Chapter 26 - Friends?

36 1 1
                                        

Sehun's POV
Nadito lang ako sa kwarto. Tinititigan ko lang yung box na ibinigay sakin ni Belle nung gabing hinabol ko siya.


Charm Bracelet.

Flashback:

Tinatawag ko si Belle dahil hindi siya natigil sa pagtakbo kahit iyak siya ng iyak.


Pero nung naabutan ko siya hinigpitan ko na yung hawak ko sakanya at nakita kong may dala siyang maliit na kahon.


"Not meant to be. Buti nalang mali yung binigay nung babae, sayo nalang. Wag mo na kong sundan." she smiled bitterly at kumalas na siya sa pagkakahawak ko sakanya.

Hindi ko na siya sinunadan pa dahil gusto niyang mapag-isa.

End.

Nadito lang ako sa kwarto ko kanina pa. Hindi ako lumalabas dahil mainit ang mga ulo ng kasama ko.

Naligo nalang ako at nagbihis, pupuntahan ko nalang si Belle sa dorm at kakamustahin sila.

-

"Wala siya dito kuya." malungkot na sabi ni Julia pagkadating ko.

Nasa bakuran lang siya ng dorm nila at nagpapahangin lang.

"Alam niyo ba kung nasaan?" nag-aalalang tanong ko.

Umupo muna siya sa gilid ng malaking paso bago niya ko sagutin.

"Nagtext sakin si tita Isabel, nasa kanila. Urghhh! Ano ba kasing nangyayari? " napahilamos nalang siya ng mukha niya sa inis.

"Hindi niya kami kinakausap, pag lumalapit kami tinataboy niya kami. Galit siya samin kuya! Wala eh, damay damay na to. Hindi ko na alam mangyayari sa pagkakaibigan nating lahat." sabi niya at sabay ding tumulo ang luha niya na agad din niyang pinunasan.

"Aishh... kamusta kayo sainyo?" tanong niya sakin.

"Hindi ko nga alam eh, hindi ko sila pinapakielaman bahala na sila kung anong gagawin nila sa dorm." pagkasabi ko nun ay bumaba si Alexis. Tumango lang siya sakin at umupo sa isa pang malaking paso na katabi nung inuupuan ni Julia.


"Let's not give up. Ayoko bumitaw sa pagkakaibigan natin." sabi ni Alexis.

"Ewan ko lang ha, hanggang may isang hindi nagpapahalaga ewan ko nalang kung ano mangyayari." sabi ni Julia.

"Kapit lang kayo... kapit lang kayo sa abs ko." pagbibiro ko sakanila. Nagpigil sila ng tawa pero hindi nila kinaya.

"Pano ba yan? Baka wala kaming mahawakan." natatawang sabi ni Alexis.

-
Chen's POV

Naghahain ako ng mga pinggan at baso dahil kakain na kami. Ang nagluto ay si Kyungsoo, anong bago? Siya lang naman ang nakakahawak ng mga kaldero sa kusina. Yari ka nalang dun pag nakita kang kinakalikut yung mga gamit niya dun.

"Aalis lang ako." sabi ni Baekhyun at daredaretso nalang umalis.

Dapat hindi na siya nagsabi. Wala rin naman kaming pake eh.

Our StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon