12

7 0 0
                                    

Distance

Isang libong yugyog at isang malakas na hampas yung gumising saken, halos hindi ko pa maidilat yung mata ko dahil sa antok, nagpapapadyak pa ako dahil sa sobrang asar sa nang gigising saken!

"ANO BA!!!! SA PAGKAKAALAM KO SEMBREAK NGAYON E!!!!! KUNG MASAMANG PANAGINIP TO PLEASE LANG BONI PATULUGIN MOKO NG MAHIMBING!!!!"

"Ano ba Tonette! sigaw ka ng sigaw! gumising ka na!! aalis na kame ikaw na lang hinihintay namen hindi na makatarungan to! aba ano ka vip?" galit naman na sagot ng impaktong Boni sa panaginip ko.... ay wait... idinilat ko yung isang mata ko... bakit sumasagot yung impaktong Boni sa panaginip ko?

"nananaginip ba ako?"

binatukan naman ako bigla ni Boni!
"oh ano? gising ka na?"

"aray naman! makabatok to! ang aga aga ginagambala mo ako!"

"Aba hoy! usapan kasi po alas otso yung alis papuntang batangas baka gusto mong i check kung anong oras na! alas dose na po ng tanghali kanina pa kame inip na inip sa pag aantay ng pag gising mo! kung hindi pa magccr si Silver hindi pa kita maaakyat dito para magising!"

"Silver?" Nakakunot noo kong tanong sakanya.

"Opo maam, wag kang umarteng may amnesia Tonette?" sinalat salat niya ako sa noo at leeg "wala ka namang sakit bat ka nagdedeliryo?"

Habang daldal ng daldal si Boni nagbalik naman sa ala ala ko yung mga nangyari kagabi, hihiga at magtatalukbong na sana ako ulit ng kumot pero naagapan ni Boni yung gagawin ko.

"Ria seryoso na ako tigilan mo na yang pag iinarte mo hindi na ako nasisiyahan" hinila ko na lang siya at niyakap.

"Boniiiii!" Feeling ko maiiyak ako sa mga nangyari kagabi. Ayokong irecognize yung nararamdaman ko at nararamdaman niya kasi alam kong mali.

At sa fact na yun ako mas naiiyak!

"Anong problema Tonette?" Inilayo ako ng kaunti ni Boni sakanya at seryosong tinignan ako sa mata.

"Antok na antok pa ako pwede bang wag na ako maligo? Matutulog lang ako sa van!" Pilit kong ginawang kwela yung boses ko pero sa paghinga ng malalim ni Boni I know I failed.

"Magtoothbrush ka! Ang baho ng hininga mo!" Seryoso siya ng sabihin yun kaya nahampas ko siya ng unan! Gago to nagmouthwash kaya ako kagabi!

---

Nang makapag ayos ako ng gamit mabilis na nagsitayuan sila Boni na nakaupo sa sofa, ilang mga habilin pa muna ang ibinigay samen ni Mommy at Tito bago tuluyang makasakay sa van na daldala nila Boni. Sa pagsakay namen sinigurado kong hindi ko siya makakatabi, ayokong makaramdam ng awkward at mas ayoko kong paghinalaan ni Jessy.

Si Boni ang pinag gitnaan namen ni Jessy, sa likuran naman nakapwesto si Silver kasama ang mga gamit namen at pagkain habang si Gab ay nasa tabi ng Driver.

I dont think this trip was a good thing pero alam kong wala na akong magagawa, this trip was planned before anything happened.

Itinulog ko ang buong biyahe papuntang batanggas, ayokong may kumausap saken at magkaroon ng pagkakataon si Silver pansinin ako.

Nagising ako ng may tumapik sa pisnge ko. Pupungas pungas kong idinilat ang mga mata ko. At tuluyang bumalik sa diwa ng makita ko si Silver ang gumigising saken. Madali kong iginala ang mata ko at tinanggal ang earphones ko.

"Finally! Lets go! Kumakain na sila sa loob!" Nakangiting sabi ni Silver saken. Mabilis akong kumilos at akmang bababa na ay hinigit ako ni Silver.

"Were okay, right?" Seryoso niyang tanong saken habang nakatingin sa mga mata ko. Nag iwas ako ng tingin atsaka tumango tango. Agad akong umalis sa pagkakahigot niya saken at naglakad na papunta sa loob ng restaurant.

"Yes naman ang prinsesa nagising na din sa wakas!" Nang aasar na bungad saken ni Boni ng makita akong palapit sakanila.

"Bat hindi niyo man lang ako ginising?"

"Ask kuya! Sabi niya baka puyat ka daw kaya hayaan ka na lang" hindi ko alam kung inosente talaga ang pag sagot saken ni Jessy o masyado lang akong napaparanoid.

Tumango tango na lang ako at nagsimula na ding kumain.

"Nga pala malapit na tayo sa nabiling rest house nila mommy" tumango lang ako ulit at nagpatuloy na sa pagkain. Mad nagpokus ako sa pag nguya ko ng maramdaman ko na ang presensya ni Silver sa lamesa namen. Halos nga ingudngod ko na ang mukha ko sa plato ko but I dont have the guts to pretend nothing after what he told me lastnight. I cant even think na magugustuhan niya ako, I once wish na maging kaclose sila ni Jessy but never this liking thing.

Ng makuntento ako sa nakain ko ay nagpaalam na ako sakanilang babalik na sa van hindi pa man sila natatapos.

"Are you okay Tonette?" Nag aalalang tanong saken ni Boni. Tumango ako at ngumiti sakanya, alam ko namang hindi rin siya maniniwala. Iniikot ko ang mata ko sakanila at ngumiti.

"Okay lang ako guys! Enjoy the food, inaantok lang talaga ako" nagtagal ang tingin ko kay Silver na kasalukuyang nakatitig din saken. Seryoso ang mga mata niya parang binabasa ang nasa isip ko pero I refuse to be read, I'm refusing his idea of liking me.

Napabuntong hininga ako ng makapasok na ulit sa Van. I know.. Baka masira ko yung vacation trip na to dahil sa mga naiisip at nagsisimulang maramdaman ko but it was for the best I should stop this, I must stop this before I fell too.

I should distance myself to him...

Maybe in that way makalimutan niya din ang nararamdaman niya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 27, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Silver's LiningTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon