Ch.25: Eh ayun.

3.2K 65 41
                                    

Sa totoo lang, hindi ko rin alam kung sinong makakatuluyan ni dani. =)) Ang galing ko eh noh, ako mismong author hindi ko alam. :)) Eh kasi pwde kong gawan ng paraan para maging si Cav na talaga. Lalo namang madali pag si Owy yung pinili ko. Pwde ring si ranz kasi tutal matagal na silang magkakilala. Mas lalo ko pa kayang paguluhin? Isama ko pa kaya si Ully at Biboy? =)))))) GULO BUHAY. 

BASAHIN AT BAKA INTERESTED KAYO. =))

Yung mga nagpapasali dito sa story, hindi ko alam kung sinong pipiliin. :( Ang dami niyo. Hindi naman pwde na 3 kayong gf ni ranz/oliver/ully. :( GANITO NALANG. MAG POPOST AKO NG ISANG CHAPTER PERO ANG HINDI NIYO ALAM ISANG AUTHOR'S NOTE LANG PALA YUN. TAPOS ANG UNANG MAG COMMENT DUN. SIYA YUNG ISASALI KO. PARA FAIR. =)) OKAY? SYEMPRE HINDI KO SASABIHIN KUNG KELAN KO IPUPUBLISH. ;)

Dedicated po kay @ranzloveshai @TheLeeDrums mga halatang nag aabang! =)) I love you guys! thankyou. >:D<

BILIS KO MAG UPDATE NOH? =)) BAIT KO NGAYON. HIHIHI.

Sa mga chumillin' with chicser diyan, kamusta? Mag kwento kayo. =))

Vote and Comment. ^^v

--

CAV'S POV

Mas pinili kong iwanan sila nung nakita ko si Dani at Owy dun sa terrace. Hindi ko alam kung bakit pero nabadtrip ako sa nakita ko. Kaya ayun iniwan ko sila ng wala silang ka alam alam tapos pumunta sa kwarto. Pero after 30 minutes nakarinig ako ng ingay tapos biglang pumasok si ranz sa kwarto at niyaya akong maglaro ng ungguy-ungguyan. -,- Sinabi ko nalang masakit yung ulo kahit hindi naman.

Makausap nga si dani. -,- Aasarin ko lang para quits kami ng nararamdaman. Ano ako lang? Tss. Dapat maasar din siya kahit sa anong paraan. Kaya ayun tinext ko siya sabi ko pumunta siya ng veranda. Kaagad naman siyang pumunta. Natatawa pa nga ako dahil dapat gugulatin niya ako. Pero syempre hindi ko pinahalata. Seryoso dapat. 

Nagkasagutan kami pero hindi naman msyadong hard. Nahalata ko ng naasar siya kaya pinagpatuloy ko padin nagulat naman ako ng tanungin niya ako kung nagseselos ba daw ako. -,-  Sakto namang dumating si Ully kaya naka kuha ako ng tyempo para magdrama at iwanan siya. =)) Ayaw pa naman niyang iniiwanan siya. >:)

Papunta ako ng kusina nang naka rinig ako ng ingay. -,- Napasilip tuloy ako. 

TSK.

SI DANI AT OLIVER. ANO BA NAMAN YAN DANI! NGAYON SI OLIVER NAMAN?! NAKAKAPANG INIT NG ULO.

Napatigil naman sila sa pag tawa nila. Ako naman pumasok nalang ulit ako ng bahay. Ramdam na ramdam ko yung pag salubong ng kilay ko. Tsk. Para akong nabagsakan ng langit at lupa. Kailangan kong magpahangin kaya lang andun naman sila dani at oliver sa veranda. -,- Kaya dumerecho ako ng kwarto. Lahat sila busy, busy sa cellphone. Agad akong pumunta ng terrace, nagulat ako kasi nandito si ranz. 

"Pre, anong nangyari sa mukha mo?" tanong sakin ni ranz na medyo natatawa. Tss. 

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko sa kanya para ma change topic ayaw kong pag usapan si dani. 

"Nahawa na ata ako kay dani eh. Mahilig siya sa mga pahangin hanging at patingin tingin sa view. Ewan ko ba." sagot sakin ni ranz. Tsk. Kaya nga ako nag tanong para hindi mabanggit si dani sa usapan pero nasali parin siya!! :|

"Dani nanaman." bulong ko pero narinig padin ni ranz. -,* Ganun ba ako kabadtrip ngayon at ang lakas ng boses ko?!

"Dahil ba kay dani kaya nagkakaganyan ka?" tanong sakin ni ranz. Wala na. Ito na hindi na ako makakaiwas pa. Kwento kwento nalang.

"Nakita mo naman siguro yung pwesto nila ni owy kanina diba?! tapos kanina nakarinig ako ng ingay sa veranda pag ka tingin ko nagtatawanan sila ni oliver!" derederecho kong sabi. -,- Medyo hiningal ako dun ah.

"Hindi naman sa kinakampihan ko si dani ah, pero alam naman nating lahat na may gusto sila sa isa't isa. At ska pre, nagtatawanan lang naman sila ah." sagot sakin ni ranz. Tsk. Hindi talaga eh!!

"Hindi pre eh. Syempre masakit sakin yun." sagot ko. Teka, mukhang mali ata yung sinabi ko. EHHHHHHH NADULAS.

"Teka nga pre, masakit? Wag mong sabihing in love ka na kay dani?" tanong sakin ni ranz. Pinagmamasdan ko yung pag agos ng tubig sa dagat. Hindi ko alam kung ayun din ba yung tinitingnan ni ranz. Mata niya yun eh. Malay ko ba. Pero dahil sa narinig kong tanong ni ranz napa iwas ako ng tingin. Napa tingin ako kaliwa. Nasa right ko kasi si ranz.

"Ewan ko, pre." yan nalang yung lumabas sa bibig ko. Sa sobrang abnormal na nitong nararamdaman ko. Hindi ko mapaliwanag. -,-

"Tingnan mo nga naman oh, sa sobrang haba ng buhok ni dani pwde na niyang ipangbigti sa sarili niya pag nagkagulo kayo dahil sa kanya." nakangising sagot ni ranz. Loko talaga to, mga naiisip eh.

"Pre naman." sabi ko sa kanya. 

"Confirmed. Pre, in love ka nga kay dani." sagot sakin ni ranz. Ano siya na si cupid ngayon? -,-

"Ewan ko sayo." may inis kong sabi tapos pumasok na ako sa kwarto. Sumunod naman sakin si ranz. Tumatawa pa! Sige ranz mang asar ka lang.

Lahat naman kami napatingin sa pintuan na biglang bumukas. Si Oliver pala. -,- Nagulat din siguro siya dahil lahat kami nakatingin sa kanya. Buti nalang nag salita si.....tsk...Si Owy.

"Kuya, san ka galing?" tanong ni owy habang nakatingin sa cellphone niya.

"Ah. Sa veranda." sagot ni ver. 

"Kasama si Dani." sabat ko. Ano ba tong ginagawa ko?! -,- Pinagaaway ko ba sila? Eh lumabas nalang sa bibig ko eh. Nagulat din ako sa sinabi ko. Napatingin tuloy silang lahat sakin. Ano ba yan Cav!!

"Kuya ah!" sita naman ni Owy kay Oliver. 

"Yay! Sinamahan ko lang siya dun." natatawang sabi ni ver. Kaya yun naging okay din yung mood sa loob ng kwarto. Sila lang. Ako hindi.

"Hoy, ranz may nalaman ako sayo!" sabi ni owy. Ano naman kaya yun? tss.

--

Next Chapt. ;)

Stuck in the moment. ♡ ft. ChicserTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon