me then I mouthed 'Thankyou' at binigyan naman niya ko ng thumbs up.

-

Mary Justine's POV

Nagsasaya kami ngayon sa dorm namin, nandito lang kami sa bakuran at kumakain ng pritong tokwa, kwek-kwek, isaw, fishball, squidballs at kung ano-ano pang streetfoods.

Whoooo!!

Kasama namin yung pinsan ni Belle na si Kacy, mabait siya at sobrang sabog. Bigla nalang yung babanat ng knock-knock jokes, biglang kukunin yung kamay mo at huhulaan ka daw niya. Wirdo ang isang to, tsk tsk. Buti hindi masyadong namana ni Belle.

"Kuha lang akong yelo sa loob." sabi ni Julia at pumasok sa loob ng dorm.

Wala na kasing yelo yung softdrinks namin.

Hindi namin kasama yung mga lalaki kasi pumunta parents nila sakanila ngayon, sabay-sabay daw parents nila dadalaw ngayon kaya kailangan nila maghanda ng pagkain.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 14, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Our StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon