Old crush
"Malapit na ang sembreak niyo?" Tanong samen ni tito habang kumakain kame.
"Yes dad!" Masaya namang sagot ni jessy.
"So where do you want to spend your break?" Tanong ulit ni tito at bumaling kay Silver at saken.
Nagkibit lang ng balikat si Silver, ngumiti lang ako.
"I want to go to puerto daddy" sagot ulit ni Jessy.
"I'm fine here!" Sagot naman ni Silver.
"Ikaw Ria?" Tanong naman ni mommy saken.
"I don't know I'll think about it" sagot ko at uminom ng tubig "by the way mom, may lakad kame mamaya ni Boni" bumaling ako kay tito "Jessy will go with us! Okay lang po ba?"
"Sure hija! Finally Mia magkasundo na ang mga anak naten!" Masaya namang sabi ni tito kay mommy.
"Saan pala ang punta niyo Ria?" Baling saken ni mommy
"Kala Boni my! Just like the old times bonding! Ngayon din kasi yung dating ni Gab!" Nakakalokong ngiti naman ang binigay ni mommy saken.
"Argh! Don't give that look mom! I'm telling you I'm over him!" Umirap pa ako sa kawalan!
"Your defensive baby!" Natatawa namang sabi ni mommy!
"Whatever!"
After kumain naligo na ako sa kwarto ko at nag ayos. Nagulat pa ako dahil pagkalabas ko ng banyo ko ay andun si Silver at tinitignan yung mga picture na naka pin sa pin board sa ibabaw ng study table ko.
"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko habang kinukuha yung blower sa cabinet ko, nakabihis na ako ng damit.
"I was knocking at your door, you're not answering so i get in"
Napangiti na lang ako.
"Ang haba ng sagot mo hindi mo naman nasagot yung tanong ko"
"I'll just wanna ask if ahm--" nagkamot pa siya ng ulo parang nahihiya. Tinignan ko na lang siya sa salamin.
"Ahm if ahm if I can come with you and Jessy!" Tumingin siya sa kisame at pumikit habang may binubulong bulong."Osige mag ayos ka na!" Natatawa ko namang sagot.
"Ri-----a" medyo nagulat pa si Jessy ng napatingin sa kuya niya "what are you doing here?" Pumasok na siya sa loob ng kwarto ko.
"I ahm ahh just change!" Lumabas agad si Silver sa loob ng kwarto ko ng hindi man lang sinasagot ang tanong ni Jessy.
"What is he doing here? Oh well, are we going to sleep over?"
"Hindi! Hindi papayag si mommy siguro ayain na lang naten si Boni dito"
"Ria" mahinang tawag ni Jessy "may gusto ka ba kay Carlos?" Mas mahina niyang tanong.
Tumawa naman ako kaya napasimangot siya.
"Do you like him Jes?" balik na tanong ko sakanya na nagpapula sa pisnge niya.
"So you like him?" Dahan dahan naman siyang tumango. "Hahaha don't worry Jes i don't like him"
"Ria don't tell him please?"
"Yeah sure!"
Sinundo kame ni Boni, nagmamayabang siya kasi nagamit niya yung van nila.
"Are you coming with us?" Gulat na tanong ni Jessy ng inunahan siya ni Silver sa tabi ko.
"Obviously Jes!"
"E bat sa tabi ka ni Ria umuupo tabi ka dyan, dyan ako!"
"Ayoko sa tabi ng bintana, dyan ka na!"
"Whatever kuya!"
Nasa front seat si Boni at tinitignan ako na parang naguguluhan bat kasama si Silver.
"Bat sumama siya?" Tanong saken ni Boni pagkarating namen sakanila.
"Walang maiiwan sa bahay, si ate Lumy lang"
"Okay! In a bit your lost love will be here!" Nang aasar na bulong saken ni Boni.
"Stop teasing me, ipagsasabi ko na 2nd year high ka na tinuli! Sige ka!"
"Really?" Halos matawa ako ng makitang pulang pula yung mukha ni Boni ganyan siya kapag napapahiya.
Naglakad na si Boni papasok sa kitchen nila sinundan naman siya ni Jessy para kulitin. Umupo na lang din ako sa tabi ni Silver sa sofa.
"Lagi ka rito?"
"Yes! Simula nung gradeschool, lagi kasing wala si mommy sa bahay nun tapos dito na niya ako dinadaanan pauwi sa bahay" kinuha ko yung photo album sa ilalim ng mesa nila Boni at inabot kay Silver "here mga picture namen lahat ng andyan ni Boni"
Kinuha naman niya to at sinimulang tignan. Madali namang makilala ang batang ako at Boni dahil halos wala namang pinagbago ang mukha namen.
"Who's this?" Turo niya sa isang batang lalaki na nakaakbay saken habang nakahalik ako sa pisnge neto.
we're just 12 in that picture."Ahh si ano si Gabriel" nahihiya kong sagot.
"Kaano ano mo siya?"
"Pinsan siya ni Boni!"
Bigla bumakas ang pinto nila at iniluwa nun si tita Rianne sumunod si tito Luigi.
"Ria!" Sigaw ni tita at lumapit saken para hagkan ako sabay naman kame napatayo ni Silver "oh my god hija namiss kita bat ngayon ka lang ulit nagawi samen?"
"Are you kidding ma? Kayo kaya ni papa yung laging wala!" Sagot naman ni Boni na naglalakad habang may hawak na tray
"Hi tito!" Yumakap din ako kay tito Luigi "ang gwapo niyo pa rin tito!" Tumikhim naman si tita "at ang ganda ganda niyo lalo tita! Grabe bat walang namana sainyo si Bonito?" Bigla naman akong binatukan ni Boni.
"Ang kapal mo talaga hija!" Sabi pa ni Boni habang inaakbayan ako.
"By the way tita, tito this is Silver and Jessy remember them sa kasal ni Mommy? They are my step siblings"
"Hello po!" Nahihiyang bati ni Jessy
"Hi, Silver po!" Nag abot pa ng kamay si Silver para makipag shake hands.
"Hi Gab pare" napalingon ako sa biglang nagsalita. Its been a long time mula ng huli kong narinig yung boses niya at nakita siya.
"Silver!" Ulit naman ni Silver sa pangalan niya sabay bawi sa kamay niya.
"Baka matunaw!" Bulong saken ng nakaakbay pa ding si Boni
"Tse!" Inalis ko na yung pagkakaakbay niya.
"Ria, si Gab oh!" Nanunuksong sabi ni tito Luigi.
"Ay si Gab pala yan pa? Ang galing no? Nakita nga ni Tonette pa!" Binatukan ko nga si Boni puro kasi kagaguhan.
"Is he your old crush Ria?" May kalakasang tanong naman ni Jessy.
Napafacepalm tuloy ako! Awkward shems!
BINABASA MO ANG
Silver's Lining
Teen FictionWe used to ignore each other, we used to hate each other and when we finally got to know each other that's the time I regret knowing him! Its too late when I realize I love him when in fact I shouldn't be inlove with him! So I made the biggest and...