Sorry
"Why did you hit her?" Tinignan niya ang galos sa braso ni Jessy.
Napaawang ang bibig ko sa sinabi niya, bat ang sama ba ng tingin saken ng lalaking to!
"No kuya its no-" pinutol ni silver ang sasabihin ni Jessy.
"TONETTE!" sigaw ni carlos habang tumatakbo palapit saken. Itinayo niya ako pagkalapit niya.
"Okay ka lang ba? Anong nangyari?" Biglang lumipat ang tingin niya kay Silver at Jessy "anong ginawa niyo sakanya?" Seryoso niyang tanong sa dalawa.
"Boni!" Suway ko sakanya!
"Why dont you ask her? After all its all her show! Let's go Jes!" Tumingin saaken si Jessy at parang may lungkot sa mata niya, nginitian ko na lang siya.
"Ano nanamang ginawa sayo ng dalawang yun?"
Umiling na lang ako at naglakad na pabalik ng room.
Uwian na at hinihintay ko sa may bench si Carlos Bonito my bestfriend since forever.
Papalubog na ang araw, marami na ring estudyanteng naglalakad sa field ang iba ay dumidiretso sa gate ang iba naman ay tumatambay pa para makipag usap sa mga kaibigan.
Kaunti lang ang kaibigan ko at halos si Boni lang ang parati kong kasama, feeling ko dahil na rin sa sobrang lapit namen ni boni wala ng ibang makalapit saaken.
"Ria" lumapit sa kinauupuan ko si Jessy.
Sinulyapan ko ang braso niya may band aid ng nakalagay doon.
Yumuko siya at itinago ang braso niya, parang nahihiya.
"Ria about kanina, sorry about kuya's reaction. Dont worry I explained everything to him, i also told him to say sorry to you"
Ngumiti ako at umusog para makalapit sakanya inakbayan ko siya at napatingin siya saken.
"Its okay Jessy!" Bigla namang may humablot saakin at agad akong nilagay sa likod niya.
"Ano nanaman ang gagawin mo kay tonette?" Iritadong tanong ni carlos kay Jessy, sumimangot naman si Jessy.
Hinampas ko si Carlos!
"Ano ka ba Bonski! Nagsosorry na nga yung tao saken e! Tara na nga at umuwi!" Tinignan ko si Jessy "sabay ka na samen Jessy"Magrereklamo pa sana si Carlos pero pinanlakihan ko na siya ng mata.
"Bababa nanaman ba tayo papunta sa forbes?" Tanong ni Carlos ng nakasakay na kame sa bus.
Umiling lang ako sakanya.
"Ano yung forbes?" Tanong ni Jessy magkatabi kame nasa tabi siya ng bintana at sa kabilang gilid ko naman si carlos.
"Doon araw araw tumatambay si Tonette para mangarap ng gising!" Hulakhak pa si Carlos
"Tse manahimik ka nga dyan Bonito!"
"What a funny name! Bonito!" Saad naman ni Jessy
"Why did you find it funny?!" Seryoso namang sinabi ni Carlos!
"Chill guys! I want peace here you know!" Sabay naman silang umirap saken.
Nagulat pa ang magulang namen ng sabay kameng pumasok sa pintuan ni Jessy, mataman namang nakatingin samen ang paakyat na sanang si silver.
"Hi" simple kong sabi kay tito at mommy.
Dumiretso naman agad si Silver sa kwarto niya pagkatapos matigilan kanina.
"Dad, uhm mmmama" sabay sabay naman kameng napalingon kay Jessy gulat kame sa pagtawag niyang mama kay mommy.
Agad naman siyang nagpaliwanag "ahhh uhmm do you mind if i call you mama tita mia? Ahm i cant call you mom because that's how I address my mom i mean my real mom"
Ngumiti naman si mommy sakanya ganun din si tito, napangiti na din ako ng niyakap ni mommy si Jessy
"Ano ba yan pa hug nga din nainggit ako bigla!" Sabi naman ni tito at yumakap na din "come Ria let's group hug" dagdag pa ni tito natatawa naman akong yumakap din.
"Oy sali din ako" pabiro namang sabi ni Boni, tumawa naman si mommy at tito sakanya.
Masaya ang naging hapunan namen dahil sa mga korning hirit ni boni at as usual hindi samen sumabay si Silver ganun naman yun, sa agahan lang sumasabay o hindi nga din e kasi lagi siyang nauuna.
Ng magpaalam na si boni ay dumiretso na din ako sa aking kwarto at naglinis ng katawan.
Nakahiga na ako sa kama ko ng may kumatok sa pintuan ko, tumayo naman ako at agad na binuksan eto.
Nagulat ako ng andun si Silver at seryosong nakatingin saaken magkatapat lang ang pintuan ng kwarto namen siguro ay nakalabog lang niya ang pintuan ko, isasara ko na sana ang pinto ko pero pinigilan niya yun.
"Sorry"
BINABASA MO ANG
Silver's Lining
أدب المراهقينWe used to ignore each other, we used to hate each other and when we finally got to know each other that's the time I regret knowing him! Its too late when I realize I love him when in fact I shouldn't be inlove with him! So I made the biggest and...