Ria
"Okay class see you next month, enjoy the break and don't forget to do your projects, there's no extensions of submissions. Goodbye"
Pagkalabas na pagkalabas ng teacher namen ay nakangiti akong lumingon kay Boni. Napagkasunduan na kasing sa Batangas na namen ispent yung Holiday break, pumayag naman si Mommy at Tito dahil tiwala sila kala Boni.
"Huwag mo ko ngitian diyan may hindi ka pa sinasabi!" Biglang kumunot yung noo ko sa sinabi niya. Ano nanaman bang naiisip niyang sinisikreto ko e halos naman lahat alam niya.
"Umamin ka Maria Antonette Jacobs nagkakagusto ka ba kay Silver?" biglang namula yung pisnge ko.
"B-boni!!"
"yung totoo?"
"baliw ka na! Step brother ko yun hindi pwede!"
"So gusto mo na nga?"
"hindi nga pwede!!!" tumayo na ako at lalabas na dapat ng pinto ng magsalita ulit si Boni.
"kapag pinigilan mo yan lalong lalala kaya kung ako sayo hayaan mo lang para mawala"
"Nababaliw ka na!" dinilaan ko pa siya bago tuluyang lumabas.
Iniiwasan ko na makasalubong si Silver sa school dahil ayokong maconfirm yung hinala ni Boni sa nararamdaman ko. At ang walanghiyang Boni na yun hindi ako tinitigilan sa kakatukso niya.
Umuwi akong pikon kay Boni kaya hindi ako sumabay sakanila ni Jessy at kung mamalasin ka mang talaga yung taong iniiwasan mo buong maghapon ang makakasabay mo pa sa pag uwi.
"Where's Jessy?" tanong saken ni Silver pagkaupong pagkaupo niya sa tabi ko.
"She's with Boni" tipid kong sagot dahil bumibilis yung tibok ng puso ko. Simula nung kumain kame sa Pizza parlor hindi na nagbago yung bilis ng tibok ng puso ko kapag nakikita ko si Silver.
Magsusuot na sana ako ng earphones ng makarinig ako ng nakakabwisit na tawa.
"Kaya naman pala" natatawang sabi ni Boni habang nilalagpasan yung upuan namen ni Silver. Napairap na lang ako sa kawalan.
"Why didn't you wait for us Ria?" tanong ni Jessy sa likod lang pala namen sila umupo.
"She's obviously chasing her dreams Jessy" natatawa tawang sagot ni Boni na pinagtakhan ni Jessy.
"what's wrong?" bulong saken ni Silver.
umiling lang ako at isinuksok sa tenga yung earphones at pumikit.
Hindi naman ako napipikon kay Boni kapag inaasar niya lalo na kapag hindi totoo pero ngayon asar na asar ako sakanya feeling ko nadugas niya ako.
Naramdaman kong may sumusundot sa gilid ng pisnge ko kaya nilingon ko kung ano yun pag tingin ko may papel na nakasuksok sa may upuan, kinuha at tinignan kung ano yun.
umamin ka na hawak ko na buong pamilya mo HAHAHAHAHA
"Gago!" natatawa kong sabi atska hinulog sa likod ko yung papel.
"Dont say bad word little kid!" usal ni Silver.
tinignan ko siya at nagulat pa akong nakatitig siya saken kaya namula nanaman yung mukha ko. Umiwas na lang ako ng tingin sakanya. Masama na to!
"Ria" maya maya sinambit niya yung pangalan ko pero hindi ko pa rin siya nilingon kaya hinawakan niya yung baba ko at hinarap sakanya.
"What's wrong?"
BINABASA MO ANG
Silver's Lining
Teen FictionWe used to ignore each other, we used to hate each other and when we finally got to know each other that's the time I regret knowing him! Its too late when I realize I love him when in fact I shouldn't be inlove with him! So I made the biggest and...