Mabilis kong hinila ang kaibigan kong si boni pagkababa namen sa bus, kakatapos lang ng klase namen at inaya ko siyang puntahan ang lugar na pinapangarap kong matirhan.
"Forbes Park" ani ni boni
Malaki ang ngisi ko habang tumatango tango.
"Hoy tonette baka nakakalimutan mong mahirap lang tayo alam mo ba kung magkano ang halaga ng bahay dyan"
"Oo" tumango tango pa ako ulit "350,000 kapag nagrent ka at 350,000,000 kapag naman bibilhin mo" seryoso kong paliwanag sakanya.
"Juskolord! Baliw na ata ang kaibigan ko!!!!!" Fraustrated na sinabi ni boni saken.
Inakbayan ko siya at hinalikan sa pisngi, ngumiti pa ako sakanya ng pagkatamis tamis
"Alam mo bonski pag yumaman ako ikaw ang unang unang makakaapak sa loob ng bahay ko dyan sa loob niyang forbes park kaya-"
"Kaya kumain na tayo gutom lang yan malapit lang yung sm dito oh lakarin na naten" putol niya sa sinasabi ko.
"Buti naman at umuwi kana Ria! Naku kang bata ka lagot ka nanaman sa wicked step sister mo" bungad saken ni ate lumy
Nginitian ko lang siya "okay lang ate sanay naman na ako kay jessy e, tsaka mabait naman yun kahit papaano!"
"Asus ikaw ang mabait oh siya magbihis ka na dun at maghahain ako ng makakain mo"
Hahakbang na sana ako paakyat ng sitahin ako ni jessy!
"Buti naman at umuwi ka na aba! Anong oras na anong akala mo sa sarili mo Ria? Senyorita? Hindi porket dito na kayo nakatira ni tita Mia e magagawa mo na ang lahat!" Tuloy tuloy niyang sinabi.
May nakakalimutan ata ang babaeng to! Bahay kaya namen to!
Hindi ko siya pinansin at nagtuloy tuloy na sa pag akyat pero hindi siya nagpaawat at sinundan niya pa ako sa kwarto ko.
"Hoy kinakausap kita wag kang bastos!" Hinawakan niya ako sa braso "ikaw akala mo talaga kung sino ka ano! Ano? Bat hindi ka makapag salita?"
Tinanggal ko yung pagkakahawak niya sa braso ko "Jessy! Ipapaalala ko lang sayo bahay namen to kaya tigilan moko sa mga pinagsasabi mo wala kang pakealam kung ngayon lang ako umuwi at lalong wala kang pakealam kung ayaw kitang kausap ayokong makipagtalo sayo kaya pwede ba!"
"Kasama mo nanaman ba si Carlos? Hindi ba sinabi ko na sayong layuan mo siya?"
Haaay! "For the 20th time jessy! Boni is just my friend, his my bestfriend! So probably siya yung kasama ko! At hindi ko siya lalayuan para lang sa ikakatuwa mo!"
Biglang kumalabog ang pintuan at iniluwa nun si Silver John Sarmiento!
Ang pinaka nakakairitang tao sa mundo bukod kay Jessy!
"Lets go Jes! Dont talk to her! Leave her alone, let her do whatever she wants she's a stranger to us" and after that they left my room.
I'm Maria Antonette Jacobs daughter of Mia Salvador and Anton Jacobs.
And yes I have a step dad with wicked step sis and bro!
Tatlong buwan pa lang ng ikasal ulit si mommy kay tito Trigger Sarmiento its fine with me since matagal naman na nahiwalay si mom kay dad pero ang mga anak ni tito Trigs ang hindi makatanggap ng mga nangyare probably because they really love their momma!
Mabait si tito trigger, itinuturing niya din ako bilang anak niya kaya naman mabuti ang pakikitungo ko sakanya.
Mabait din naman ang mga anak niya, hindi ko nga lang matatanggi na paminsan minsan lalo na kapag wala ang mga magulang namen ay pinagtutulungan nila akong dalawa.
Tulad na lamang ng naglilinis ako araw ng linggo, nasa hagdan ako at nagwawalis ng dumaan si silver ay itinapon niya ang juice na dala dala niya at parang wala lang na natapunan niya din ako.
Ng nagdidilig ako sa may bakuran namen, bigla na lang sumabog saken yung tubig sa timba dahil inihagis saken yun ni Jessy.
Isa lang yan sa mga pinaggagawa ng dalaw saken sa loob ng 3 buwan pero hinahayaan ko na lang iniisip ko na lang na baka kaya lang sila ganun dahil nagseselos sila sa pakikitungo saaken ni tito.
Pamilya na kame ngayon kaya dapat ay mahalin at intindihin ko sila.
BINABASA MO ANG
Silver's Lining
Teen FictionWe used to ignore each other, we used to hate each other and when we finally got to know each other that's the time I regret knowing him! Its too late when I realize I love him when in fact I shouldn't be inlove with him! So I made the biggest and...