Chapter 19-Super FAST FORWARD~~!

61 3 2
                                    

Annyeong!

***

First day of school...

"Nag-away din kayo?" tanong ni Julia.

"Oo nga! Kainis tapos hindi na niya ko kinausap mula nun." sabi ni Mj.

"Ano bang nangyari?" tanong ni Belle.

"Naglalaro akong music hero, tapos dumalaw siya sa bahay. Hindi ko naintindihan yung sinasabi niya dahil naglalaro nga ako. Ayun nagtampo" sabi ni Mj sabay pout.

"Buti pa ko walang kaaway~" sabi ni Belle.

"Ayun si Alexis oh!" sabi ni Julia.

"Hey! Alexis~! Tayo na ang walang kaaway." sabi ni Belle. PROUD!

"Nakakainis nga! Si Chen nakakairita!!" mula poker face naging monster. Wew! Problema neto?

"OP ka pala eh!" sabi ni Mj sakanya.

"At least ako walang kaaway." sabi ni Belle with hand gestures.

"Look~" sabi ni Julia.

Nagkabati na si Julia at Kai kasi super babaw lang naman yung pinag-awayan nila. Si Belle naman, akala niya wala, pero meron. Si Baekhyun nagtampo kay Belle. Si Chanyeol tampo din kay Mj. Si Alexis, GALIT! Kasi pinapunta siya tapos wala naman pala sakanyang time. SWERTE NI JULIA!!!

Nagsidatingan na. Nakakalungkot dahil nagtransfer sa ibang school si Chen. Hayy!

"Eh??!! Lumipat si ka-Chen?" panlalaking tanong ni Belle. Si Baekhyun nananahimik lang dun.

"Oo, sa Black Pearl Academy, dapat daw sasabihin niya kay Alexis kaso galit pa daw." sabi ni Chanyeol hindi nakikipag eye contact kay Mj. Aww! Wawa aman Mj.

"Sus! Wala nga siyang oras eh!" BITTER si Alexis!

***

"Oi Baekhyun! Anong section mo?" tanong ni Belle kay Baekhyun.

"10-Purity" sagot ni Baek.

"Ahhh... Ba't hindi ka manlang pumunta sa bahay?" tanong ni Belle kay Baek.

"Sa tawag nga para kang busy, dalawin pa kaya kita." sagot ni Baekhyun.

"Eh? Naglalaro lang naman ako buong bakasyon. Pasyal duon pasyal dito. Saka oo nga pala kilala ko na yung babaeng sinasabi mong liligawan mo!" sabi ni Belle.

"Ha?! P-pano? Hindi ka ba galit?" sabi ni Baekhyun.

"Ha? Bakit naman ako magagalit, ikaw talaga! Saka ang ganda ganda ni Taeyeon. Good Job pare! Grabe~ Ganun pala ang taste mo ha??" sabi ni Baekhyun sakanya.

"A-ah! Si Taeyeon? Yung college? Pano mo nasabi?" tanong ni Baekhyun.

"Nakita ko kayo sa mall... Kahapon? Oo kahapon! Gusto nga sana kitang tawagin kaso baka makasira ako ng 'date niyo'" sabi ni Belle with matching hand gestures.

"H-hindi naman ako pumupunta sa mall" sabi ni Baekhyun sakanya.

"Mm? Wag na magdeny, alam ko na eh" sabi ni Belle.

"Belle! Tara na dun!" sigaw nina Alexis na pupunta na sa Science lab.

"Sige ha! Balitaan mo ko" sabi ni Belle kay Baekhyun at sumunod na kayna Alexis.

***

Dumaan ang kalahating araw na puro discussion... -____-

"Ui Belle! Tinamo yung nasa may gate ang gwapo!" sabi ni Julia.

Our StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon