7

14 0 0
                                    

Angelic voice

"Boni! Boni! Please?" Halos nagmamakaawa na ako kay Boni habang naglalakad kame papasok sa school.

May free concert kasi ang favorite artist ko at kailangan kasama ko siya para payagan ako ni mommy.

"Tonette! Malapit na yung exam at alam mong kasabay ng concert na yan yung finals ng UAAP!" Paliwanag niya habang diretso pa din sa paglalakad.

"You dont have to go with me, just pick me up in our house para maniwala lang si mommy na kasama kita!" Maktol ko naman.

"So pagsisinungalingin mo pa ako kay tita ngayon?" Huminto na siya sa paglakad at hinarap ako.

"Please?" Nagpuppy eyes pa ako.

"Haaay! Okay fine!"

"Yehey" niyakap ko siya at hinalik halikan sa pisnge.

Isang exag na tikhim ang nagpatigil sa paghalik ko kay Boni.

"PDA is not allowed in our school!" Masungit na sabi ni Silver at dumaan sa gitna namen dahilan kung bakit napakalas ako sa pagkakayakap ko kay Boni.

"Kung hindi mo siya step bro, iisipin ko na may gusto yun sayo"

Binatukan ko nga! Kung ano anong pinagsasabi e.

Umaga palang ay ready na ako para sa concert mamaya, nag jeans at vneck lang ako nagdala na din akong extra tshirt dahil sigurado akong siksikan dun at malamang mangangamoy pawis ako. Itinali ko din ang straight at itim kong buhok.

"Ria! Nasa baba na si Boni mo!" Natatawa pang sabi ni ate Lumy habang kinakatok ako

Napairap na lang ako sa kawalan, she's always like that inaasar ako kay boni. Parang hindi naman niya alam na grade school pa lang besfriend ko na si Boni.

"Opo ate, painumin mo po muna ng juice!"

Pimasadahan ko muna ng tingin ang sarili ko nang makuntento ay lumabas na ako ng kwarto.

"Date?" Tanong ni Silver habang nakahilig sa hamba ng kwarto niya "buti naman at hindi ka nagshorts"

"Hindi kame magdedate may papanuorin kameng concert"

Tumango lang siya.

"Baba nako!" Awkward kong sinabi.

"Yeah! As if pag sinabi kong wag hindi ka tutuloy"

Napatingin ako sakanya dahil may binubulong bulong pa siya.

"Ano?"

"Wala!" Sigaw niya at pabalibag isinara ang pinto.

"Let's go!" Sabi ko kay Boni pagkababa ko tumayo naman na siya at inilapag ang baso ng juice.

"Bye mom" kiniss ko na si mommy at hinila na si Boni na aakmang hahalik din kay mommy. Tumawa naman si mommy.

"Itetex na lang kita after ng concert ha!" Sabi ko kay Boni

Inakbayan naman niya ako at binulungan.

"Sasamahan na kita!" Sabay halik sa sintido ko na nakapagpanindig ng balahibo ko!

"Kadiri ka Boni!!!!" Kinurot kurot ko pa yung tagiliran niya pero tinawanan lang niya ako.

Sobrang dami na ng tao ng dumating kame sa venue halos hindi na kame makapasok sa loob.

"Hindi na tayo makakapasok Tonette!" Hihilain na sana ako ni Boni para umalis na lang pero may humawak sa braso ko.

"Let's go! I know who's the organizer! Dapat kasi sinabi mong dito ka pupunta ng hindi ka na nahirapan pumila dito!" Tuloy tuloy na sabi ni Silver.

Nang makita siya ng isang parang bouncer na nag aassist sa mga papasok ay agad kameng pinaakyat sa taas.

Ang alam ko yung second floor ay para sa mga close friend and family member lang o di kaya ay para sa mga guest.

"Silver!" Kinalabit ko siya "paano mo pala alam na andito kame ni boni?"

"I just saw you two sa labas" tumayo siya at nagpaalam sandali.

"Alam mo parang kabute yan si Silver"

"Bakit naman?"

"Bigla bigla na lang kasing sumusulpot lalo na kapag tayo yung magkasama"

"Baka coincidence lang" inagaw ko yung iniinom ni Boni at uminom din dun. Nang tumingin ako sa baba andun si Silver nakatingin saken habang umiiling iling.

Busy ako sa kakaobserve ng mga tao dito sa taas, kung hindi kasi sikat na artista ay mga taong may sinasabi sa buhay parang hindi kame belong ni Boni dito.

"Goodevening everyone!" Bigla akong napatingin sa baba at dun ko nakita si Silver nakaupo at may hawak na gitara at ngumingiti! I cant believe this nakangiti si Silver.

"Oh si Silver oh!" Sabi ni Boni at tinuro pa si Silver sa stage.

"Hi guys! I'm Silver and bear with me please!" Nagtilian ang mga babae sa baba. Hindi ko alam kung kilala na nila si Silver o nagagwapuhan lang sila dito.

Nagsimula na siyang mag strum ng gitara!

"Bucket full of tears babe you know i'm here, i'm here waiting close your precious eyes and just realize i'm still fighting"

Nakapikit lang siya habang kumakanta hindi ko alam na maganda ang boses niya, hindi ko alam na marunong siyang mag gitara parang may isang pagkatao siya na hindi ko pa kilala.

"Wake up feel the air that i'm breathing, i can't explain this feeling that im feeling i wont go another day without you"

Dumilat siya at tumingin sa gawi namen parang may hinahanap, ng magtagpo ang mga mata namen at bigkasin niya ang huling lyrics ng kanta tumibok ng mabilis yung puso ko.

"Without you"

Nagpalakpakan yung mga tao habang ako tulala at pilit kinakalma yung puso ko.

Hinatid ako ni Boni pagkatapos ng concert halos hindi ko nga namalayan na tapos na yung concert hindi ko na din napansin yung favorite artist ko occupied ng iba yung isip ko.

Nakapagbihis at nakapag ayos na ako at humiga na sa kama, pagpikit ko ng mga mata ko parang nagplay ulit sa isip ko yung kanina, nung nagkatinginan kameng dalawa yung mala anghel na boses niya at yung hindi normal na pag tibok ng puso ko.

Maybe it's dangerous for me to hear his angelic voice.

Silver's LiningTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon