2

9 0 0
                                    

Ria

Nakatambay ako sa corridor ng makita ko sa field na kinocorner ng tatlong babae si Jessy, break namen kaya siguro ay break din ni Jessy.

Ng itulak ng mukhang lider ng grupo si Jessy ay mabilis akong tumakbo para matulungan si Jessy.

"Hoy!" Hinihingal pa ako habang itinuturo ko yung tatlong umaaway kay Jessy.

"At sino ka naman?" Mataray na sabi nung babaeng kulot!

"Im her sister! Leave her alone or you're dead!" Hinahabol ko pa rin ang hininga ko!

Tinawanan lang ako ng tatlong bruha.

"Ria!" Mabilis na pumunta sa likod ko si jessy nakita kong may galos siya sa siko. Tinignan ko yun at tsaka binalingan ulit yung tatlo.

"Sinong nagbigay sainyo ng karapatan para saktan si Jessy?"

"Wag ka ngang mangealam dito yang babaeng yan! Nilalandi yung boyfriend ko!" Sigaw nung lider.

"Hindi ko siya nilalandi! Nagmagandang loob lang akong tulungan siya! And for godsake i dont even know his name!"

Akmang magsasalita pa yung babae pero inunahan ko na siya!

"Narinig mo na ang paliwanag niya! Stop this o isusumbong ko kayo sa disciplinary office?"

Hinila na nung kulot yung lider nila at tahimik naman na umalis yung isa.

Hinarap ko si Jesst at tinignan ulit yung braso niya. "Okay ka lang?"

Kumunot yung noo niya.
"Stop pretending nice Ria, dad's not around!"

"Im not pretending Jessy! I really care for you! Saan mo ba nakukuha yang mga sinasabi mo? Halika na pumunta na tayong clinic!" Hindi pa din siya gumalaw kaya hinila ko na siya

"Kuya said nagpepretend lang kayo ng mommy mo para bilugin si daddy"

Huminto ako sa paghila sakanya at hinarap siya.

"We have no reason to do that, mom marry tito because they just love each other, bakit ba hindi na lang kayo maging masaya ng kuya mo para sa daddy niyo?"

"I dont want to replace mom!" Histerikal na sabi niya nangingilid na yung luha.

"Hindi ko naman sinabi na papalitan ni mommy sa buhay niyo yung mommy niyo, ang saaken lang sana maisip niyo din na malungkot lang siguro si tito trigs dahil sa pagkawala ng mom niyo at si mom yung naging dahilan kung bakit siya sumaya ulit"

"But its too sudden, mom just died! Bat ang bilis makalimutan ni dad yun?" Umiiyak ng sinabi ni Jessy.

Yayakapin ko na sana siya ng bigla akong itulak ni Silver sa pagkabigla ko ay natumba ako sa field.

"What did you do to my sister Ria?"

Silver's LiningTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon