Weird
Halos hindi ako nakatulog sa magdamag dahil sa panggugulo ng puso ko saken kaya ang resulta na late ako ng gising.
Hindi ko na din naabutan sila mommy sa umagahan.
"Goodmorning Ria" bati saken ni ate lumy.
"Ate ipagpalaman mo na lang po ako ng sandwhich" sabi ko sakanya habang inaayos ko ang aking sapatos.
"Oo nga pala Ria napaaga ang alis ng mommy at tito mo, yung sinabi niyang sa weekends dapat"
Tumango tango lang ako at sinulyapan ang orasan, may 30 mins pa ako bago tuluyang malate sa school wag lang sanang traffic.
"Oh eto na" inabot saaken ni ate yung sandwhich ko, palabas na ako ng habulin ako ni ate lumy "si Silver pala sabi niya hihintayin ka niya samay tindahan sa kanto dun ka na lang dumaan" nagtataka naman akong tumango tango.
Malayo pa lang ay natatanaw ko na ang nakabusangot na mukha ni Silver, kelan ko kaya makikitang nakangiti ang isang to?
Bigla siyang sumulyap sa gawi ko at ng makita na niya ako ay tumayo na siya.
"Bakit mo pa ako hinintay? Mas nauuna ang oras ng senior's kesa sameng junior" bungad ko sakanya pagkalapit ko.
"Wala akong kasabay pumasok, hindi ako sanay!" Simple niyang sagot at nagsimula nang maglakad, sumunod naman ako sakanya.
"Bat hindi ka na lang sumabay kala jessy?"
"You know that i dont like being with dad"
"Ef ef ef! No english!"
"Fine! Just walk fast!"
Hinampas ko yung braso niya dahilan ng pagtigil niya.
"Sabi ko magtagalog" sabi ko at nilagpasan ko na siya.
Hindi kame na traffic ni Silver pero alam kong late na siya, may 5 mins pa ako bago mag start ang klase ko.
Magkaiba ang way ng junior sa senior kaya naman nagulat ako ng sumabay pa din siya saken papunta sa building ng mga juniors.
"Silver dun ang papuntang senior!" Turo ko pa sa kabilang way.
"I know i'm not stupid! Ihahatid lang kita sa room mo!"
"Pero late na late ka na"
"At malelate ka na din kapag di ka pa tumigil kakadaldal mo! Just walk and dont mind me!"
Nagbulong bulungan ang mga estudyanteng nadaanan namen ni Silver sa corridor.
Hindi na yun nakakataka dahil gwapo naman talaga si Silver, sa edad niyang 17 ay parang illegal ang pagiging matipuno niya hindi katulad ng ibang binata sa school na kung hindi payat ay medyo mataba, maganda din ang kanyang matang medyo singkit at ang ilong niya ay perpekto ang pagkakatangos.
Nang tumapat na ako sa room namen ay hinarap ko siya, damang dama ko naman ang tinginan ng mga kaklase ko sa loob.
"Pumasok ka na, dito na yung room ko, thanks anyway"
Tumango lang siya saken at tsaka naglakad na pabalik sa dinaanan namen kanina.
"Bakit ka niya hinatid?" Bungad na tanong saken ni Carlos.
"Hindi ko alam, siguro sisilipin niya din si Jessy sa kabilang hall"
Magsasalita pa sana si Carlos pero naunahan na siya ni Patricia, isa sa mga kaklase namen at kilala sa school dahil sa mga naging ex niyang kung hindi captain ng basketbal ay isa sa mga hottie ng school, maganda mayaman kasi ang pamilya niya.
"Oh my god! You know Silver Sarmiento Ria? He's a hottie you know! So nililigawan ka ba niya?"
Laglag ang panga ko sa mga pinagsasabi niya, tumawa naman si Carlos sa tabi ko.
"Pat, si Silver yung step brother ko!"
"Really? Ang swerte mo naman parati mo siyang nakikita sainyo!"
Nagkibit balikat lang ako.
Dumating na ang aming guro kaya naman nagsibalikan na yung mga kaklase ko na hindi na ako tinigilan kakatanong tungkol kay Silver.
Nang magbreaktime ay nagulat ako bg nasa labas ng room si Silver may hawak hawak na lunch box habang nakabusangot ang mukha at may earphone sa tenga at parang hindi niya pansin yung mga kaklase kong babae na nakatunganga sakanya.
"Your bro is waiting for you! Anong nangyari at close na kayo?" Tanong ni Carlos.
"I don't know Boni, siguro peace offering sa pagtulak saken kahapon"
Nang makalabas na lahat ng kaklase ko ay pumasok naman si Silver sa room.
"Ambagal mo! Bilisan mo na kanina pa nag aantay si Jessy sa bench sa field!" Masungit niyang sabi at lumipat ang tingin niya kay Carlos.
"Pwede bang isabay naten si Boni?"
Tumango lang siya at nauna nang lumabas.
"Weirdo!" Siniko ko na lang si Carlos para matahimik at sumunod na kay Silver.
BINABASA MO ANG
Silver's Lining
Teen FictionWe used to ignore each other, we used to hate each other and when we finally got to know each other that's the time I regret knowing him! Its too late when I realize I love him when in fact I shouldn't be inlove with him! So I made the biggest and...