Chapter 27 - Pambawi

27 1 11
                                    

Julia's POV

Gumagawa ako ng Individual Work ko, sa totoo lang labas na talaga kami kaso tambak yung mga naiwan kong gawain bago mag sembreak. Si Kai nalang ang natirang naghihintay sakin. Sweet. 😂

Sulat lang ako ng sulat dahil kanina pa ako nagpareserve sa kaklase ko na kokopyahin ko yung gawa niya.

"Brad, ano tutulungan na ba kita dyan?" tanong sakin ni Kai.

"Nako naman brad, kanina ko pa hinihintay yang tanong na yan. " pagkasabi ko nun agad niyang kinuha yung ballpen niya sa bulsa ng kanyang polo at kinuha yung isa ko pang libro at isang sheet ng pad paper.

Hindi ko naman kasi akalain na ganito pala karami yung naiwanan kong Individual Work saka seatworks, naexcite ata ako sa sembreak. 😑

"Di ka kasi marunong magtanong." sumbat niya sakin kaya napangisi nalang ako habang mabilis parin na nagsusulat.

"Learn your lesson, brad. Wag ka mag-iiwan ng gawain. Para kang nagpahinga ng mahabang panahon dahil sasabak ka sa matinding trahedya. Walang kwenta sembreak kapag ganito." ayan na naman siya, sermon na naman ang aabutin ko dito. sigh

"Opo pastor-- este brad." sabi ko at lumingon saglit.

"Dalian mo na kakain pa tayo." sabi niya sakin kaya hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa na bilisan lalo ang pagsusulat ko.

-

Nandito kami sa KFC para kumain ng hapunan.

"Nga pala, wag mong kakalimutan yung assignment natin ha. No assignment no entry." sabi niya sakin kaya tumango nalang ako dahil puno pa yung bibig ko ng pagkain.

"Wow brad, grade conscious ka ata ngayon." pang-aasar ko sakanya.

"Lagi naman ah." sabi niya pero evident na sa ngiti niya na sumasang-ayon siya sa sinabi ko.

"Pero ayos yan dahil ewan ko nalang kung anong mangyayari sayo sa hinaharap." sabi ko sakanya.

"I know, kaya nga nagiging good influence ako sayo eh. Masyado kang tamad." lumaki naman yung mata ko sa sinabi niya. Wow ha.

"Nagsalita ang hindi, sana lang mapanindigan mo yang pagiging grade conscious mo brad dahil para rin yan sayo." sabi ko sakanya.

Ngumiti siya sakin. Err Gwapo.

"Para satin kamo..." bulong niya pero rinig na rinig ko naman. =___= Kinikilig ako mga preee.

-

Alexis' POV

Nandito kami sa labas ng dorm namin kasama si Chen at kuya Xiumin. Sila ang naghatid sakin dito, oh diba para akong may dalawang gwardya na binabantayan ako. 😂

Nag-away pa nga sila kanina kung sino ang maghahatid saakin eh, dapat kasi talaga si Chen dahil nagpaalam na siya nung umaga palang kaso biglang dumating ang aking dakilang kuya at sinabing siya daw ang maghahatid saakin. Edi ayon nagtalo sila pero dito din humantong, silang parehas ang naghatid sakin at buong byahe naman nagtatalo lang sila.

"Oh ano, may kailangan pa ba kayo dahil aakyat na ako." bored na sabi ko sakanila.

Nagtinginan lang sila.

"Okay, kayo ata ang may kailangan sa isa't isa." humakbang na ko paalis.

"May gusto sana ako sabihin." sabi ni Chen.

Our StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon