6

13 0 0
                                    

Im not

"Yes mom, yeah i understand po. Take care! I love you too bye po" i ended the call and look to the two person beside me.

"Anong sabi?" Tanong ni Jessy.

"Baka next month pa daw sila makabalik ni tito, may humabol daw na investor e" sabi ko sabay kuha sa remote.

Weekends ngayon at dapat ngayon ang dating ni mommy at tito trigger at meron dapat kameng family dinner.

Tanghali na at hindi pa kame kumakain dahil sa kakahintay sa hindi naman pala dadating.

Nang nakailang lipat na ako sa remote ay na fraustrate na si Jessy kaya kinuha niya saken ang remote.

"Let me!" Iritang sabi niya.

Pero tulad ko wala din siyang mahanap na palabas.

"Let's go to the mall" sabi ni Silver at tumayo na.

"Anyare dun? Kelan pa natutong magmall?" Nagkatinginan kame ni Jessy at sabay tumawa.

After ng incident sa school ay naging malapit na kame ni Jessy, she even hang outs with me and Carlos na nag uuwi sa pang iinis nilang dalawa sa isa't isa.

Hindi pa ako tapos sa pagsusuklay ay kinakatok na ako ni Silver sa kwarto ko.

"Bat ba ang tagal niyo ni Jes mag ayos? Sa mall lang tayo pupunta at hindi sa party!" Irita niyang sigaw.

Binuksan ko yung pinto ko at nagpasiyang magsuklay na lang sa daan.

"Can you please wear something more conservative!" Seryoso niyang sabi.

Pinasadahan ko ng tingin ang suot ko, naka floral spaghetti strap ako at shorts, okay naman eto at hindi kabastos bastos tignan.

"Kuya! Stop it! Okay naman yung suot niya!" Sabat ni Jessy na kakalabas lang ng room niya.

Pinasadahan ko ng tingin ang suot ng dalawa, si Silver ay naka denim black shorts at v neck white may dogtag ding nakasabit sa leeg niya naka rubber shoes din siya.

Si Jessy naman ay naka high waist denim pants na blue at white crop top at doll shoes.

"Okay!" Tinaas ko pa ang kamay ko para iemphasize ang pagsang ayon.

Nag vneck white na lang ako at shorts na above the knee at chuck na black.


"Gusto mong guitar Ria?" Natatawa tawang sabi ni Jessy

"Better! Let's go!" Sabi naman ni Silver.


Pagkarating namen sa mall pareparehas kameng gutom kaya kumain na muna kame.

"Are we going to watch a movie?" Tanong ni Jessy.

"Do you like to watch Antonette?" Baling naman saken ni Silver.

Nagkibit balikat na lang ako, pagkatapos namen kumain pumunta na kameng movie house para tignan kung anong pwede nameng panuorin.


"Anong gusto mong panuorin Antonette?" Tanong ni Jessy.


"Wala akong mapili, kahit ano na lang"



"Wag si kuya papapiliin naten, I'm sure war's and soldiers lang pipiliin niyan" bulong saken ni Jessy.


"What are we going to watch?" Tanong ni Silver habang may dala dalang popcorn and drinks. Kinuha ko ang isa dahil mukhang nahihirapan na siya.



"This one!" Sigaw ni Jessy habang ngumingising parang aso, kumindat pa siya samen.



"Are you kidding me? Anong makukuha mo sa panonood niyan?" Iritang sabi ni Silver.


Isang horror film ang tinuturo ni Jessy, binasa ko ang plot neto at mukhang okay naman.


"Okay naman to." Sang ayon ko kay Jessy, iiling iling naman si Silver.


"He's just scared Ria" humahagikgik pang sabi ni Jessy


"Oh shut up" nagmartsa na si Silver para bumili ng ticket.


Nang makapasok na kame sa loob ay magsisimula na ang movie, tahimik kameng tatlo habang nanonood, nasa gitna namen ni Jessy si Silver.



Nang kalagitnaan na ang palabas ay nagpaalam si Jessy na ccr lang, sakto pag alis niya ay ang paglabas ng nakakatakot na mukha sa malaking screen, tumatawa tawa pa ako dahil sa mga nagtilian nang paglingon ko kay Silver ay mariin etong nakapikit.

Mas lalo lang akong natawa.

"Dapat sinabi mong takot ka para hindi na lang Horror ang pinanood naten" bulong ko naman sakanya.



"I'm not!" Sigaw niya at dumilat pero pumikit siya ulit kasabay ng tilian ng mga nanonood.



"Yeah right, you're not!"





Silver's LiningTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon